[Rain Castanova]
Three days later.
"Wala pa rin bang progress?" Vee asked me while munching her fries.
Sleepover! Yes!
"Unfortunately, wala pa rin, " sabi ko habang kumakain ng chips.
"Psssshhh. Kayo wala pa pero sina Alex malapit nang gumawa ng baby hihihihi," napatigil nalang siya sa pagtawa nang tamaan siya ng isang libro.
"What the fu—walanjo! Para saan iyon Alex? Ang sakit!" Hinihimas-himas niya ang parte kung saan siya tinamaan ng librong binato sa kanya ni Alex.
Napailing ako. Sawakas nagkasama-sama na ulit kaming tatlo. And yes, na-miss ko talaga sila. Hindi ko akalaing gugustuhin kong marinig ulit ang maingay at matinis na boses ni Vee at ang pagkasuplada at ang pagiging sadista ni Alex. Lagi kasi nilang kasama ang mga mates—boyfriends nila kaya hindi na kami makapag-bonding na tatlo.
"Ah! Alam ko na!" masayang anunsyo ni Vee. Ang hyper talaga niya kahit gabi na, hindi ata ito nauubusan ng energy.
"Anong alam ko na? Bago iyon ah, pft!" nakangising sabi ni Alex habang nakatutok pa rin ang atensyon sa kanyang librong binabasa.
"Hmp. Hate you Alex!"
"The feeling is mutual baby girl."
Napailing na lang ako sa sagutan nilang dalawa.
"Rain, inaaway ako ni Alex. Ang bad niya talaga pero mas bad si Luke!" bigla akong niyakap ni Vee.
Nagpapa-cute na naman siya para i-defend ko siya kay Alex.
"Haynako, tama na iyan. Ano ba iyong sinasabi mo Vee?" tanong ko bago siya umayos sa kanyang pagkakaupo.
"Alam ko na kung paano ka mapapansin ni Luke!" ngiting-ngiting sabi ni Vee bago ulit kumain ng fries.
"By what? Ise-seduce siya ni Rain? Malabong mangyari 'yon!" Isinarado ni Alex ang binabasa niya at humiga sa kama ko.
"At anong ibig mong sabihin, na hindi ako maganda o sexy kaya hindi ko siya maaakit, ha? Grabe ka!" nakanguso kong sabi.
Malapit na akong magtampo dahil sa sinabi niya!
"Baliw. Ikaw nagsabi niyan hindi ako. What I mean is, hindi ka marunong makipagflirt."
Oh, tama si Alex.
"Ano ba iyang pinagsasabi n'yo? Eh, pagseselosin lang natin si Luke!" Inilapag ni Vee ang bowl ng fries sa side table at humiga ng padapa sa kama ko. Napatingin kami sa kanya.
"What? Sa tingin mo ang kagaya ni Luke eh, magseselos? Daig pa no'n ang bato, ano ba 'yan?"
"Hoy, at least ako may naisip kahit papaano hindi kagaya mo. Puro landi lang kay Tristan." sigaw ni Vee sabay irap.
"Teka, bakit ba lagi mong isinasama si Tristan, ha?"
"Una ang corny niya. Pangalawa ang yabang niya pangatlo lagi niya akong binabara! At isa pa ang corny niya!"
"Hindi siya corny. Sweet siya! Hindi kagaya ni Ivan. Pakasuplado! 'Kala mo naman pogi!"
"Oh, bakit? Talaga namang pogi si Ivan, ah! Tsaka..."
"Girls! Stop it! Mabuti na lang at soundproof itong kwarto ko kung hindi magigising niyo ang buong pack!" napahinto ko sa sila sa kanilang pagtatalo. Mabuti naman.
"Matulog na tayo, bukas na lang natin ipagpatuloy ang kung ano mang pinagu-usapan natin kanina," sabi ko at pumuwesto sa gitna ng kama at umayos na rin sila sa paghiga.
"Goodnight," sabay-sabay naming sabi.
~~~
Tumatama sa akin ang sikat ng araw mula sa aking bintana kaya naalimpungatan ako. I yawned and decided to make some breakfast for us.
"Ano ba ito!" Inalis ko ang kamay at paa na nakapatong sa katawan ko. Ang bigat, ha!
Sinubukan kong bumangon habang maingat na inaalis ang kamay at paa ng dalawa sa katawan ko. Palibhasa sanay silang may kayakap kapag natutulog kaya ganito sila kung makadikit sa akin!
Dumeretso ako sa banyo at sinimulang gawin ang dapat gawin. Sweatpants at isang grey shirt ang pinili kong suotin at nag-apply ng powder sa mukha. Walang tunog akong lumabas ng kwarto at binaybay ang malamig na hallway. Seconds later, I went stiff.
He's here.
Nakasalubong ko si Luke na pababa na rin ng hagdanan. Nagkatitigan kami pero umiwas kaagad siya ng tingin at bumaba na.
Bababa ba ako o babalik na lang ng kuwarto? Kinakabahan ako! Palagay ko kapag sumunod ako sa kanya ay masasaktan lang ako. Binaliwala ko ang iniisip ko at bumaba na rin at nagtungo sa kitchen. Nadatnan ko si Luke na nakatayo sa may refrigerator habang umiinom ng tubig.
Ang maskulado niyang likuran ang agad na sumalubong sa akin kaya napalunok ako. Bakit kahit likod lang niya ay pamatay na? Seriously! Kahit may t-shirt siya ay halatang-halata ang magandang likuran niya! Plus, ang ganda ng hubog ng pwetan niya! Ang tambok nito.
Nakakainggit.
"Hey," a cold voice said.
Kinakausap ba niya ako?
"Rain."
I gasped! Binanggit ba talaga niya ang pangalan ko? Pakiramdam ko naman ay may ilang paru-paro ang gustong kumawala sa tiyan ko! Ang hot talaga ng boses ni Luke, kahit na ang cold niya!
"Hey."
Nakailang kurap muna ako bago nakasagot sa kanyang pagtawag sa akin. "H-ha?"
"Ang sabi ko... sasama ka ba?" bakit ang sarap pakinggan ng boses niya lalo na at kapag ako ang kinakausap niya?
"S-saan?" nahihiya kong sagot.
Kinakausap niya talaga ako. Hindi ako makapaniwala.
"I'm going for a run. I just thought you would like to join me," seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. Muntik na akong mapasigaw sa kilig!
Niyayaya ba niya akong makipag-date?
"Gaga! Date agad? Narinig mo diba? Run iyon hindi date gaga. Bilis sumama ka na gusto ko nang lumabas!" Shin exclaimed. Nagulat pa ako sa biglang pagkausap sa akin ni Shin.
Kung maka-gaga siya sa akin, ah!
"Ah, oo. Sige!" masaya kong sagot tumango naman siya at lumabas na ng kusina. Sinundan ko lang siya.
It has been weeks since I had let my wolf out. Alam kong excited na si Shin na lumabas lalo na at makakasama niya si Luke at ang wolf nito.
"Ah, Luke?" pagtawag ko sa kanya kaya napahinto siya sa pagbukas ng pinto.
"Yes?"
"What's your wolf's name?" I asked hoping he will tell me.
"Ren," tipid na sagot niya at binuksan ang pintuan at patakbong pumunta sa isang malaking puno sa hindi kalayuan.
Akala ko ba sabay kami?
Nagmadali na din akong lumabas ng bahay. I jumped and I sunk into the ground, my bones are cracking and ready for my shift. I let my wolf out and seconds later a dark wolf came out from the big tree. I gasped in my mind, his wolf is big! He was just a few inches taller than me. Itim na itim ang kulay ng balahibo nito katulad ng kulay ng buhok niya. Unlike me na kulay brown ang buhok pero my wolf's fur is white.
I walked towards Luke. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin at nang makalapit ako sa kanya, I pushed him slightly with my snout. He seemed to get the playful action because he pushed me back. I guess his wolf takes over dahil kung si Luke pa rin ito ay hindi niya ako papansinin.
Thank you Ren.
Nagsimula nang maglalakad ang wolf ni Luke kaya sinundan ko ito. Pinasok namin ang masukal na gubat pero ilang sandali lang din ay isang malawak na lupain na may mabababang damo ang nadatnan ko. Nilingon ko si Ren, he gave me a wolfy grin at biglang tumakbo sa malawak na lupain. I let my wolf take control of my body and followed Ren into the wide fields.
The feeling of the earth underneath my paws was good, it felt so good and so relaxing! Indeed, there could be no other high than being a werewolf.
~~~~~
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.