NAGLALARO ng chess ang mag-amang Sam at Nicanor sa hardin sa umagang iyon matapos mag-agahan habang si Polla naman ay panay kuha ng litrato sa mga naggagandahang bulaklak at nakalayo siya sa kinaroroonan ng asawa.
May iba’t-ibang uri kasi ng bulaklak sa hardin ng mansion ni Papa at inaalagaan talaga iyon bilang alaala sa namayapang asawa ni Papa na mahilig sa mga bulaklak. Hindi naman mahilig sa bulaklak si Polla pero kapag makita ang kagandahan ng mga bulaklak na iyon sa hardin ay talagang mapapahanga kung sino man ang makakakita.
Nagmukhang farm ng bulaklak ang hardin dahil sa lawak din niyon at sa dami talaga ng iba’t-ibang kulay ng rosas, sun flower at daisies. May fountain pa ang hardin na may lamang malinis na tubig at lumapit doon si Polla para kumuha ng litrato kasama siya.
“Would ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.