WARNING: SUPER SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. Dala ng kabataan at sulsol ng mga kaibigan ay pumayag ang bente kuwatro anyos at sikat na artista na si Grey Ilustre sa isang dare. Ang hamon ay kailangan niyang makipag make out sa unang babaeng masisilayan ng kaniyang mga mata. Isang kasunduan na naganap sa isang malayong probinsiya noong sila ay mag-adventure trip. Habang naglalakad ay walang kamalay-malay ang tatlumpu't limang taong gulang na mananahing si Zaida Flores sa magaganap na pagbabago sa kaniyang buhay. Nang dumating na ang oras para tanggalin ang piring ni Grey ay nagkataong napadaan siya sa harapan ng binata at siya ang unang nasilayan ng mga mata nito. Noong una ay nag alinlangan si Grey at naisip na huwag na lang gawin ang hamon dahil masyadong matanda ang tingin niya kay Zaida. Ngunit, sa kapipilit ng mga kaibigan nagawa niyang ipinagpatuloy ang dare. Napagtanto niya na ang babae sa likod ng manang na itsura at pananamit ay isa palang napaka-sexy na dalaga. Si Zaida na lumagpas na ang edad sa kalendaryo at hindi na umaasa na may darating pang lalake sa kaniyang buhay. Ngunit, isang gabi ay bigla na lang sumulpot sa kaniyang patahian ang gwapong si Grey. Nagawa siyang akitin ng binata at halos maibigay niya ang sarili rito gayong hindi naman niya ito kilala. Ang nangyaring iyon sa kanilang dalawa ay isang karanasan na hindi niya malimut-limutan. Bumalik na sa Maynila ang grupo ni Grey at wala silang napag usapan ng binata tungkol sa nangyari, para lang itong isang magnanakaw na kinuha ang kaniyang kainosentehan. Pareho nilang hindi inakala na masusundan pa palang muli ang pagtatagpong iyon. Nang inalok si Zaida ng kaniyang pinsan ng isang trabaho sa Maynila ay lumuwas siya ng siyudad para maging assistant ng isang sikat na fashion designer na si Miss Florie. Ginawa siya nitong stylist ni Grey Ilustre. Nagulat siya ng malaman na ang lalaki pala na nakaniig niya ng gabing iyon ay isang sikat na artista. Hindi niya alam kung dahil lang ba sa kabataan kaya naging mapusok ang binata. Sa tuwing humihiling ito ay hindi niya matanggihan. Hindi siya umasa na magugustuhan siya nito dahil sa laki ng agwat ng edad nila at estado sa buhay. Nabuntis siya ni Grey ng hindi nito nalalaman. Nagpakalayo-layo siya at itinago ang kaniyang pagbubuntis dahil alam niyang hindi naman aakuin ng binata ang anak nito at lalong hindi magugustuhan ng mga fans nito kung malalaman na nagkaroon ng affair si Grey sa babaeng higit na mas matanda sa kaniya. Makalipas ang apat na taon sa kaniyang pagbabalik kasama ang kanilang anak. Nag-mature na si Grey, nag-mature na rin kaya ang pananaw nito sa buhay?
"You're just my clone! Everything you have right now are all mine, my money, my son and most especially my husband.You can never be me and you will never be me!" Isang aksidente ang nagpabago sa buhay ni Celestina. Aksidenteng naging dahilan kung bakit kinailangan niyang magpalit ng katauhan. Nang mapagkamalang siya ang nawawalang asawa ng bilyonaryong negosyante na si Migs Solano niyakap niya ang katauhan ni Georgina Monteclaro Solano. Tama nga ba ang ginawa niya na magpanggap na asawa nito? Ngunit, paano kung bumalik na ang totoong Georgina ngayong nagugustuhan na niya ang kanyang bagong buhay sa katauhan nito? Magagawa ba niyang isuko si Migs at ang anak nitong si Kyle kung alam naman niyang magdurusa lang ang mga ito sa poder ng walang pusong si Georgina? Paano siya lalaban kung higit itong may karapatan kaysa sa kanya lalo pa at nagsusumigaw ang katotohanan na siya ay isang pekeng asawa lamang?
THIS IS A ROMANTIC COMEDY NOVEL Ang lalaking mahilig sa magagandang babae ay posible nga bang umibig sa isang pangit na babae? Hindi inakala ni Andrea Montecillo na ang pagtakas niya sa sana'y kasal niya sa kaniyang nobyo na si Dylan Monteclaro ang magiging daan upang makilala niya ang International Playboy na si Ferdz Lemsworth. Nang dahil sa nahulas na make up ay napagkamalan siyang pangit ng hambog na piloto. Dahil sa walang matutuluyan ay napilitan siyang pumayag sa isang kasunduan na magpanggap na girlfriend nito at doon magsisimulang gumulo ang dati na niyang magulong buhay. Si Andrea na nga ba ang karma ni Ferdz? Magbago kaya ang pamantayan niya pagdating sa pag ibig ng dahil kay Andrea? Subaybayan po natin ang makulit, masaya, nakakakilig at minsan ay nakakaiyak ding buhay pag ibig nina Andrea at Ferdz.
Hindi inakala ni Dani na mapapasok siya sa isang sitwasyon na mahirap takasan. Ang akala niyang magandang buhay na naghihintay sa kaniya sa Prague ay isa palang bangungot nang maloko siya ng kaniyang recruiter at tangayin lahat ng kaniyang pera . Para maka survive ay tinggap niya ang alok ng bilyonaryong si Lucas Lagdameo na tutulungan siyang makabalik ng bansa sa kondisyong magiging tagapag alaga siya ng anak nito. Alok na napakahirap tanggihan dahil ang katumbas nito ay malaking halaga ng salapi. Kayanin kaya niyang tumayong ina-inahan sa isang kapapanganak pa lamang na sanggol sa kabila ng katotohanan na sa edad niyang bente singko ay ni hindi pa niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend dahil siya ay isang certified NBSB (No Boyfriend Since Birth). Hanggang saan siya dadalhin ng kasunduang ito? Pera nga lang ba ang dahilan kung bakit siya nagtatagal sa buhay ng mag ama o dahil ba nagsusumigaw ang katotohanang mahal na niya ang mga ito at pinapangarap niya na sana ay maging tunay na lang silang pamilya?
Nang makipag-date si Mandy sa school mate niyang si Harry hindi niya alam na pinagpupustahan lang pala siya nito at ng mga kaibigan nito. Nagkataon naroon si Dylan sa restaurant na pag aari nila kung saan nagde-date ang dalawa. Narinig niya kung paano maliitin ng binata ang dalaga kaya naman kahit hindi niya gawain ang makisali sa problema ng iba ay tinulungan niya ang dalaga upang hindi ito tuluyang mapahiya sa mga taong naroroon. Simula ng insidenteng iyon, sa tuwing napupunta si Mandy sa alanganing sitwasyon ay laging dumarating si Dylan para iligtas siya. Dumating ang isang matinding pagsubok sa buhay ni Mandy nang aksidenteng mahulog ang kanyang ina sa hagdan at kailanganin niya ng malaking pera para sa operasyon nito.Pikit mata siyang sumali sa isang auction. Ito lang ang tanging paraan para makakuha siya ng malaking salapi ng mabilisan. Itinago niya ang sarili sa isang maskara, hindi niya akalain na darating si Dylan sa lugar na iyon at sa muling pagkakataon ay iligtas na naman siya. Ibinigay niya ang sarili sa binata hindi dahil sa malaking halaga na ibinayad nito sa kanya kung hindi dahil sa pag ibig na nadarama niya para rito. Ang isang gabing iyon ay nagbunga, itinago niya ang pagbubuntis dahil ang binata ay nakatakda ng ikasal sa kaniyang long time girlfriend. Nagpakalayo-layo siya at hindi na nagpakita rito ngunit ng bumalik siya ng Pilipinas hindi niya inaasahan na pagtatagpuin ng tadhana ang anak niya at si Dylan. Maitatago pa kaya niya rito ang tunay na pagkatao ng anak nila gayung walang kaalam-alam ang binata na may nangyari sa kanila at nabuntis siya nito?
WARNING: SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. There is a man named Draco who is feared by all the people who live on the island of San Vicencio. For more than four years, he has lived alone in a palace-like house situated near the sea. One night in an unexpected turn of events, a beautiful young woman drifted in front of his house, wounded and unconscious. He helps her without hesitation. The girl was a twenty-one-year-old Lara Salvacion, who came from a nearby island and escaped their home when her mother\'s new lover tried to molest her. Fearing that his stepfather might find her again, she moved away and found herself in Draco\'s creepy house. The man is untouchable, he does not smile and rarely speaks. He is often angry and hot-headed. Lara doesn\'t know why he behaves like that as if he is angry with the world but she wonders despite his bad behavior why she still remains in his house? She wants to know who Draco is and what is his true identity? While searching for the answer to her question, she discovered something to herself that it\'s not just curiosity why she want to know more about Draco. The truth of the matter is, she\'s starting to fallen in love with that man deeply but Draco is not yet over with his past. He refused the love that Lara offers. Lara left Draco and started to live her life without him. Unexpected things happened and their path will meet again. Will love prevail this time?
Si Stacey Anne Del Castillo ay lumaki sa karangyaan, lahat ng luho at gusto ay kaniyang nakukuha, lumaking spoiled at maldita, wala siyang pakialam sa damdamin ng ibang tao. Ngunit, dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari. Nang siya ay maglayas ay napadpad siya sa mansion ng mga Saavedra at doon ay napagkamalan siyang si Ana Marasigan, ang bagong kasambahay na hinihintay ng mga ito na galing sa ibang probinsiya, na nagkataon naman na hindi dumating dahil ito ay nakipagtanan sa kaniyang nobyo. Dahil walang matitirahan niyakap ni Stacey ang katauhan ni Ana at nagpanggap na kasambahay. Dito ay makikilala niya ang iba pang kwela at makukulit na kasambahay, lalo't higit ay makikilala niya ang taong magpapatibok ng kaniyang puso, ang anak ng kaniyang amo na si Fritz Saavedra. Sa unang pagkikita palang ay may kakaibang espesyal at hindi maipaliwanag na pakiramdam na ang nabuo sa kanilang dalawa. Mapagbabago nga kaya ang isang self centered brat ng dahil sa pag-ibig?
Na-bankrupt ang negosyo ng pamilya ni Stacey. Nahahati ang puso niya sa kung sino ang kanyang pipiliin. Ang mga magulang ba o ang lalaking labis na nagmamahal sa kanya? Sa huli ay nanaig sa dalaga ang kagustuhan na maisalba ang kanyang mga magulang sa kahirapan. Pikit mata siyang nagpakasal sa bilyonaryong negosyante na si Calvin Adecer upang maibalik sa kanila ang lahat ng nawala nilang yaman. Kahit masakit sa kanyang kalooban ay iniwan niya ang kasintahang si Fritz. Si Calvin Adecer ay may itinatagong lihim at ang tanging solusyon upang manatiling lihim ito ay ang pagkakaroon niya ng asawa. Asawa na magsisilbing kanyang tropeo. Pumayag siyang maikasal sa babaeng hindi naman niya lubusang kilala upang mapagtakpan ang kaniyang sekreto. Si Calvin at Stacey ay pinagtagpo sa maling pagkakataon. Mapapangatawanan ba nila ang pagiging mag-asawa kung sila ay kapwa may iniibig na iba?
Lumaki sa bundok ang dalagang si Maria sa pangangalaga ng kaniyang Apo Ibyang. Hindi na niya nakagisnan ang kanyang ama, ang kanyang ina naman ay namatay sa sakit noong siya ay bata pa. Payak man ang kanilang pamumuhay ay kuntento na siya. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang Apo Ibyang. Bago ito mamatay ay may ibinilin ito sa kaniya, na lumuwas siya ng Maynila at hanapin ang tunay niyang mga magulang. Sa pamamagitan ng isang gintong kwintas na iniwan nito sa kanya bago ito pumanaw, lumuwas ng siyudad ang inosenteng dalaga upang tuparin ang huling habilin ng kaniyang lola. Doon ay makikilala niya ang lalaking hindi niya alam ay nabighani na sa kanya sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang mayamang abogado, modelo at hotelier na si Brix Vander. Ang kanyang inosenteng damdamin ay bigla nalang naguluhan ng dahil sa lalaking ito na kumupkop at nagpaaral sa kanya. Ang simpleng paghanga niya rito ay lumalim hanggang sa nauwi sa pag ibig. Umiibig na siya sa binata ngunit alam naman niyang imposibleng ibigin din siya nito dahil sa magkaibang estado nila sa buhay at higit sa lahat ay may nobya na si Brix, buntis ito at malapit na silang ikasal. Hanggang kailan niya itatago ang damdamin para sa binata? Tama bang pumayag siya na itago na lamang siya nito? Kailan ba nagiging tama ang mali? Makikita pa kaya niya ang hinahanap na mga magulang?
A seventeen-year-old Ponyang grew up in hardship. Since their father left them, she has been her mother\\\'s helper, she works hard for her family. It\\\'s always been a dream for her to go to college but due to lack of money, her mother could not afford to support her studies. One day, an unexpected accident happened to Ponyang, the bike she was riding collided with a garbage truck. She fell inside the truck and there she find a glowing shiny necklace from the piles of garbage. Little did she know, that necklace would change her life completely. Because of that necklace, she was married to Clark Vander, the handsome heir coming from a prestigious family. Knowing that her marriage to Clark is just a contract and arranged marriage, she still accepts it to save her family from difficulty. She already prepared herself for the fact that after two years of being married, she and Clark will be separated. But, she did not expect that the admiration she felt for her husband would turn into deep love. Before they parted she gave herself up on him and she didn’t foresee that from that one-night stand she will be pregnant. She left without Clark knowing that she was carrying his child. She raised her son without the help of his father. She thought they would never need Clark in their lives but destiny tested her. Her son became seriously ill and the only one who could save him was his father. Without assurance, she returned to the country to ask for help from the man she thought she would no longer need.
(Under Major Editing) NAGMAHAL, NASAKATAN, NAGPAKAPANGIT. Iyan ang nangyari sa Diyosa at pamantayan ng kagandahan ng Furukawa University na si Maxine Lee, matapos mag mahal, masaktan at paasahin ng apat na Campus Personalities na kaniyang naging boyfriend. Simula ng mabigo sa pag ibig sa ikaapat na pagkakataon sa kaniyang Teenage Superstar na boyfriend na si Jeff Escarlon ay nag simula na siyang maging Man Hater at nagtago sa katauhan ng isang Geek Student at nangakong hindi na iibig pang muli. Ngunit paano kung makilala niya ang makulit at playboy na step brother na si Lucas Lagdameo muli niya bang bubuksan ang kaniyang puso para dito? At sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli siyang susuyuin ng artistang si Jeff Escarlon at ang tatlo pang Campus Personalities ay sabay-sabay na magsisipagbalik para makuhang muli ang kaniyang puso. Sino nga ba ang pipiliin ni Maxine?
"HINDI KO KAGUSTUHAN ANG MAIKASAL SA LALAKING TATLUMPU'T LIMANG TAON ANG TANDA SA AKIN, PERO PAANO KO NGA BA MAPIPIGILAN ANG SARILI KONG KASAL?" Si Cassandra Marie Montero o Cassie sa malalapit niyang kaibigan ay isang anak mayaman, tinitingala ang kanilang pamilya sa bayan ng San Manuel. Ang kaniyang ama ay ang Gobernador ng kanilang lalawigan. Isa siyang mapagmahal at masunuring anak. Ngunit, nagbago ang lahat nang iyon ng pilit siyang ipinakakasal ng kaniyang ama sa mayamang negosyante nitong kaibigan na tatlumpu\'t limang taon ang tanda sa kaniya. Bukod sa malaki ang agwat ng edad nila ng lalaking kaniyang mapapangasawa ay wala siyang pagtingin dito. Hindi niya maatim na makasal sa taong wala siyang pagmamahal kaya naman ng gabi bago ang kaniyang kasal ay tumakas siya sa kanila at tumulak patungong California at nakitira sa isang kaibigan. Binago niya ang kaniyang katauhan para hindi siya makilala at mahanap ng kaniyang mga magulang. Sa lugar ding iyon ay pagtatagpuin sila ng isang mayamang arkitekto na nagngangalang Luther Dillon Frio. Hindi man sang-ayon ang kaibigan ni Cassie na si Lily sa desisyon nito ay napilitan siyang pagbigyan ang kahilingan ni Cassie na hanapan siya nito ng lalake na papayag na kaniyang maging baby maker. Ang planong magpabuntis sa ibang lalake ang tanging naisip na paraan ni Cassie para hindi na siya pilitin ng kaniyang ama na ipakasal sa kaibigan nito. Sa hotel kung saan naka-check in ang binayarang lalake ni Lily ay nagkataong doon din naka-check in ang arkitekto na si Luther Frio. Walang kaalam-alam si Cassie na namali pala siya ng kuwarto na pinasukan. Huli na ng mapagtanto niya na ang lalaking nakaniig niya ng buong magdamag ay hindi pala ang binayaran ng kaniyang kaibigan kung hindi ang mayamang arkitekto at natupad ang kaniyang inaasahan. Nagbunga ang pakikipagniig niya rito. Hindi mapakali si Luther dahil sa matinding kalasingan ang akala niyang panaginip lamang ay totoo palang nangyari na mayroon siyang nakasamang babae sa buong magdamag. Ang ikinabahala pa niya ay ng may makita siyang mantsa ng dugo sa sapin ng kaniyang higaan. Simula noon ay binagabag na ng husto ng estrangherong babaeng iyon ang kaniyang isipan. Gusto niyang hanapin ito ngunit ni hindi niya maalala ang mukha ng babae ang tanging naaalala lamang niya ay ang tatoo nitong pinagsamang hugis puso at infinty sign sa batok. Makita nga kaya niya ang babaeng hinahanap dahil sa tatoo nito?
Warning: SPG, 18+, MATURE CONTENT, NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS Dahil sa matinding trauma at mga masamang pinagdaanan ay nangarap si Athena ng isang perpektong buhay. Hindi niya akalain na sa kagustuhan niyang matakasan ang kaniyang nakaraan ay nakalikha siya ng isa pang siya sa katauhan ni Katsumi. Panandaliang nawala si Athena at namuhay ng marangya at masaya si Katsumi sa piling ng mabait na mag asawang kumupkop sa kaniya. Nang bumalik si Athena ay wala siyang kaalam-alam na may dalawa pala siyang personalidad. Sa lahat ng nangyayari sa kaniya na pagpapalit ng katauhan ay may isang lalake ang lihim na nakakasaksi nito. Isang lalake ang nakakaalam ng kaniyang sekreto. Siya si Rafa Ilustre na sa una palang nilang pagkikita ni Katsumi ay nabighani na agad sa ganda ng dalaga. Nang makuha niya ang pagkab*bae nito ay nagising ang s*xual desire ni Katsumi dahilan para maging agresibo ito at maghangad ng higit pa. Handang magpaalipin sa kaniya sa kama si Rafa kay huwag lang itong sum*ping sa iba. Ginagawa niya iyon upang iligtas si Athena at huwag masira ang buhay nito. Mas inibig niya si Athena kaysa kay Katsumi dahil sa magaganda nitong katangian at busilak na puso. Kinamumuhian ni Katsumi si Athena dahil inagaw nito ang lahat nang para sa kaniya. Gagawin niya ang lahat para sirain ito at maging miserable ang buhay nito. Pilit kinumbinsi ni Rafa na magpagamot si Athena sa isang psychiatrist, iyon lang ang tanging paraan para mawala si Katsumi sa katawan niya. Magtagumpay kaya si Athena? Manaig kaya ang pagmamahalan nila ni Rafa kahit marami ang humahadlang sa kanila?
Alekzander High (Vander Series) Iñigo Vander (Under Major Editing) The story happens at Alekzander High in were a transfer student Jilliane Rose Sandiego met the most popular students in school, the triplets named Iñigo, Clark and Brix Vander also known as the T-Dragons. She became an apple of the eye of these three handsome guys. At first, she's an anti-T-Dragons but after meeting Clark Vander at her young age, she fell in love in him. Then there is Brix Vander the cutie one who always give positive energy to Jilliane, they became good friends opposite with Iñigo Vander the big bully and his goal in life is to annoy her but things unexpectedly happened with these two innocent people teasing, quarrelling like cats and dogs but fell in love with each other at the end. They thought happiness is forever until one-day Jilliane's father got sick and needed to be treated and there's an offer coming from Sebastian Vander the father of T-Dragons, an offer that Jilliane cannot refuse. It's a matter of life and death, she has to save her father so she accepted a tempting offer to live a luxury life in America, her father's medication to the best doctors in town, a shelter to live, her brother and sister's schooling and a business to start with, all-expense paid, but in one condition- Jilliane have to leave Iñigo for life. The day Jilliane left, Iñigo started to change and after searching for her for so many years, he surrenders in defeat. He hates her so much for living him that he wants revenge. Sweet revenge that Jilliane cannot endure.
(English Fantasy Novel) What would you do if one day your parents told you that you're a half-human and a half-witch and you have this so-called "White Magic" Would you freak out? A story of Yuri and her twin sister Suri together with the rest of the white witches that you will surely love... Let us follow their journey as they discover the world of magic. Family, love, friendship, and magic all rolled into one.
Lumaking ulila si Martina Castro, noon pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng isang malaki at masayang pamilya. Ang pangarap niya ay unti-unti nang matutupad ng maikasal siya sa batang congressman na galing sa angkan ng mga politiko na si Blaine Montreal. Si Blaine ang kaniyang first boyfriend ang kaniyang una sa lahat. Mahal na mahal niya ito at mataas ang respeto niya rito. Mahal na mahal din siya ni Blaine at gagawin nito ang lahat para maibigay lamang ang makapagpapaligaya sa kaniya. Ngunit, hindi niya inaasahan na ang labis na pagmamahal pala nito sa kaniya ay magdudulot ng isang malaking kasinungalingan. Lingid kay Martina si Blaine ay walang kakayahang magka-anak. Ngunit, paanong nabuntis siya ng kaniyang asawa kung isa pala itong baog?
"Sana kung magkikita tayong muli ay pareho pa tayong malaya." Iyon ang katagang binitiwan ni Hannah bago siya magpaalam sa kaibigang si Cayden. Nang maghiwalay ng landas ang dalawa na noon ay kapwa disisais anyos pa lamang ay umibig na ang mga ito sa isa't-isa ngunit pinaghiwalay naman sila ng tadhana. Nag aral si Cayden sa Espanya at doon ay kinilala bilang isang sikat na professional soccer player. Kahit marami nang naging kasintahan ay hindi pa rin nawawala sa isipan ni Cayden ang kaniyang first love na si Hannah. Makalipas ang siyam na taong paghihiwalay ay pagtatagpuing muli ng tadhana ang dalawa sa pagkakataong pareho nilang hindi inaasahan. Isang mainit na gabi na magbubuklod sa kanila upang magkas*la. Ang pinakamamahal ni Cayden na si Hannah ay hindi na malaya. Magtagumpay kaya ang kanilang pagmamahalan kung may malaking hadlang? Makakalaya pa kaya si Hannah sa tanikalang kasal?
Si Tiffany "Tiffa" Valencia, ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig.Happy go lucky, lumaking nasusunod ang lahat ng gusto at luho. Ang nag iisang tagapagmana ng Valencia Corporation. Si Archer Lorenzo, bata pa lang ay sanay na sa hirap. Lahat nang trabaho ay kaya niyang pasukin. Nagsusumikap para sa kabutihan ng kanyang pamilya. Dahil sa isang aksidente ay napilitan si Archer na magtrabaho sa pamilya Valencia upang maging bodyguard/driver ni Tiffa. Sa unang pagkikita pa lang ay hindi na magkasundo ang dalawa dahil sa magkaiba nilang prinsipyo at pananaw sa buhay. Dalawang magkaibang tao na magkaiba ang mundong ginagalawan ay pagtatagpuin ng tadhana upang maintindihan ng bawat isa kung ano nga ba talaga ang tunay na kahalagahan ng buhay at pag ibig.
Nam*tay sa panganganak ang kapatid ni Selena. Ngunit, bago mam*tay ang kaniyang Ate Kristina ay inihabilin nito sa kaniya ang anak nito. Pinalaki niya, minahal at itinuring na tunay na anak si Justin. Hindi niya matanggap ang mapait na sinapit ng kaniyang pinakamamahal na kapatid matapos b*ntisin at hindi panagutan ng lalaking nakab*ntis dito. Kaya nag imbestiga siya at inalam kung sino ba talaga ang lalaking naka-relasyon ng kaniyang Ate Kristina? Sa kaniyang pag iimbestiga ay nalaman niyang Cloud Frio ang pangalan ng lalaking nakab*ntis dito. Lumuwas siya ng Maynila kasama si Justin para hanapin ito. Ang layunin niya ay paghigantihan ang lalaki. Magtagumpay kaya siya sa kaniyang hangarin kung sa unang kita palang ay nakaramdam na siya ng matinding paghanga sa binata?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.