NAPABUNTONGHININGA si Polla.
Naguguluhan na naman siya sa asawa. Ano na naman kaya ang nangyari rito at kung anu-ano na naman ang sinasabi nito kanina sa kanila ni Migo?
“Kontrabida raw siya sa amin ni Migo? Ano kami ni Migo? Super-heroes sa isang palabas para may kontra-bida? O kaya magkarelasyon kami ni Migo na si Sam ang kontrabida sa isang palabas. Ang gulo-gulo niya! Nakakainis!” sabi niya sa sarili.
Napabuntonghininga na naman siya.
"Sobra pa rin ang insecurities niya pagdating sa Kuya niya hanggang ngayon. Nakakaawa rin naman kasi, until now, ay nasasaktan pa rin siya sa naging failure niya noong una siyang sumabak sa kompanya nila," muli ay sabi ni Polla sa sarili at wala na ngayong inis sa asawa kundi awa na ang nararamdaman niya.
Humiga siya sa kama at tumitig sa kesame.
"Iiwas na lang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.