RAINISMS
Reads
Namulat si Hannah sa masaya at marangyang buhay. Bagamat sa murang edad ay naging ulila, ang kaniyang Lolo George na ang tumayong ama at ina niya. Lumaki siya na busog sa pagmamahal. Nang makilala niya ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya ay agad siyang umibig dito. Ang mayaman, matipuno at simpatikong negosyante na si Zandro Almonte. Abot hanggang langit ang kasiyahan na nadarama niya sa piling nito. Mabait ito, mapagmahal at maasikaso. Wala nang mahihiling pa si Hannah, dahil para sa kaniya ay siya na ang pinakaswerteng babae sa mundo, hinahangaan at kinaiinggitan siya ng lahat. Ngunit, napagtanto niyang hindi laging masaya ang buhay. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na darating sa kaniya ang isang matinding pagsubok. Ang kaniyang makulay na buhay ay bigla na lamang napalitan ng kadiliman. Nilinlang siya ng taong pinagkatiwalaan niya ng buong puso. Ang lahat ng ipinakita at ipinadama nito sa kaniya ay pawang kasinungalingan lamang. Niloko siya ng kaniyang asawa. Hindi pala siya ang mahal nito kung hindi ang kaniyang pera. Hahayaan na lang ba niyang malugmok ang sarili sa kalungkutan at lamunin ng takot? O, tatayo siya upang lumaban—para sa kaniyang Lolo George, para sa mukha niyang sinira ng kasakiman at para sa puso niyang dinurog ng kasinungalingan?
Updated at
Reads
Ang babaeng kilala ng bilang manhid at walang puso. Siya si Isolde Tatlong Hari, tahimik, seryoso, at walang pakialam sa mundo. May misyon siya na kailangang gawin, iyon ay ang patulin ang sungay ng tatlong pinaka-pasaway na tagapagmana ng mga Lorenzo, si Hunter na ubod ng yabang, si Pierce na laging galit sa mundo, at si Zander na akala mo siya lang ang tama. Pero paano kung sa halip na mabago niya ang mga ito ay sila pa ang makapagpabago sa kaniya? Mahuhulog ba siya sa patibong ng mga ito?
Updated at
Reads
Nang takasan ni Selena ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kaniya ay napadpad siya sa mansion ng masungit na biyudo na si Marcus McGregor. Sa kaniyang pagpapalit anyo ay napagkamalan siya na bagong yaya ng makulit at pilyo nitong anak na si Liam McGregor. Dahil walang ibang mapupuntahan ay pinangatawanan ni Selena na maging yaya ng anak ng bilyonaryong CEO. Wala siyang alam tungkol sa mga bata, at hindi niya gusto ang mga bata dahil naiirita siya sa kakulitan ng mga ito. Magawa ba niya ng maayos ang kaniyang trabaho bilang yaya? Makayanan ba niya ang kasungitan at kaarogantehan ng kaniyang biyudong amo? Matatakasan ba niya ng tuluyan ang nakatakda niyang kasal sa anak ng kaibigan ng kaniyang ama na si Hugo? Hanggang kailan kayang ipaglaban ni Selena ang kaniyang kalayaan na umibig at maikasal sa lalaking tunay niyang mahal? Magkakaroon na nga ba ng bagong ina si Liam?
Updated at
Reads
Lumaking ulila si Mikaela Castro, noon pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng isang malaki at masayang pamilya. Ang pangarap niya ay unti-unti nang natutupad ng maikasal siya sa batang congressman na galing sa angkan ng mga politiko na si Blaine Montreal. Si Blaine ang kaniyang first boyfriend ang kaniyang una sa lahat. Mahal na mahal niya ito at mataas ang respeto niya rito. Mahal na mahal din siya ni Blaine at gagawin nito ang lahat para maibigay lamang ang makapagpapaligaya sa kaniya. Ngunit, hindi niya inaasahan na ang labis na pagmamahal pala nito sa kaniya ay magdudulot ng isang malaking kasinungalingan. Lingid kay Mikaela si Blaine ay walang kakayahang magka-anak. Ngunit, paanong nabuntis siya ng kaniyang asawa kung isa pala itong baog?
Updated at
Reads
Inulan ng kamalasan si Mira, namatay sa car accident ang kaniyang mga magulang at iniwanan siya ng maraming utang. Isa pang dagdag sa kaniyang pasanin ay ang malaking peklat sa kaniyang mukha na natamo niya mula sa aksidente. Halos tumira siya sa lansangan at magpalaboy, walang gustong tumanggap at magtiwala sa kaniya dahil sa kaniyang itsura. Ngunit, dumating ang isang lalake, kinupkop siya at inaruga. Binago nito ang buhay at buong pagkatao niya, hanggang sa hindi na niya makilala ang kaniyang sarili. Si Dr.Damon Elizalde, ang kaniyang knight in shining armor. Totoo nga bang ito ang tagapagligtas niya o ang kaniyang matinding kalaban? Paano kung ang lalaking pinakamamahal ay may nagawa pala sa kaniyang malaking kasalanan? Ano ang mas mananaig kay Mira, ang pagmamahal ba o pagkamuhi?
Updated at
Reads
Ibinigay ni Jada ang buong buhay at pagmamahal niya sa asawang si Jacob, ngunit nagawa pa rin siya nitong lokohin ng paulit-ulit. Alang-alang sa kanilang anak ay pinagtiisan niya ang kalupitan nito, ngunit hanggang kailan ba siya magtitiis? Dapat pa nga ba siyang manatili sa piling ng kaniyang asawa kung mayroon namang binatang lalaki na handang mag-alay ng tapat na pag-ibig sa kaniya sa katauhan ni Caleb? Ano ang pipiliin ni Jada, ang pangarap na masaya at buong pamilya o ang lalaking ibibigay ang lahat ng makapagpapasaya sa kaniya?
Updated at
Reads
Nasisante sa trabaho at nakipag-break sa boyfriend dahil nahuli niya ito sa akto na gumagawa ng milagro kasama ang ibang babae. Nangyari ang lahat ng kamalasan na iyon sa buhay ng 32 years old na si Alexandra Clemente sa loob lamang ng isang araw. Dahil sa labis na frustration ay naghanap siya ng makakusap at mahihingahan ng sama ng loob, dinala siya ng kaniyang mga paa sa bahay ng kaniyang wirdong pinsan na si Stella. Sa pag aakalang tubig, aksidenteng nainom ni Alexa, ang kallos water na imbensiyon ng wirdong pinsan. Ang kaniyang buhay ay nagbago nang isang iglap. Nang dahil sa mahiwagang tubig na iyon ay bumalik siya sa pagiging teenager. Mula sa pagiging dalagang lumagpas na ang edad sa kalendaryo, si Alexandra ngayon ay isa nang disinuebe anyos, na namumukadkad pa lamang bilang isang ganap na dalaga. Noong una akala niya ay nagbibiro lang ang kaniyang pinsan ng sabihin nito na hindi totoong tubig ang nainom niya kung hindi isang kallos water. Ngunit, nagbago ang lahat pagmulat ng kaniyang mga mata. Sa kaniyang paggising ay bumata siya ng labing tatlong taon at sa kaniyang pagiging bata ay aksidenteng nanalo siya sa isang contest. Dahil sa contest na 'yon ay nakikilala niya ang bente uno anyos at sikat na movie star na si Keith Almonte. Sa unang kita pa lang niya sa binata ay nabighani na siya sa kagwapuhan nito, ngunit, hindi niya magawang ibigin ito dahil masyado itong bata para sa kaniya at isa pa ay hindi maganda ang ugali ng sikat na movie star, masyado itong arogante at mayabang. Kung kailan naman nagugustuhan na ni Alexa ang buhay teenager ay may malaking problema naman, dahil ang kallos water at ang pagiging bata niya ay may expiration. "Tandaan mo Alexa, 60 days lang ang bisa ng kallos water na nainom mo. Pagkatapos ng 60 days ay babalik na ang lahat sa dati." Iyon ang mahigpit na bilin ng kaniyang pinsan. Magagawa ba ni Alexa na mapanatiling bata ang kaniyang sarili at baguhin ang takbo ng kaniyang love life?
Updated at
Reads
Social climber, goldigger, malandi, mang-aagaw, home wrecker. Ilan lang 'yan sa mga salitang natatanggap ng isang kabit na kagaya ni Eunice, ngunit wala siyang pakialam, manhid na siya sa mga ganuong klaseng katawagan. It's true that she's only up for money, it's her way para matustusan ang mga luho niya. Ang pinakamadaling paraan na alam niya para magkaroon ng mga bagay na gusto niya ng walang kahirap-hirap ay ang makipagrelasyon sa matatandang mayaman. Wala sa kaniya kung may asawa man ito at maging kabit siya. Ang totoo ay mas gusto niyang nakikipagrelasyon sa mga lalaking mas malaki ang agwat ng edad sa kaniya at may asawa na, kaysa sa binata pa. Para sa kaniya ay mas challenging iyon at mas nakakapagpapataas ng kompiyansya niya sa kaniyang sarili.Ngunit tila ba dumating ang karma ni Eunice. Nang makarelasyon niya ang business tycoon na si Emmanuel Montoya, ang dating magulo niyang buhay ay mas lalo pang gumulo. Galit na galit sa kaniya ang asawa at anak ni Emmanuel, dahil sa pagwasak niya sa masayang pamilya nito. Si Joaquin ang nag-iisang anak ni Emmanuel, gagawin nito ang lahat para pasakitan si Eunice. Manaig pa kaya ang galit ni Joaquin kung unti-unti naman siyang nadadala sa mapang-akit na si Eunice? Magawa pa kaya niya ang maghiganti o kagaya ng kaniyang ama ay mahuhulog din siya sa karisma nito?
Updated at
Reads
Hindi inakala ni Dani na mapapasok siya sa isang sitwasyon na mahirap takasan. Ang akala niyang magandang buhay na naghihintay sa kaniya sa Prague ay isa palang bangungot. Niloko siya ng kaniyang recruiter at tinangay ang lahat ng kaniyang pera. Para maka survive ay tinggap niya ang alok ng bilyonaryong negosyante na si Lucas Lagdameo na tutulungan siya nitong makabalik ng bansa sa kondisyong magiging tagapag alaga siya ng anak nito. Alok na napakahirap tanggihan dahil ang katumbas nito ay malaking halaga ng salapi. Kayanin kaya ni Dani na tumayong ina-inahan sa isang kapapanganak pa lamang na sanggol, sa kabila ng katotohanan na sa edad niyang bente singko ay ni hindi pa nga niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend, dahil siya ay isang certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)? Hanggang saan siya dadalhin ng kasunduang ito? Pera nga lang ba ang dahilan kung bakit siya nagtatagal sa buhay ng mag ama o dahil ba nagsusumigaw ang katotohanang mahal na niya ang mga ito at pinapangarap niya na sana ay maging tunay na lang silang pamilya?
Updated at
Reads
Si Archer Lorenzo, bata pa lang ay sanay na sa hirap. Batak sa trabaho, lahat ng pwedeng pagkakitaan ay kaniyang pinapasok. Mabait at mapagmahal na anak at kapatid. Nagsusumikap para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang inang may sakit at mga nakakababatang kapatid. May prinsipyo at pagpapahalaga sa kapwa, lumalaban ng patas para mabuhay. Si Tiffany "Tiffa" Valencia, ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig. Ang nag iisang tagapagmana ng Valencia Corporation. Happy go lucky, maldita, gastadora at walang pakialam sa damdamin ng iba. Lumaking nasusunod ang lahat ng gusto at luho. Kung magpalit ng boyfriend ay para lang nagpapalit ng damit. Dahil sa isang aksidente ay napilitan si Archer na magtrabaho sa pamilya Valencia upang maging bodyguard/driver ni Tiffa. Sa unang pagkikita pa lang ay hindi na magkasundo ang dalawa dahil sa magkaiba nilang prinsipyo at pananaw sa buhay. Dahil inis si Tiffa sa atribido niyang driver/bodyguard na si Archer ay pumayag siya sa isang kasunduan sa pagitan niya at ng kaniyang mga kaibigan. Kasunduang paiibigin niya si Archer at kapag hulog na hulog na sa kaniya ang binata ay saka niya iiwan at ipagtatapat na hindi naman niya talaga ito minahal at ang sa kanila ay isang katuwaan lamang. Sanay si Tiffa sa laro ng pag-ibig, samantalang si Archer ay hindi pa naranasan na magkaroon ng nobya. Umibig siya ng husto kay Tiffa dahil akala niya ay totoo ito sa kaniya. Ngunit, ang pagmamahal na iyon ay napalitan ng pagkasuklam ng ipamukha nito sa kaniya ang kaniyang kahirapan at kung gaano kalayo ang agwat nila sa buhay. Umalis si Archer at nagpakalayo-layo ng dahil sa matinding pagkabigo sa una niyang pag-ibig. Simula noon ay wala ng naging balita si Tiffa rito. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Archer, ngunit ibang-iba na ito sa dating Archer na kilala ni Tiffa. Bumalik ang binata upang maghiganti at pasakitan ang babaeng kaniyang kinamumuhian.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.