Luther Frio: I Slept with A Stranger
Share:

Luther Frio: I Slept with A Stranger

READING AGE 18+

Rainisms Romance

0 read

"HINDI KO KAGUSTUHAN ANG MAIKASAL SA LALAKING TATLUMPU'T LIMANG TAON ANG TANDA SA AKIN, PERO PAANO KO NGA BA MAPIPIGILAN ANG SARILI KONG KASAL?"

Si Cassandra Marie Montero o Cassie sa malalapit niyang kaibigan ay isang anak mayaman, tinitingala ang kanilang pamilya sa bayan ng San Manuel. Ang kaniyang ama ay ang Gobernador ng kanilang lalawigan. Isa siyang mapagmahal at masunuring anak. Ngunit, nagbago ang lahat nang iyon ng pilit siyang ipinakakasal ng kaniyang ama sa mayamang negosyante nitong kaibigan na tatlumpu\'t limang taon ang tanda sa kaniya. Bukod sa malaki ang agwat ng edad nila ng lalaking kaniyang mapapangasawa ay wala siyang pagtingin dito. Hindi niya maatim na makasal sa taong wala siyang pagmamahal kaya naman ng gabi bago ang kaniyang kasal ay tumakas siya sa kanila at tumulak patungong California at nakitira sa isang kaibigan.
Binago niya ang kaniyang katauhan para hindi siya makilala at mahanap ng kaniyang mga magulang.

Sa lugar ding iyon ay pagtatagpuin sila ng isang mayamang arkitekto na nagngangalang Luther Dillon Frio.

Hindi man sang-ayon ang kaibigan ni Cassie na si Lily sa desisyon nito ay napilitan siyang pagbigyan ang kahilingan ni Cassie na hanapan siya nito ng lalake na papayag na kaniyang maging baby maker. Ang planong magpabuntis sa ibang lalake ang tanging naisip na paraan ni Cassie para hindi na siya pilitin ng kaniyang ama na ipakasal sa kaibigan nito.

Sa hotel kung saan naka-check in ang binayarang lalake ni Lily ay nagkataong doon din naka-check in ang arkitekto na si Luther Frio.

Walang kaalam-alam si Cassie na namali pala siya ng kuwarto na pinasukan. Huli na ng mapagtanto niya na ang lalaking nakaniig niya ng buong magdamag ay hindi pala ang binayaran ng kaniyang kaibigan kung hindi ang mayamang arkitekto at natupad ang kaniyang inaasahan. Nagbunga ang pakikipagniig niya rito.

Hindi mapakali si Luther dahil sa matinding kalasingan ang akala niyang panaginip lamang ay totoo palang nangyari na mayroon siyang nakasamang babae sa buong magdamag. Ang ikinabahala pa niya ay ng may makita siyang mantsa ng dugo sa sapin ng kaniyang higaan. Simula noon ay binagabag na ng husto ng estrangherong babaeng iyon ang kaniyang isipan. Gusto niyang hanapin ito ngunit ni hindi niya maalala ang mukha ng babae ang tanging naaalala lamang niya ay ang tatoo nitong pinagsamang hugis puso at infinty sign sa batok.

Makita nga kaya niya ang babaeng hinahanap dahil sa tatoo nito?

Unfold

Tags: billionairepossessiveone-night standgoodgirlsweetbxgoffice/work placesmall townseductivestubborn
Latest Updated
Chapter 73- Ang Hamon ng Buhay•

Anibersaryo ng kasal ng mag asawang Luther at Cassie. Ipinagdiwang nila ito kasama ang malalapit na mga kamag-anak at kaibigan. Hindi nakapunta sa kanilang selebrasyon ang kanilang mga anak na ngayon ay malalaki na at may kani-kaniya ng buhay. Si Mikaela ay nag aaral ng abogasya sa Europa. Ang kanilang panganay na anak naman na si Joaquin ay nas……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.