Breaking Archer Frio (Frio Series)
Share:

Breaking Archer Frio (Frio Series)

READING AGE 18+

Rainisms Romance

0 read

Si Archer Lorenzo, bata pa lang ay sanay na sa hirap. Batak sa trabaho, lahat ng pwedeng pagkakitaan ay kaniyang pinapasok. Mabait at mapagmahal na anak at kapatid. Nagsusumikap para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang inang may sakit at mga nakakababatang kapatid. May prinsipyo at pagpapahalaga sa kapwa, lumalaban ng patas para mabuhay.
Si Tiffany "Tiffa" Valencia, ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig. Ang nag iisang tagapagmana ng Valencia Corporation. Happy go lucky, maldita, gastadora at walang pakialam sa damdamin ng iba. Lumaking nasusunod ang lahat ng gusto at luho. Kung magpalit ng boyfriend ay para lang nagpapalit ng damit.
Dahil sa isang aksidente ay napilitan si Archer na magtrabaho sa pamilya Valencia upang maging bodyguard/driver ni Tiffa. Sa unang pagkikita pa lang ay hindi na magkasundo ang dalawa dahil sa magkaiba nilang prinsipyo at pananaw sa buhay.
Dahil inis si Tiffa sa atribido niyang driver/bodyguard na si Archer ay pumayag siya sa isang kasunduan sa pagitan niya at ng kaniyang mga kaibigan. Kasunduang paiibigin niya si Archer at kapag hulog na hulog na sa kaniya ang binata ay saka niya iiwan at ipagtatapat na hindi naman niya talaga ito minahal at ang sa kanila ay isang katuwaan lamang.
Sanay si Tiffa sa laro ng pag-ibig, samantalang si Archer ay hindi pa naranasan na magkaroon ng nobya. Umibig siya ng husto kay Tiffa dahil akala niya ay totoo ito sa kaniya. Ngunit, ang pagmamahal na iyon ay napalitan ng pagkasuklam ng ipamukha nito sa kaniya ang kaniyang kahirapan at kung gaano kalayo ang agwat nila sa buhay.
Umalis si Archer at nagpakalayo-layo ng dahil sa matinding pagkabigo sa una niyang pag-ibig. Simula noon ay wala ng naging balita si Tiffa rito.
Makalipas ang apat na taon, bumalik si Archer, ngunit ibang-iba na ito sa dating Archer na kilala ni Tiffa.
Bumalik ang binata upang maghiganti at pasakitan ang babaeng kaniyang kinamumuhian.

Unfold

Tags: possessivebadboyconfidentheir/heiresssweetbxgoffice/work placeenemies to loversbodyguardstubborn
Latest Updated
Chapter One Hundred Fifteen*

Naging masaya at tahimik ang buhay nina Archer at Tiffa nang sila'y magdesisyon na lumipat sa kanilang bagong bahay. Isang malaking isla ang nabili nila sa gitna ng malawak na karagatan. Nagpatayo sila ng katamtamang laki ng bahay na gawa sa kahoy at inayos ito nang may pagmamahal ni Tiffa.

Ang kanilang buhay sa probinsiya ay simple……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.