Nagtataka si Aqua nang papasok ito sa gate ng kanilang University. Marami ang nagtitilian na animo may sikat na artistang dumating sa kanilang Campus. Kaya medyo napaismid ang dalaga, mga ganoong gawain ay ekis sa kanya.
"Aquaaa!" tili agad ni Shiela nang makita nito ang kaibigan.
"Anong nangyayari sa'yo at tila pati ikaw kinikilig ang tinggil kagaya ng mga 'yan?" sagot ni Aqua sabay nguso sa mga kababaihang kilig na kilig sa kung sino mang dumating sa kanilang Campus.
Subalit hindi nagsalita si Shiela bagkus ay mabilis nitong hinila ang kaibigan papunta sa kanilang classroom.
"Si Ford," kinikilig pa ring bigkas ni Shiela na may pakagat labi pa.
Natigilan si Aqua dahil naroon nga si Ford, nakatayo sa may pinto ng kanilang classroom. May hawak itong bungkos ng red roses with a sweet smile. Tilian naman ang mga kababaihan na mas excited pa nga kaysa kay Aqua.
"Good morning my sweet Aqua!" Masiglang bati ni Ford sabay abot sa mga bulaklak.
Napilitan namang ngumiti si Aqua at tinanggap ang mga iyon.
"Salamat," tanging nasabi ni Aqua.
"Paano, papasok na rin ako? See you around," masayang turan ni Ford sabay kindat at kumaway sa mga nagtitiliang kababaihan.
Walang namutawing salita mula sa labi ni Aqua. Sinundan na lamang ni Aqua nang tingin ang papalayong si Ford. Habang ang iba ay tumitili pa rin at kilig na kilig sa bawat kaway at ngiti ng binata sa mga ito.
"Grabeeee! Ang suwerte mo gorl!" Kinilig namang bulalas ni Shiela kay Aqua nang papasok na sila sa loob ng kanilang room.
"Ikalma mo, Shiela may boyfriend ka na." Walang emosyong tugon ni Aqua saka umupo.
"Hindi ka kinilig?" Maang namang tanong ni Shiela.
"Hindi. Bakit, may nakakakilig ba?" Tahasang sagot ni Aqua.
Umupo naman si Shiela pero bago iyon ay hinila nito ang upuan at humarap sa kaibigan.
"Hoy, grabe ang effort no'ng tao tapos hindi ka kinilig? At take note, mayaman na heart rob pa ng kanilang campus kahit dito sa atin." Saad nito.
Ikiniling naman ni Aqua ang kanyang ulo at tumingin kay Shiela.
"Appreciated ko naman ang effort niya pero hindi ako natutuwa sa ginawa niya. You know why? Kasi, lalanggamin ako ng mga umiidolo sa kanya, dadami ang bashers ko pati na mga haters dahil nakabuyangyang ang katotohanang nililigawan niya ako. Ngayon, saan man ako magpunta dadami na ang mga matang nakasubaybay sa akin, magre- report sa kanya and worst, sisiraan lang ako. Hindi ba niya naisip iyon? At ayoko ng ganoong senaryo, gusto ko ng free at walang inaalalang kung ano- ano!" Mahabang talak ni Aqua.
Shiela potted, lumungkot ang mukha ng dalaga kasi may point din naman si Aqua.
"Sige, sasabihin ko sa kanya na ligawan ka in private na lang." Aniya.
"Too late! Lumingon ka sa paligid mo, hay!" Inis na sagot ni Aqua.
Lumingon naman si Shiela sa labas ng binantana ng kanilang classroom. May mga schoolmates nga silang nagbubulungan, nakaismid, nakairap at nangmamata. Napangiwi naman si Shiela na nagbawi nang tingin at muling humarap kay Aqua.
"Tama ka nga, beshy. Baka mamaya, may mang-away na sa'yo," nakangiwing turan ni Shiela.
"So, sinong sisisihin ko aber?" may angala naman sa boses ni Aqua.
Pinili na lamang ni Shiela ang tumahimik at baka mag- back fire sa kanya ang tinitimping inis ni Aqua. Hindi naisip ni Ford ang mga consequences sa hayagang panliligaw nito kay Aqua. Kaya napapailing- iling na lamang si Shiela dahil nakikini- kinita niyang hindi papasa si Ford sa tigre niyang kaibigan.
"How do you know Ford? When did you meet him? Is he really courting you?" Mga tanong ng Campus Queen kay Aqua nang harangin siya ng mga ito sa hallway.
Patay- malisyang tumingin si Aqua kay Bettina. Ayaw sana nitong sagutin ang dalaga pero mukhang hindi siya tatantanan ng mga ito.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo? Kailangan ko bang ipaliwanag ang sarili ko sa'yo?" balik tanong naman niya.
Napangisi naman si Bettina sabay halukipkip at hinagod nito nang tingin si Aqua.
"I just can't believe na ipagpapalit niya lang ako sa isang katulad mo." Anito with a sarcastic voice.
Si Aqua naman ang ngumisi hinagod din niya nang tingin mula ulo hanggang paa si Bettina.
"Ano bang pinagkaiba nating dalawa? Ah...mayaman ka pala samantalang ako, mahirap lang. Pero sa katalinuhan walang- wala ka sa aking kalingkingan maging siguro sa kagandahan," matapang niyang sabi.
Natawa naman si Bettina.
"Look who's talking! Baka nakakalimutan mo, I'm the Campus Queen here. Meaning, mas maganda ako sa'yo!"
"Sinong nagsabi sa'yo? Itong mga obob na mga alipores mo? Tsk...tsk! Sige, patalinuhan tayong dalawa, game ka ba?" napapalatak namang tugon ni Aqua.
Natameme naman si Bettina. Kilala si Aqua bilang achiever, competitive at may ibubuga talaga kung sa patalinuhan lang.
"Ano?" untag ni Aqua sa natamemeng Bettina.
Tumingin naman si Bettina sa mga kasamahan nitong nag-iwas nang mga tingin. Umingos si Bettina kay Aqua saka nito tinaasan nang kilay.
"Stay away from Ford, may kalalagyan ka!" babala nito.
"Sinong tinakot mo?" Kampanteng sagot ni Aqua.
"Well, let's see kung magmamatigas ka!"
"Ows? Huwag kang puro dada, gawin mo kung talagang matapang ka. Huwag mo akong itulad sa iba na kaya mong takutin, sanay na ako sa battle sa buhay. Hangga't nasa tama ako, hindi mo ako masisindak." Mariing wika ni Aqua at tinalikuran na niya ang grupo ni Bettina.
Alam ni Aqua na sobra ang pagngingitngit ni Bettina sa mga sandaling iyon. At wala itong pakialam maski sumabog pa ang dalaga. Ang mahalaga sa kanya ay wala siyang ginagawang masama.
"Miss Baltazar, tawag ka sa office!" wika ng Professor nina Aqua sa English.
Kaya naudlot ang pagsusulat ni Aqua para sa ginagawa nilang essay. Pati yata lahat ng mga kaklase nito ay nahinto din sa kanilang ginagawa at tumingin sa dalaga. Bantulot namang tumayo si Aqua, naisip tuloy nito ang eksena kaninang umaga. At iyon ang naisip nitong dahilan kung bakit pinapatawag siya sa office.
"Bakit daw po, Sir?" lakas loob na tanong ni Aqua.
"Ikaw naman! Bakit hindi mo sinabing lilipat ka na pala ng school? At sa private pa ha? Malayo iyon, Aqua!" Sagot ng guro.
"P-Po?!" gulat na bulalas ni Aqua.
"Sige na, hinihintay ka na ng ating Admin saka 'yong mentor mo." Sabi pa ng kanilang Professor.
Walang nagawa si Aqua kung hindi sumunod sa kanilang teacher. Subalit bago pa ito lumabas ay sinulyapan muna niya si Shiela na alam din niyang nagulat sa balita ng kanilang guro. Napapaisip tuloy si Aqua kung sino ang kanyang mentor na sinasabi ng kanilang teacher? Kaya binilisan na lamang ni Aqua ang pagpunta sa kanilang admin office.
"Hiro?!" bulalas ni Aqua nang mabungaran ang kausap ng kanilang admin sa loob ng office.
Agad na ngumiti si Hiro na alam naman ni Aqua na fake lang iyon. Kaya atubili ding ngumiti si Aqua at mabilis na tumingin sa kanilang admin sabay bati dito.
"Sit down, Miss Baltazar!" Nakangiting sagot ng kanilang admin.
Naupo naman si Aqua sa tabi ni Hiro, medyo naiilang siya. Pero, naiinis din dahil hindi siya na- inform na talagang lilipat na siya ora- orada.
"Alam mo, Mr. Walton Aqua was our school pride when it comes to academics. Kaya, sobra akong nalulungkot ngayong lilipat na siya. Mababawasan na naman ng aming school ng maipagmamalaking student." Saad ng admin.
Ngumiti naman si Hiroshi.
"Good to know that. But, she will definitely not forget this school where she came from." Anito.
"Teka, wala namang sinabi si Mama na ngayong buwan ako lilipat. Honestly, gulat ako!" Sabi ni Aqua na kay Hiro tumingin.
"Matagal nang dumating ang request letter from your Mama. Dahil na- busy tayong lahat sa gatherings and events ng ating school hindi ko agad naasikaso." Ang admin naman ang nagpaliwanag.
Hiro shrugged his shoulders. Mas lalong ikinainis ni Aqua pero kinalma niya ang kanyang sarili.
"Paano ba 'yan, 'di maiiwan mo na ang boyfriend mo?" nakangiting sabi pa ng admin.
"H-Ho?! Wala po akong boyfriend alam po ninyo iyan," nahihiyang sagot ni Aqua.
Napataas naman ang kilay ni Hiro.
"Kaya pala ayaw lumipat," anito.
"Wala akong boyfriend!" Mariing wika ni Aqua.
"Huwag ka ng mahiya, Aqua! We saw it all kaninang umaga, you are lucky dahil top contributor's sa private school ang mga magulang ni Ford." Pagpapatuloy ng admin.
Napapikit si Aqua dahil nag-name drop pa talaga ang admin. Kung hindi lang kasalanan ang sumakal ay kanina pa niya sana nasakal ang kanilang admin para tumahimik na.
"So, a rich boyfriend?" si Hiro na nakatingin kay Aqua na ngising aso.
"Suitor ko lang siya, hindi boyfriend." Sagot ni Aqua sabay pandidilat.
Natawa naman ang kanilang admin.
"Anyway, pag- usapan na natin ang pagta- transfer mo, Aqua. Basta, study hard ka saan ka mang school magpunta. At thank you sa malaking contribution mo dito sa ating paaralan." Singit naman ng admin.
Kaya nanahimik na din si Aqua, baka kasi hindi siya makapagtimpi ay magbangayan silang dalawa ni Hiro sa harapan ng admin. Malinis pa naman ang kanyang pangalan sa kanilang paaralan at ayaw niyang madungisan iyon. At mag-iwan ng masamang impression sa kanya kapag nakalipat na siya. Saka, bakit ba siya nagpapaliwanag sa harapan ng haring kwago? Buhay niya iyon, at walang pakialam maski sino kung ano man ang nangyayari sa kanya except sa kanyang Mama.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.