SA isang restaurant dinala ni Sam ang asawa niya at pagdating doon ay kaagad sila nag-order ng pagkain pero dahil hindi naman siya nagugutom ay panghimagas lang ang kaniya at kanin at ulam naman kay Polla. Pag-order nila ay kaagad kumain si Polla at halatang gutom na talaga ito dahil madaling-araw na rin ngayon para sa hapunan.
Pinagmasdan ni Sam ang masaganang pagkain ni Polla at napansin din na may mantsa ang damit nito at sa tingin niya ay iyon ang alak na inagaw niya kanina kay Polla na lalaklakin sana nito.
Napabuntonghininga si Sam kaya napatingin sa kaniya si Polla.
"Dapat hindi mo kinakalimutan kumain. Ayan tuloy gutom na gutom ka!" inis na sabi niya sa asawa.
"Nakalimutan ko na talaga. Ikaw kasi!" paninisi ni Polla sa kaniya.
"Ako kasi? Ikaw 'tong kung anu-ano ang binibintang sa aki……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.