[Narrator]
Naiinis na kumatok si Ivan sa opisina ni Luke, ilang oras na silang kumakatok pero hindi pa rin sila pinagbubuksan ng taong nasa loob.
"Bakit isinama mo pa ako?" kinakabahang tanong ni Tristan kay Ivan ngunit hindi naman siya nito inimikan.
Malakas na katok ulit ang pinakawalan ni Ivan dahil sa naiinip na siya. Ang tagal na kasi nilang nakatayo sa labas ng opisina ng kanilang kaibigan.
"Kunin mo ang susi," malamig na utos ni Ivan kay Tristan.
"Pero..."
"No buts Tristan, just get the damn key!" naiinis na sabi niya.
Aalis na sana si Tristan para kuhanin ang susi ng biglang bumukas ang pinto ng opisina na kanina pa nila kinakatok. Masamang tumingin sa kanila si Luke.
"What?" malamig na tanong ni Luke habang nakatingin sa dalawa niyang kaibigan.
"Can we come in?" tanong ni Ivan ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.