BUMABA KAMI NANG marating na namin ang kagubatan sa bayan ng Barhass, dito kami magsisimulang maglakad patungo sa isla ng Esedes, na sabi ni Pinunong Kahab ay maaaring abutin ng sampung araw na paglalakbay.
“Magpahinga muna tayo at maghanap ng makakain,” suggest ni Pinunong Kahab. “May naririnig akong agos ng tubig, maaring may ilog sa malapit, doon tayo.”
Tinungo namin ang ilog. Sobrang ganda ng tanawin, mala-mossy forest ang paligid na balot ng mga lumot ang mga puno’t kabatuhan kaya halos berde ang buong lugar. Pagkarating pa lang namin, agad tumira ng pana si Mapo Nhamo, nakahuli siya ng nasa sampung isda.
“Mukha silang masarap,” sambit niya at agad kinuha ang mga napatay niyang kaawa-awang isda.
“Maghahanap ako ng makakaing mga prutas,” sabi ni Claryvel.
SUNDAN MO SIYA.
Narinig kong ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.