C-7: Bad morning, bad mood!

THE BILLIONAIRE'S YOUNG STEP- SISTER ( HIROSHI & AQUA ) 1409 words 2025-02-11 16:34:57

Maagang gumising si Aqua dahil grupo nila ang nakatokang maglinis ng kanilang classroom. May mga schedule sila araw-araw, ganoon ka- strict ang kanilang baklang professor. Ayaw nito ang madumi, makalat at mabahong loob ng classroom.

"Gising na po pala kayo, Senyorita. Halina kayo at mag-almusal na bago kayo pumasok sa eskwela." Wika ni Bambi, anak ng isa sa katulong sa Mansyon.

Sa tingin ni Aqua ay mas nauna lang si Bambi ng dalawang taon sa kanya halata ito sa hitsura ng dalaga.

"Ilang taon ka na Bambi?" hindi napigilang itanong ni Aqua.

Kiming ngumiti si Bambi. "Twenty one na Senyorita,"

Naikot naman ang mga mata ni Aqua.

"Tatlong taon lang pala ang inuna mo sa akin. Saka, huwag mo nga akong tinatawag na Senyorita, nanayo mga balahibo ko sa tuwing naririnig ko 'yan!"

Natawa naman si Bambi.

"Baka kasi magalit sina Senyorito o kaya si Don George. Saka, iyon kasi ang bilin nila, pasensiya ka na sumusunod lang kami sa utos."

Napatango-tango naman si Aqua sabay upo sa hapag-kainan. Marami ang nakahain, may sinangag, pritong bangus, pritong karne ng baboy, longganisa at tapang karne ng kalabaw. May natimpla pang preskong gatas sa malaking babasaging pitsel. Para kay Aqua, nakakalulala ang mga nasa kanyang harapan, hindi talaga siya sanay.

"Eh...Bambi, wala bang gulay? Like, nilagang talong o kaya okra? Pansin ko, palaging mas marami ang nakahandang mga karne," wika ni Aqua nang lumingon siya kay Bambi.

"Naku, gusto mo bang ipagluto kita? Sorry, hindi kasi mahilig sa gulay 'yong mga anak ng Don." Tarantang sagot ng dalaga.

"Huwag na, okay na ako dito sa pritong bangus salamat." Tanggi naman ni Aqua.

Ayaw naman niyang abalahin pa si Bambi at alam nito kung gaano kahirap ang trabaho ng isang katulong. Lalo pa't Mansyon ang kanilang kinaroroonan, iisipin pa lang ni Aqua ang gawain doon lalo na ang paglilinis ay nahihilo na siya.

Nauntag ang naglalakbay na isipan ni Aqua nang may tumikhim mula sa kanyang likuran. Na kahit hindi naman siya lumingon ay alam na niya kung sino iyon. Bigla tuloy nasira ang kanyang umagang kay ganda.

"I guess, papasok ka na. May I remind you, ito na ang last mong pasok sa public school niyo." Wika ni Hiro sa baritonong boses.

"At bakit naman po, big brother?" sagot ni Aqua na may halong sarcastic.

Ikiniling naman ni Hiro ang ulo nito habang nakatingin kay Aqua. Napakunot- noo naman ang dalaga dahil hindi niya maintindihan ang gesture ng binata.

"Hindi ako manghuhula, bakit hindi mo na lang sabihin!" Aniya.

"What do you expect? Nasa alta sociedad ka na. Hindi ba nabanggit ng Mama mo na lilipat ka na sa private school which is pag- mamay- ari namin?"

"Paano ko malalaman eh wala nga si Mama. Saka, masaya ako sa public school ayokong lumipat," patay malisyang tugon ni Aqua.

"Hindi ba iyon naman ang gusto mo?" walang pakundangang wika ni Hiro.

Kagyat namang umakyat ang dugo ni Aqua sa kanyang ulo. As in talagang nagpanting ang mga tainga nito sa sinabi ng binata.

"Puwede ba, huwag mo namang sirain ang araw ko big brother? Kung masama ang gising mo huwag kang mandamay ha, nakakabanas ka eh! Wala akong pakialam sa private school na pag-mamay-ari niyo. Hindi ko, dream ang mapunta doon. Haler! Marami na akong achievements sa public school na pinapasukan ko hindi ko need ang mapunta sa private school okay?" Talak ni Aqua.

"Oh...kaya?" nang- iinis namang turan ni Hiro.

"Oo! Kaya kung malungkot ka sa buhay mo ngayon puwede bang huwag mo akong isali, big brother?" mabilis na sagot ni Aqua sabay tayo at ininom nito ng diretso ang gatas niya sa baso sabay alis sa hapag- kainan.

Ang pinaka- ayaw pa naman ni Aqua ay iyong binubwisit siya sa umaga. Lalong lalo na kapag maganda ang kanyang gising iyong punong- puno ng good vibes pagkatapos may isang epal na sisira lang. Maikli pa naman ang kanyang pasensiya at ora- orada ay sumasabog talaga siya. Habang si Hiro naman ay naiwang nakakuyom ang mga kamao nito. Sabay sumpang hinding- hindi niya titigilan ang kanilang step- sister.

"Bakit tila ang sama ng umaga mo, brother?" tanong ni Logan nang madatnan nito si Hiro na nagkakapeng magkasalubong ang mga kilay.

"Wala kang paki,"

Gulat naman si Logan sa sagot ni Hiro sa kanyang tanong.

"Sure ka?" tanong ulit ng binata.

Napabuntonghininga naman si Hiro at napilitang tumingin kay Logan.

"That brat, tinarayan na naman ako! Iba talaga kung sumagot asal kalye," inis nitong saad.

"Sino?" tanong na naman ni Logan sabay kamot nito sa sariling ulo.

"Sino pa nga ba ang sampid dito sa Mansyon?" Singhal naman ni Hiro sa kapatid.

Saglit na napaisip si Logan, kapagkuwan ay napagtanto nito kung sino ang tinutukoy ni Hiro. Bigla tuloy itong napatawa lalo na nang makita nitong lumalaki ang mga butas ng ilong ni Hiro.

"What's funny, idiot?" angal ni Hiro.

"Wala! Akala ko pa naman kung sino 'yong tinutukoy mo, si Aqua lang pala. Okay naman siya ah, bakit ba inis na inis ka sa kanya?"

"Okay sa inyo, kasi pare- pareho kayong utak talangka at walang ambisyon sa buhay. Don't you see? Okay na tayo and all of sudden, she joined the picture out of nowhere?"

"Anong magagawa natin, si Dad naman ang may gusto."

"May magagawa tayo if magkaisa tayong puksain ang brat na iyon. Tila wala siyang kinakatakutan pero tingnan ko lang kung hanggang kailan ang tapang niya, matira matibay sa aming dalawa."

"Anong gagawin mo?"

"Sit back and relax," buong kumpiyansang turan ni Hiro.

"Wehhh? Baka mamaya, mauwi sa love 'yan ha?" Kantiyaw naman ni Logan sa kapatid.

"Over my dead body, Logan! Itaga mo 'yan sa bato," inis na tugon ni Hiro.

"Sabi mo eh! Tantandaan ko iyan ha? Maiwan na kita at ako ay nagugutom na Kuya," turan ni Logan na kay lawak ng ngiti nito.

Napairap na lamang si Hiro kay Logan sabay iling- iling. Mabilis namang lumayo si Logan kay Hiro at baka saan na naman mapunta ang kanilang usapan. Bugnutin pa naman ang kanilang Kuya at kay sungit, hindi naman ito babae na may toyo palagi.

"Ang haba ng nguso mo ah!" natatawang sabi ni Shiela kay Aqua pagkatapos ng first period nila.

"Wala ito, huwag mo ng pansinin at ayoko ng maalala pa ang dahilan." Mataray na sagot ni Aqua.

"Ano bang dahilan? Hindi ba dapat masaya ka dahil nakatira ka sa isang Mansyon ngayon?" Pangungulit naman ni Shiela.

Mas lalong napasimangot si Aqua.

"Papaano ako sasaya kung may kupal na paepal?"

"Ano?!" natatawang bulalas ni Shiela.

"May kupal na paepal sa Mansyon, ang sarap pilipitin ang leeg! Naku, at palagi niya akong hina- high blood!" nanggigigil na turan ni Aqua.

"Sino sa kanila?" Curious namang tanong ni Shiela.

Noon lamang napagtanto ni Aqua na kilala na nga pala ni Shiela ang tatlo niyang step- brothers. Naroon din pala ito nang maikasal ang Mama niya at Tito George niya.

"Teka, ang masungit sa kanila noon ay si Hiroshi pero infairness, siya ang pinaka- guwapo sa tatlo!" kinilig pang wika ni Shiela.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aqua at pinandilatan niya si Shiela.

"Ano?! Nagu- guwapuhan ka doon? Ang baba naman ng taste mo, saang banda ang guwapo niya aber?" asar na sagot ni Aqua.

"Lukaret! Ang guwapo niya kaya, kamukha niya si Oppa Park Bogam ng actor korean! Huwag kang inggrata uy," sermon naman ni Shiela sabay tampal kay Aqua.

"Yucks! Never in my imagination a big ekis to me, duh!" sabi naman ni Aqua na parang nandidiri.

"Aba, ang lukaret na ito! Hindi ka lang baliw, bulag ka na din."

"Eh..'di doon ka sa Oppa mo pakialam ko doon! Basta, para sa akin isa siyang kupal na paepal. Siyempre, hindi ako magpapatinag sa betlog na iyon!" Banas na wika ni Aqua.

Napangiwi na lamang si Shiela at nanahimik para hindi na humaba pa ang usapan nila ni Aqua. Kilalang- kilala pa naman nito ang kanyang kaibigan. Kahit yata sa kaliit- liitang parte ng katawan ni Aqua ay kabisado na ni Shiela. Best friend na sila since elementary kaya kilala na nila ang isa't- isa. Dahil kapag galit si Aqua sa isang tao damay ang lahat kaya huwag na huwag mo siyang kokontrahin. Kung ayaw mong madamay, hindi ka lang naman niya kikibuin ng ilang linggo. At hinding- hindi mo mahihintay na si Aqua mismo ang lalapit para makipag- bati sa'yo. Kay kasalanan man niya o hindi, ay talagang hindi si Aqua ang magpi- first move para makipag- bati sa isang tao.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.