Chapter 9: Officially
[Rain Castanova]
Panay ang aking pagbuntong hininga habang nakaharap ako sa malaking bintana sa kanang bahagi ng aking kwarto, pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa labas at habang nakamasid ako sa kanila ay may mga tanong ako sa aking isipan na gusto kong masagot.
Bakit ganoon si Luke?
Bakit hindi niya ako pinapansin?
Bakit ang cold ng pakikitungo niya sa akin?
Hindi niya ba ako gusto kahit kaunti man lang?
Hindi ba ako maganda sa kanyang paningin pero bakit hindi niya ako nire-reject?
Napailing ako. Mabuti na nga lang at hindi niya iyon ginawa dahil baka hindi ko kayanin, baka ikamatay ko pa kapag nangyari iyon! Kaya kahit pa-paano ay may kaunting pag-asa ang nabubuo sa akin dahil kahit ang cold niya ay hindi pa rin niya pinuputol ang aming mate bond.
"Hindi ka nga niya nire-reject pero kung ituring ka niya ay parang ni-reject ka na," my wolf Shin growled at me.
Ngayon nalang ulit niya ako kinausap. Malamang ay nasasaktan din siya katulad ko sa mga ginawa sa amin ni Luke. My wolf and I are one. If I'm in pain, she will feel that too and if she's happy it will affect my mood too. Kaya naiintindihan ko ang pananahimik niya ng ilang araw dahil pareho kaming nasasaktan.
"He's here."
Nabigla ako sa sinabi ni Shin bago ito nawala. I stiffen on my sit when his mint scent enveloped my room. Napaharap ako sa pintuan at nakita ko siyang nakasandal doon habang seryosong nakatingin sa akin. Napaayos ako ng upo at hindi mapakali dahil ngayon lang siya pumunta dito.
"Get ready dahil magiging opisyal na kayong member ng pack na ito. Here, wear this." Lumapit siya sa akin habang may hawak na isang malaking kahon.
Seryoso siyang nakatingin sa akin at ganoon din naman ako sa kanya. Nangingintab ang kanyang itim na mga mata habang ito ay nakatingin sa akin, naaakit ako.
"Kunin mo na," nabalik ako sa katinuan nang ipahawak niya sa akin ang dala niyang kahon at bago pa ako makagawa ng bagay na maaring kong pagsisisihan ay kinuha ko na ang kahon na hawak niya.
"Seven sharp," iyon lang ang huling sinabi niya bago siya lumabas ng kwarto.
Napaupo ako sa sahig. Ang lakas ng epekto niya sa akin, na kahit wala pang physical contact ay nanghihina na ako! Paano pa kaya kapag nagkalapit na kami at ginagawa na ang bagay na 'iyon'?
Ahhhhhh!
Ano ba itong iniisip ko?! Umayos ka nga Rain dahil malabong mangyari iyang iniisip mo!
~~~
"On a rate from one to ten, you're nine...'cause I'm the one you need."
Hagikhikan.
"Are you related to yoda? 'Cause yodalicious."
Tawanan.
"Is your mom a baker? Because she made you a cutiepie."
Hampasan.
"Are you from google? 'Cause you have everything...I'm searching for."
Tilian.
"There's something in my eye? Can you see it?" Inilapit ni Alex ang mukha sa mukha ng kapareha para tingnan ang kung ano ngang sinasabi ni Tristan.
"Wala akong makita," sabi ni Alex.
"Muta lang iyan, ayaw kasing maghilamos," sabi ni Vee sabay irap bago yumakap kay Ivan.
"It's my love for you," pagkasabi no'n ni Tristan ay hinatak niya si Alex at niyakap ng mahigpit.
"Ang corny mo talaga Tristan," pagkasabi ni Vee no'n ay sumiksik siya sa katabing si Ivan.
Napailing ako dahil napaka-corny naman talaga ni Tristan. Napahigpit nalang ang yakap ko sa isang throw pillow. Sana ganyan din kami ni Luke.
"It's time." Tumayo na si Ivan at ganoon din ang tatlo.
"Rain, maghahanda na kami," nagpaalam na sila sa akin at naglakad na palabas ng living room, habang ako ay naiwan na nakaupo pa rin sa sofa.
"Bakit hindi ka pa maghanda," isang malamig na boses ang nagdala ng kakaibang galak sa aking sistema. Umupo siya sa kabilang upuan. Kaharap ko.
"Ahmm...mamaya na," nahihiya kong sagot.
At katahimikan. Nararamdaman ko ang mga tingin niya sa akin kaya tumungo ako.
Okay, this is awkward.
"It's the time that's wrong," maya-maya ay naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin.
Napatingin ako sa kinauupuan niya ngunit wala na siya sa kanyang pwesto. Anong ibig niyang sabihin?
"It's the time that's wrong."
Tama ba ang pagkakarinig ko o pinaglalaruan lang ako ng aking isipan?
Nakaharap kami nila Vee at Alex sa buong miyembro ng pack sa harapan ng pack house. Kakatapos lang ng seremonya para maging opisyal kaming miyembro ng Hollow Moon Pack.
"Dismissed," ma-authoridad na sabi ni Luke sa lahat kaya nagsibalikan na ang iba sa kanilang mga tahanan. Ang iba naman ay pumasok sa pack house para kumain at ituloy ang pagdiriwang habang naiwan kaming anim sa labas.
"Bukas na lang, bye." Humalik sa magkabila kong pisngi sina Vee bago kumaway at nagpaalam sa akin.
"Is this monster inc.? Because I hope you can control your screams tonight." said Tristan while holding his mate's hand.
Ugh. Ang corny na nga niya ang manyak pa! Hindi na magbabago si Tristan kahit kailan!
"Magpalit ka na." Napalingon ako sa katabi kong si Luke na matalim ang tingin sa papalayong si Ivan, ano kayang problema?
Nakasuot ako ng puting dress na hapit na hapit sa katawan ko, gawa ito sa silk at backless pa habang nakapusod ang mahaba kong buhok kaya kita ang likod ko. At bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako.
I hate this! Naiiyak ako.
Ang akala ko ay may magbabago sa pakikitungo sa akin ni Luke kapag naging opisyal na miyembro na kami ng kanyang pack pero umasa lamang pala ako sa wala. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin sa buong seremonya na para bang napakapangit ko! Ayaw ba niya sa akin kaya ang layo niya palagi? Pero bakit pa niya ako ginawang opisyal na Luna ng kanyang pack kung palagi niya akong hindi pinapansin at palaging sinasaktan?
Ano bang iniisip niya?!
~~~
[Luke Hawksworth]
f**k.
Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto ko at padabog na binuksan ang pinto. Muntik pang masira ito dahil sa pagkakasara ko! Naiinis ako!
Damn. f**k!
Ang sabi ko kay Ivan ay isang damit na disente ang ibigay niya para kay Rain! Pero s**t! Ang mokong na iyon! Mapang-akit ang pinili para kay Rain! Ginagalit talaga ako ng lalaking iyon! Alam niyang mahirap pigilan para sa isang male wolf na hindi mahawakan ang kanyang nahanap na kapareha lalo na kapag nakasuot ito ng mapang-akit na kasuotan!
I'm thankful for my Alpha's blood that I have the power to stop myself from owning her right there.
f**k.
Kung hindi ko na-control ang sarili ko ay magta-take over si Ren, my f*****g wolf at baka kung ano pa ang magawa nito kay Rain! f**k, Damn it! Suddenly, the smell of vanilla and roses hit me. Dumeretso ako sa aking higaan at kinuha ang unan niya. Niyakap ko ito kaya kumalma agad ako.
~~~~~
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.