Hindi pinayagan ni Alona si Aqua na manatili muna ito sa dati nilang bahay habang wala silang mag- asawa. Nag-aalala si Alona baka pasukin si Alona doon kapag malamang wala itong kasama which is sinang-ayunan naman ni Adrian na nakikinig sa kanila kanina. Biniro pa ni Adrian si Aqua na hindi naman sila cannibal na ngangain ng tao, kaya natawa naman si Aqua sa sinabi ng binata. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ng dalaga dahil joker talaga si Adrian lalo na kapag nandoon din si Logan. Hindi rin nakita ni Aqua si Hiro bago umalis ang bagong kasal, at hindi na rin nagpahatid pa sina George at Alona sa kanilang mga anak. Sasakay lang naman sila ng private airplane na pagmamay-ari nina George.
"You look at ease!" biglang sabi ng isang boses mula sa likuran ni Aqua.
Nasa pool ito at nakaupo sa gilid habang ang dalawa niyang paa ay nakasawsaw sa tubig. Nilingon ng dalaga kung sino ang nagsalita, it was Hiro.
"Impressive, feel na feel at home ka!" muling sabi ng binata.
Aqua rolled her eyes.
"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin Kuya? Alam ko namang ayaw mo sa amin ni Mama!" sagot ng dalaga.
"Exactly, what a brain!" bulalas ni Hiro sabay palakpak.
Tumayo naman si Aqua at hinarap ang kanyang step-brother na masungit parang laging may toyo at regla. Dinaig pa siyang babae na topakin kung makaasta at makatingin.
"FYI, kontra ako sa desisyon ng Dad mo at Mama ko. So, kung hindi mo bet ang kanilang relationship so was I don't worry!" madiing sabi ni Aqua.
"Kaya? Bakit hindi ko ma- feel? Ano bang balak niyong mag-ina?" nakangising tanong ni Hiro.
Naningkit naman ang mga mata ni Aqua at tinitigan niya sa mata si Hiro.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako interested sa kayamanan niyo. Wala kaming balak ng Mama ko na agawin ito mula sa inyo. You can insult me but not my mother, Kuya!" mariin pa ring sabi ni Aqua.
"Well, let's see! Huwag kang pakampante, my eyes will laid on you the whole time. Konting pagkakamali mo, ligwak ka sa pamilyang ito." Seryosong wika ni Hiro.
Si Aqua naman ang napangisi.
"Don't worry my dear Step- brother, sa'yo lang ang kayamanan niyo hindi ako makikihati. Walang pakialamanan para at peace tayong lahat." Sagot nito sabay kiling ng kanyang ulo.
"You're wrong baby girl, nakapasok ka sa pamilyang ito puwes makibagay ka. Huwag na huwag mong dudumihan ang malinis na dignidad ng aming pamilya tandaan mo 'yan." Nagngangalaiting sabi ni Hiro.
Hindi nito kasi inakalang isang tigasin at palaban ang kanilang younger step- sister. Subalit wala pang sinumang nagpatiklop sa isang Hiroshi. Hindi naipapanganak ang babangga sa kanya at ayaw sumunod sa kanyang mga rules. Sina Adrian nga at Logan, takot sa kanya how about lang sa isang kagaya ni Aqua na bata pa.
"You're so stubborn yet so young! Walang magandang patutunguhan ang iyong katigasan mark my word." Muling sabi ni Hiro saka ito tumalikod.
"Hindi kasi ipinanganak na tatakutin lang ng mas matanda sa akin. Hangga't nasa tama ako, hindi ako susuko Kuya." pahabol na sagot ni Aqua.
Tumigil si Hiro sa paglalakad nito subalit hindi niya nilingon si Aqua.
"Then, try me!" wika na lamang ni Hiro saka tuluyang lumayo sa kinaroroonan ni Aqua.
"Hmmpp! Akala mo magpapatalo ako sa'yo? No way!" bulong ni Aqua sa kanyang sarili at muling naupo sa gilid ng pool.
Lahat nang iyon ay nasaksihan nina Adrian at Logan, nagkubli kasi sila sa may pine tree malapit sa pool. May malaking bato doon kaya hindi sila basta-basta makikita at mapapansin.
"Narinig mo 'yon?" namimilog ang mga mata ni Adrian.
Pigil tawa naman si Logan.
"Nakahanap nang katapat si Lion king!" sagot naman nito.
Impit silang nagkatawanan saka nag-apiran. Maya-maya pa'y lumapit na sila kay Aqua na parang walang nakitang nangyari.
"Swim tayo? Mainit ang panahon," wika ni Adrian nang mapalingon ang dalaga sa kanila ni Logan.
Agad na ngumiti si Aqua nang makita ang dalawang ka-vibes niya.
"Kayo na lang mga Kuya, wala pa ako sa mood na magtampisaw sa pool." Tinatamad na sagot ni Aqua.
"Ganoon? Anong gagawin namin para magkaroon ka ng mood na maligo sa pool?" tanong naman ni Logan.
"Wala!" kibit-balikat na turan ng dalaga.
"Bakit parang may nang-away sa'yo? Sabihin mo lang malilintikan siya sa amin," tanong naman ni Adrian.
"Wala naman mga Kuys! May dumaan lang na masamang hangin, pero umalis naman na." Natatawang wika ni Aqua.
Nagkatinginan sina Adrian at Logan, iisa ang nasa isipan ng dalawa at parang gusto nilang matawa. Subalit nauwi sa tikhim ang sana ay kanilang tawa dahil biglang lumitaw si Hiro sa kanilang harapan.
"Andiyan ka pala brother!" wika naman ni Logan.
"Kanina pa ako rito at alam kong nakinig kayo kanina sa napag-usapan namin ng mahal nating step- sister. Hindi ko alam na isa na rin pala kayong tsismoso." Sagot ni Hiro.
Napangiwi naman ang dalawa at hindi makatingin sa kanilang Kuya.
"Hindi namin iyon sinadya ah!" katwiran ni Logan.
"Bagay nga kayong dalawa na kasama ng pasaway na ito. Nakakatawa, dalawang bugok kasama ang isang parrot." Malamig na sabi ni Hiro saka ito humakbang palayo sa tatlo.
Nagkatinginan naman sina Adrian at Logan sabay kibit-balikat.
"Kapatid niyo ba talaga 'yon?" tanong naman ni Aqua sa dalawa.
"Oo naman!" magkapanabay na bigkas ng dalawa.
"Bakit iba ang ugali niya? Malayo sa inyong dalawa?" muling tanong ng dalaga.
"Bitter lang 'yon, huwag mo nang pansinin. Masungit talaga 'yon laging may regla!" sagot ni Adrian.
Natawa naman si Logan saka mahinang binatukan ang kapatid nito.
"Alam niyo, tatandang binata ang Kuya niyo at madaling mapapanot. Aba, ang advance nang pag-iisip kung ano-ano ang sinasabi wala naman siyang pruweba." Inis na saad ni Aqua.
"Papansin lang 'yon, dapat palagi mong patawanin." Wika naman ni Logan.
"Sus! Paano ko patatawanin, makita ko pa lang pagmumukha niyang lukot ni mangiti hindi ko magawa." Nakasimangot na tugon ni Aqua.
Muling tumawa sina Adrian at Logan. Noon naman napansin ni Aqua na parang baliw naman ang dalawa. Wala sa loob na tumayo si Aqua at humakbang palayo kina Adrian at Logan.
"Where are you going?" sigaw naman ni Logan kay Aqua nang mapansin nitong umaalis ang dalaga.
"Wala, diyan lang! Enjoy yourselves para na kayong sira diyan!" pasigaw ding sagot ng dalaga sabay kaway.
"Ikaw kasi baliw!" paninisi ni Adrian kay Logan.
"Anong ako hangal? Ikaw nga riyan tawa ka nang tawa para kang sira!" ganting sisi ni Logan.
Bumalik din sila sa loob kapagkuwan dahil wala na si Aqua. Ang siste pala, may kursunada ang dalawa kay Aqua. Gusto nilang mapalapit ang dalaga sa kanila at baka may pag-asa ang kanilang pagnanasang may kalakip na paghanga. Pero wala naman silang balak na masama kay Aqua, crush lang nila ito dahil sa kakaibang ganda niya. Humahanga sila sa dalaga, ayaw nilang mailang kasi ito sa kanila kaya kinakaibigan nila. Para mas maganda kung close nila ang kanilang babaeng hinahangaan na hindi naman nila puwedeng maging sa kanila.
Habang si Hiro naman ay napailing-iling na lamang dahil sa dalawa niyang kapatid. Nasa may veranda ito ng kanyang kwarto at tanaw niya ang nangyayari sa may pool.
"Mga bugok talaga!" bulong ni Hiro sa kanyang sarili.
Kilala niya ang dalawa niyang kapatid na mahilig sa mga batang chicka bebe, na siyang tawag nila sa kanilang trip na babae. Gusto mang sawayin ni Hiro ang dalawa subalit pinipigilan nito ang kanyang sarili. Lalo pa't nangangagat pala si Aqua, napatunayan nito kanina. Kung kaya't titingnan niya kung hanggang saan ang tapang ni Aqua. Hindi niya lang matanggap na nag-asawa ulit ang kanilang ama sa haba ng panahon na nagimg single ito. Kung kailan tumanda ay saka naman nakaalalang mag-asawa which is masakit sa kanyang part lalo pa't very close sila ng kanyang yumaong ina.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.