Tamad sanang bumangon si Aqua kaya lang naalala niyang may atraso pala siya sa mga tatlong kwago. Kaya no choice siya kung hindi ang bumawi. Dali- dali itong lumabas ng kwarto at pumunta ng kitchen. Naratnan niya doon sina Bambi at Ina nitong si Aling Binang.
"Ang aga mo yatang nagising Senyorita, wala ka namang pasok?" bungad ni Bambi nang makitang paparating ang dalaga.
"Hindi kasi ako nakatulog nang maigi dahil sa guilty. Kaya sabi ko babawi ako ngayon do'n sa tatlo sana umepekto." Sagot ni Aqua.
"Magkape ka muna, Senyorita." Sabi naman ni Aling Binang na kiming ngumiti.
"Salamat po! Pero, puwede po bang magtanong?" nakangiting sagot ni Aqua.
"Ano iyon, Senyorita?" tanong naman ni Aling Binang at tuluyan na nitong itinigil ang ginagawa.
"Ahm..ano- ano po bang mga ulam ang gusto ng tatlo?" sinabayan pa ni Aqua ng tikhim para hindi siya pumiyok.
Natawa naman si Aling Binang habang tipid namang ngumiti si Bambi. At nagkatinginan ang mag- ina saka muling binalingan si Aqua.
"Si Senyorito Hiro, mahilig iyon sa kare- kare saka sinigang na karne. Si Senyorito Logan naman, lahat ng luto sa karne gusto niya, ganoon din si Senyorito Adrian pero seafoods talaga hilig niya." Si Bambi ang sumagot.
"Hindi sila mahilig sa gulay?" tanong pa din ni Aqua.
"Gaya ng sabi ko sa'yo noon, madalang lang sila kung kumain ng gulay." Tugon ni Bambi.
"Ah..okay! Mayroon ba tayong mailuluto diyan na mga paborito nila?" tumatango- tangong wika ni Aqua.
"Naku, mayroon hindi puwedeng wala Senyorita!" si Aling Binang ang nagsalita.
Natuwa naman si Aqua at bigla itong nabuhayan ng loob. Napapalakpak pa ito sa saya dahil sa wakas ay makakabawi siya sa tatlo.
"Bambi, magluluto ako ng breakfast nila tulungan mo na lang ako konti ha?" baling naman ni Aqua sa dalaga.
"Oo naman, Senyorita!" mabilis na sagot ni Bambi.
"Aqua na lang kapag tayo- tayo lang," turan ni Aqua.
Ngumiti naman ang mag- ina at sabay na tumango. Kapagkuwan ay magkatulong na sina Bambi at Aqua na naghahanda ng breakfast ng magkakapatid. Nagluto si Aqua ng pritong isda, at pritong karne na na- marinate pa kagabi. Nagluto din ito ng tahong in a butter with sugpo. Pagkatapos ay masayang inayos ni Aqua ang mesa pati na ang paghain sa mga niluto niyang pagkain. Buong saya niyang pinagmamasdan ang mga iyon at maluwag ang dibdib sa nagawa niyang preparasyon.
"Wow! I smell something yummy!" bulalas agad ni Logan pagkapasok nito sa dining room. At ito ang unang humarap sa hapag- kainan na tuwang- tuwa sa mga nakahain.
"Parang heavy breakfast ito ah! Anong mayroon? May okasyon ba?" anito sabay tingin kina Bambi at Aqua.
Ngumiti naman si Aqua. "Ako lahat ang nagluto niyang heavy breakfast niyo! Siyempre, hindi ko lahat kaya 'yan kung wala ang tulong ni Bambi!" Buong pagmamalaking sagot ni Aqua.
"Wohhh! Marunong ka pa lang magluto! Anong nakain mo at ikaw ang nagluto!" si Adrian na narinig pala ang sinabi ni Aqua.
"Kasi gusto kong bumawi sa inyo!" masayang turan ni Aqua.
"For what?" nagtatakang tanong ni Logan.
"Kagabi! Hindi ba dapat iso- sorpresa niyo ako pero late akong umuwi kaya nag- inom na lang kayo?" wika ni Aqua.
"Oh...yeah! But it's okay, may nilakad ka yata kasi. Anyway, idea namin ni Adrian iyon and we are not expecting na magjo- join si Kuya." Paliwanag naman ni Logan.
"Iyon nga eh! Nagi- guilty kasi ako kaya nag- isip ako ng pambawi sa inyo!" matapat na tugon ni Aqua sabay saklob ng dalawa niyang palad.
"Wala iyon ikaw naman!' Magkasabay na sagot ng dalawa sabay tawa.
"Anong wala? Siyempre 'yong effort niyo kaya nakakahiya nga eh!" giit i Aqua.
"Kalimutan mo na iyon! It's just a little matter and we understand naman so, come on dig in kasabay namin!" sabi ni Adrian.
"Yiiee! Thank you, and sorry talaga!" Masayang bulalas ni Aqua sabay palakpak at naupo na din ito.
"As long as masarap ang mga niluto mo!" pagbibiro ni Logan.
"Ay, masarap iyan! Hindi ba, Bambi?" baling naman ni Aqua sa dalaga.
"Ay, oo mga Senyorito! Ako po ang hurado sa mga niluto ni Senyorita!" masigla namang sagot ni Bambi.
"See? Kaya hindi ako mapapahiya sa inyo," pagmamayabang naman ni Aqua.
"Ganoon? Okay, let's try!" magkasabay namang turan nina Logan at Adrian at kumuha na ang mga ito ng kanilang pagkain.
"Wala ka bang nilagay like pampaaamo?" mula kung saan ay sumulpot si Hiro.
Freeze silang lahat, biglang tahimik at mga mata lang nila ang kumikilos.
"Ah.. good morning Senyorito!" Si Bambi ang bumasag sa saglit na katahimikan.
Tumango lang si Hiro sabay upo sa hapag-kainan. Nagkatinginan naman sina Adrian at Logan habang si Aqua ay mangani- ngani namang sumabog. Kay aga- aga ay mukhang sisirain na naman ni Hiro ang kanyang good vibes, at good energy.
"May lakad ka bro? Maaga kang nagising ah," tanong naman ni Logan kapagkuwan.
"Yup." Tipid ang sagot ni Hiro sabay kuha ng kanin at pritong karne ng baboy.
Napatikhim naman si Aqua at nagmarka sa kanyang utak ang sinabi kanina ni Hiro.
"Yes?" tanong ni Hiro kay Aqua nang tumingin siya dito.
"Wala akong nilagay na pampaamo diyan sa mga niluto ko. Bakit naman ako maglalagay? Ayoko ngang umamo kayo sa akin eh!" wika ng dalaga.
Agad na ikinubli nina Logan at Adrian ang tawa sana nilang dalawa.
"Naniniguro lang ako," patay malisyang tugon ni Hiro.
"Peace offering ko nga ito sa inyong tatlo eh! Pambawi ko sa ginawa niyo kagabi na sorpresa sana sa akin. Kaya sana, magustuhan niyo!" Saad ni Aqua kahit na naiinis na siya kay Hiro.
May respeto pa naman siya sa harap ng hapag-kainan. Huwag lang sana siyang sasagarin ni Hiro, dahil maikli lamang ang kanyang pagtitimpi.
"Ang sarap nga! Pasado sa akin," bulalas naman ni Adrian nang matikman nito ang tahong at sugpo. May pakindat- kindat pang nalalaman ang binata sabay thumbs up.
"Sarap naman nito!" sabi naman ni Logan sa nilalantakan nitong pritong isda na sinawsaw sa ginawa ni Aqua na pinakurat.
"Thank you mga Kuys!" Nakangiting sagot ni Aqua iniwasan niyang tumingin kay Hiro at baka madismaya pa siya.
"Masarap dahil mga paborito niyo mga 'yan," komento naman kinalaunan ni Hiro sa dalawa.
"Bakit, hindi mo ba paborito iyang pritong karne Kuya?" tanong naman ni Aqua kay Hiro at diniinan pa nito ang salitang Kuya sa dulo.
Ngumisi naman si Hiro at tinitigan nito si Aqua.
"Salamat sa pritong karne, bunso!" Madiin ding sagot ng binata.
Ngiting aso naman ang siyang isinukli ni Aqua sa pang- iinis ni Hiro sa kanya.
"Hi, boys!" Mula sa bungad ay may babaeng pumasok at tuloy-tuloy itong lumapit sa kanila.
Una nitong nilapitan si Hiro na natigilan saglit sabay beso sa pisngi ng binata.
"Akala ko hindi kita maaabutan dito, sweetheart good morning!" Magiliw na sabi ng babae.
Napakunot- noo naman si Aqua dahil pamilyar sa kanya ang babae at naalibadbaran siya sa presensiya nito. Parang walang kahihiyan sa mga taong nakapaligid sa kanila ni Hiro sige sa lampungan.
"Hi, Tamara!" Magkasabay namang bati nina Adrian at Logan nang tumingin ang babae sa dalawa.
"Good morning boys, puwede maki- kain?" nakangiting sagot ni Tamara.
Tumikhim naman si Aqua. Hindi naman nagtagal at napansin siya ni Tamara.
"Oh... you're steo- sister is here too! Hello, Aqua!" masiglang turan ng babae.
Pilit na ngumiti si Aqua. "Hi!" aniya.
"You seem not okay, are you sick?" tanong pa ni Tamara dahil sa pagka- tamlay ni Aqua.
"Oo pero kanina okay naman ako," prangkanh sagot ni Aqua.
"But why?" pangungulit ni Tamara.
"Ewan ko siguro dahil may dumating na masamang hangin." Sagot pa ni Aqua.
"What?!" Bulalas ni Tamara.
Lihim namang napahagikhik sina Adrian at Logan na agad namang pinandilatan ni Hiro ang mga kapatid nito. Kaya agad na nagseryoso ang dalawa na parang walang nangyari.
"You want to eat? Sit down," singit naman ni Hiro sabay tingin kay Aqua.
Kaya tumigil si Aqua at baka pagsimulan na naman ng bangayan ang kanyang nasabi. Agad na ngumiti si Tamara nang matamis pagka- baling kay Hiro. Mabilis na umupo ang dalaga at tuwang- tuwa itong pinagmamasdan na pinaghain ito ni Hiro para kumain. Lihim namang napaismid si Aqua dahil sa kaartehan ni Tamara at ka- plastikan nito. Hindi tuloy nasasarapan si Aqua sa niluto niya dahil sa inis kina Hiro at Tamara.
"Wow, ang sarap ng mga ito ah! Talagang masarap magluto si Aling Binang, I really like it!" Maarteng komento ni Tamara na may papikit- pikit pa.
Aqua rolled her eyes.
"Ako nagluto ng mga iyan," hindi napigilang sabihin.
Nahinto si Tamara sa gana nitong pagkain at tumingin kay Aqua.
"Oh.. marunong ka pa lang magluto! No wonder, iba talaga kapag galing ka sa simple family." Wika nito.
"Oo naman, hindi kami palaasa sa iba." Matapang na turan ni Aqua.
Ngumiti naman si Tamara.
"Suwerte ang mapapangasawa mo in the future!" Aniya.
"Siyempre, bubusugin ko siya hindi lang ang aking pagmamahal. A way to a man's heart is through his stomach wika nga nila." Diretsang sabi ni Aqua.
"I know! Kaya nga nag- aaral na din ako ng culinary arts para kay Hiro,"
Napatikhim naman si Hiro habang nakangisi naman sina Logan at Adrian.
"Let's eat...in peace!" Sabi na lamang ni Hiro para siguro matigil na ang tsikahan between Tamara at Aqua.
"Thanks sweetie!" Sagot naman ni Tamara sabay kapit sa bisig ni Hiro.
Mas lalong naalibadbaran si Aqua at binilisan nitong ubusin ang kanyang pagkain. Pagkatapos ay kibit balikat itong nagpaalam at nagtungo na sa sariling kwarto. Baka kasi may masabi na naman ang kanyang matalim na dila at magkakasagutan pa sila ni Hiro. Hindi lang siguro siya sanay sa mga eksenang nakita niya harap ng hapag-kainan. Nahihirapan talaga siyang i- adopt ang buhay at lifestyle ng isang nasa alta sociedad.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.