~SA PAANAN NG BARYO NG KALAG~
PAGKAGISING NAMIN, MABILISAN kaming kumilos upang maghanda sa pag-akyat patungo sa baryo ng kalag. Habang nakatingala ako sa mataas na bangin, nakikita ko nang ito na ang magiging pinakamahabang oras ng buhay ko. Makakaya kaya namin? Hindi. Kaya ko kaya? Makakaya ko bang umakyat sa napakataas na bangin?
Umakbay sa 'kin si Pinunong Kahab, napansin niya ata ang pag-aalala ko. "Panoorin mo ang gagawin ko," sambit niya na parang nagyayabang. "Hindi mo nga pala napagdaanan sa pagsasanay ang umakyat ng bangin. Bilang sundalo, hindi kami lagi dapat umaasa sa aming mga pakpak dahil maari itong mapinsala sa laban. Kaya dapat lang malakas ang aming katawan."
Tiningnan ko ang mga kasama ko, parang hindi nila inaalala ang pag-akyat. Mahulog man sila, may mga pakpak naman sil……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.