Back To 19 Again
Share:

Back To 19 Again

READING AGE 18+

Rainisms Romance

0 read

Nasisante sa trabaho at nakipag-break sa boyfriend dahil nahuli niya ito sa akto na gumagawa ng milagro kasama ang ibang babae. Nangyari ang lahat ng kamalasan na iyon sa buhay ng 32 years old na si Alexandra Clemente sa loob lamang ng isang araw. Dahil sa labis na frustration ay naghanap siya ng makakusap at mahihingahan ng sama ng loob, dinala siya ng kaniyang mga paa sa bahay ng kaniyang wirdong pinsan na si Stella.
Sa pag aakalang tubig, aksidenteng nainom ni Alexa, ang kallos water na imbensiyon ng wirdong pinsan.
Ang kaniyang buhay ay nagbago nang isang iglap. Nang dahil sa mahiwagang tubig na iyon ay bumalik siya sa pagiging teenager. Mula sa pagiging dalagang lumagpas na ang edad sa kalendaryo, si Alexandra ngayon ay isa nang disinuebe anyos, na namumukadkad pa lamang bilang isang ganap na dalaga.
Noong una akala niya ay nagbibiro lang ang kaniyang pinsan ng sabihin nito na hindi totoong tubig ang nainom niya kung hindi isang kallos water. Ngunit, nagbago ang lahat pagmulat ng kaniyang mga mata.
Sa kaniyang paggising ay bumata siya ng labing tatlong taon at sa kaniyang pagiging bata ay aksidenteng nanalo siya sa isang contest. Dahil sa contest na 'yon ay nakikilala niya ang bente uno anyos at sikat na movie star na si Keith Almonte. Sa unang kita pa lang niya sa binata ay nabighani na siya sa kagwapuhan nito, ngunit, hindi niya magawang ibigin ito dahil masyado itong bata para sa kaniya at isa pa ay hindi maganda ang ugali ng sikat na movie star, masyado itong arogante at mayabang.
Kung kailan naman nagugustuhan na ni Alexa ang buhay teenager ay may malaking problema naman, dahil ang kallos water at ang pagiging bata niya ay may expiration.
"Tandaan mo Alexa, 60 days lang ang bisa ng kallos water na nainom mo. Pagkatapos ng 60 days ay babalik na ang lahat sa dati." Iyon ang mahigpit na bilin ng kaniyang pinsan.
Magagawa ba ni Alexa na mapanatiling bata ang kaniyang sarili at baguhin ang takbo ng kaniyang love life?

Unfold

Tags: HEsweetbxghighschoolsoul-swaprebirth/rebornaddicted to loveactorstubborn
Latest Updated
Chapter 16

Umuwi ng bahay nainis na inis si Keith. Sa lahat ng babaeng naka-date niya ay hindi niya akalain na isang fan ang magpaparamdam sa kaniya ng ganun. First time niyang maka-encounter ng babaeng ni hindi man lang nagkaroon ng interes sa kaniya. Pinagdududahan na tuloy niya ang sarili na baka nawala na nga ang appeal niya sa mga babae, na baka nga n……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.