Save Me (Completed)
Share:

Save Me (Completed)

READING AGE 18+

Rainisms Romance

0 read

Nang makipag-date si Mandy sa school mate niyang si Harry hindi niya alam na pinagpupustahan lang pala siya nito at ng mga kaibigan nito. Nagkataon naroon si Dylan sa restaurant na pag aari nila kung saan nagde-date ang dalawa. Narinig niya kung paano maliitin ng binata ang dalaga kaya naman kahit hindi niya gawain ang makisali sa problema ng iba ay tinulungan niya ang dalaga upang hindi ito tuluyang mapahiya sa mga taong naroroon. Simula ng insidenteng iyon, sa tuwing napupunta si Mandy sa alanganing sitwasyon ay laging dumarating si Dylan para iligtas siya.
Dumating ang isang matinding pagsubok sa buhay ni Mandy nang aksidenteng mahulog ang kanyang ina sa hagdan at kailanganin niya ng malaking pera para sa operasyon nito.Pikit mata siyang sumali sa isang auction. Ito lang ang tanging paraan para makakuha siya ng malaking salapi ng mabilisan. Itinago niya ang sarili sa isang maskara, hindi niya akalain na darating si Dylan sa lugar na iyon at sa muling pagkakataon ay iligtas na naman siya. Ibinigay niya ang sarili sa binata hindi dahil sa malaking halaga na ibinayad nito sa kanya kung hindi dahil sa pag ibig na nadarama niya para rito. Ang isang gabing iyon ay nagbunga, itinago niya ang pagbubuntis dahil ang binata ay nakatakda ng ikasal sa kaniyang long time girlfriend. Nagpakalayo-layo siya at hindi na nagpakita rito ngunit ng bumalik siya ng Pilipinas hindi niya inaasahan na pagtatagpuin ng tadhana ang anak niya at si Dylan.
Maitatago pa kaya niya rito ang tunay na pagkatao ng anak nila gayung walang kaalam-alam ang binata na may nangyari sa kanila at nabuntis siya nito?

Unfold

Tags: billionairefamilyescape while being pregnantgoodgirlsweetbxgrealistic earthdisappearancevirginmodel
Latest Updated

[Andrea's POV]

Napakahirap pagmasdan ang sarili kong pangalan na nakasulat sa lapida.

Anim na taong pinaniwala ko siyang patay na ako. At kanina habang pinagmamasdan ko siya buhat sa malayo na kumportableng nakaupo sa puntod na ito at nakikipagkwentuhan sa kung sino o anumang nakabaon sa lupang ito ay parang gusto ko siyang ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.