APOLINARIO: THE FARMER'S SECRET MUSE (DMBS1)
Hindi maunawaan ni Calliope kung ano ang mali sa ginagawa nila sa buhay nila. Masipag ang kanyang ama, gano'n din ang ina. Tulong-tulong silang lahat sa pamilya. Pero wala siyang nakikitang progress. Hindi sila makaahon sa kahirapan. Kasambahay siya sa siyudad ngunit dahil sa hirap ng trabaho ay pinauwi na siya ng kanyang magulang sa kanilang bayan. Sa kanyang pag-uwi ay nakilala niya si Apolinario. Ang magsasaka sa Poli's farm kung saan nakahanap ng bagong trabaho ang kanyang magulang. Gwapo, maganda ang pangangatawan... pero mahirap lang. Nilalandi siya ng lalaki pero sa isip ni Calliope ay wala na siyang balak magpasok ng taong kasing hirap niya sa kanyang buhay. Friend? Pwede naman. Okay rin naman kasi ito. Pero friend pa bang matatawag kung lihim na silang nagtatagpo sa tubuhan o kaya sa batis para lang magkasama? Friend pa bang matatawag kung ibinigay niya ang sarili rito at nais pa niyang paulit-ulit na ibigay sa lalaki ang kanyang sarili?Paano kung malaman ng kanyang magulang? Paano niya ipaliliwanag na nagtatalik nga sila... pero magkaibigan lang sila.
Unfold
Chapter Two
"Nanay? Tatay?" kahit pagod na pagod sa mahigit dalawang oras na paglalakad ay may lakas pa rin akong tawagin ng mga ito habang malawak ang ngiti. Gabi na. Tiyak na nakauwi na ang mga ito sa bahay.
Agad bumukas ang pinto at bumungad doon ang kapatid kong si Toto.
"Ate!" galak na ani nito sa akin……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……