mis_annie
Reads
Niloko si Lia ng kasintahan at ng kanyang sariling ina. Wasak sa nadiskubreng panloloko nila ay nagpakalasing siya. Nagpakalunod sa alak kaya bumagsak sa bisig ng isang isang estranghero at sila'y nauwi sa pribadong silid ng club. One-night stand lang iyon. Dala lang ng alak. Nagising din siya na wala na ang lalaking nakasalo sa kama. Balak na sana niyang kalimutan pa. Ngunit nabuntis siya. Ang nag-iisang regalo sa estranghero na pinagpapasalamat niya. Pero galit na si Lia sa mga lalaki. Ayaw na niya. Hindi na siya magtitiwala pa sa kahit na kaninong kalahi ni Adan. Ngunit paano kung ang isang kalahi ni Adan na katulad ng kapitbahay niya... ay sumubok na lapitan siya? Well, okay lang naman siguro... bading naman si Mackenzie. Pero paano na? Ang bading na kapitbahay... bigla na lang umakyat ng ligaw?
Updated at
Reads
Security the HeiressTumakas si Prima sa kanilang mansion sa paghahangad na mahanap ang tunay na makapagpapasaya sa kanya. Mahal siya ng kanyang ama, lahat ng mga kailangan niya ay naibibigyan nito. Pero hindi sapat iyon sa dalaga. Nalulunod siya sa lungkot na nararamdaman. Sa paghahangad na makalaya sa lungkot ay napadpad siya sa San Guillermo. Doon ay nakilala niya si Estanislao. Ang may-ari ng bahay kung saan ay umupa siya ng isang kwarto. Gwapo pero may kasungitan. Napukaw nito ang atensyon ng dalaga. Unti-unting nabuhay ang atraksyon. Ngunit may pag-asa kayang ang lalaking ito na ang maging dahilan ng kasiyahan niya?
Updated at
Reads
Hindi maunawaan ni Calliope kung ano ang mali sa ginagawa nila sa buhay nila. Masipag ang kanyang ama, gano'n din ang ina. Tulong-tulong silang lahat sa pamilya. Pero wala siyang nakikitang progress. Hindi sila makaahon sa kahirapan. Kasambahay siya sa siyudad ngunit dahil sa hirap ng trabaho ay pinauwi na siya ng kanyang magulang sa kanilang bayan. Sa kanyang pag-uwi ay nakilala niya si Apolinario. Ang magsasaka sa Poli's farm kung saan nakahanap ng bagong trabaho ang kanyang magulang. Gwapo, maganda ang pangangatawan... pero mahirap lang. Nilalandi siya ng lalaki pero sa isip ni Calliope ay wala na siyang balak magpasok ng taong kasing hirap niya sa kanyang buhay. Friend? Pwede naman. Okay rin naman kasi ito. Pero friend pa bang matatawag kung lihim na silang nagtatagpo sa tubuhan o kaya sa batis para lang magkasama? Friend pa bang matatawag kung ibinigay niya ang sarili rito at nais pa niyang paulit-ulit na ibigay sa lalaki ang kanyang sarili?Paano kung malaman ng kanyang magulang? Paano niya ipaliliwanag na nagtatalik nga sila... pero magkaibigan lang sila.
Updated at
Reads
Dahil sa kalasingan ay nakipagtalik siya sa babaeng nakamaskara. Mas kabisado pa ni Kygan ang itsura ng pagkababae ng babaeng nakasama niya ng gabing iyon, kaysa sa mukha nito. Nagising na lang siyang walang kasama sa kama at isang panty na palatandaang hindi talaga siya mag-isa ng gabing iyon. Pero paano kung sa paghahanap niya ay matuklasan niyang off-limit ang babaeng iyon? Wala naman sana siyang planong habulin ang babae, ngunit napukaw nito ang atensyon niya. Ang tingin niya'y matanda na siya para rito. Pero nagising na lang siya isang umaga, willing na siyang gawin ang lahat para rito. Kahit pa maging sugar-daddy nito. Pero paano niya sisiluin ang babae matigas ang ulo at hindi marunong makinig?
Updated at
Reads
Isang grupo sa bayan nila Claudia ang salarin sa pagkamatay ng kanyang ate. Ang mga miyembro ay mga anak ng mga mayayamang tao roon. Pinaglaruan nila ang kanyang ate sa tinatawag nilang laro na 'Praeda'. Nang nakaabot sa kanilang pamilya ang impormasyon tungkol sa sinapit nito ay agad naghangad ng hustisya ang kanilang magulang. Ngunit dahil doon ay naging parte rin ang mga ito ng larong iyon.Namatay at walang hustisyang nakuha. Si Claudia na siyam na taong gulang pa lang ay kinailangan tumakas at lumayo sa kanilang bayan.Ngunit sa kanyang pagbalik, siya naman ang maglalaro. Pero hindi katulad ng laro dati na sila ang tinutugis, ngayong dalaga na siya. Siya naman ang tutugis sa kanyang mga target.
Updated at
Reads
Hindi naniniwala si Garette na totoo ang pag-ibig kahit pa paulit-ulit siyang naging saksi sa mga successful love story ng mga kaibigan niya. Siguro sa kanila totoo ang pag-ibig, pero para kay Garette ay hindi. Wala rin siyang planong umibig lalo't ang tingin niya sa mga lalaking lumalapit sa kanya ay katulad lang din ng kanyang ama. Manloloko. Ngunit biglang sumulpot sa buhay niya si Verzus, ang lalaking minsan na niyang nakalaban habang gumagawa ng misyon. Wala siyang planong papasukin sa buhay niya ang lalaki. Pero makulit ito. Mabuo kaya ni Verzus ang nawasak na tiwala ni Garette sa mga kalalakihan? O, katulad lang din ito ng ama ni Garette na wawasakin ang tiwala niya?
Updated at
Reads
BlurbWalang maalala si Milanie. Ayon sa kanyang pamilya ay sumabog ang kinalululanan niyang yate at napadpad siya sa isang Isla. Nahanap naman siya ng kanyang pamilya at kanyang nobyo ngunit burado sa kanya ang mga alaalang sinasabi nila. Ang pinanghahawakan lang niya na patunay na siya nga si Milanie Feliz ay ang mga larawan niya mula pagkabata, at mga video na mayroon ang kanyang pamilya. Ngunit habang sinusubukan niyang bumuo ng mga memories sa piling ng kanyang pamilya, at sa piling ng lalaking unti-unting minahal at pinakasalan kahit wala ang dating alaala ay biglang sumulpot ang isang babae na kapareho niya ng mukha at sinasabing siya ang tunay na Milanie Feliz? Paano na siya? Paano na ang pamilya, at mas lalo't paano na ang lalaking pinakasalan niya sa pag-aakalang fiance niya ito?
Updated at
Reads
BlurbManika Servantino, ipinanganak at lumaki sa kabundukan. Rebelde ang kanyang magulang, sila rin ang leader ng grupo na ang layunin ay ipaglaban ang mga mahihirap at inaapi. Sa isang engkwentro na naganap, nahiwalay si Manika sa kanilang grupo. Nadakip siya ng gobernador ng San Gabriel at wala itong balak pakawalan siya hanggat hindi sumusuko ang grupong nagpasabog sa isang plaza na marami ang nabiktima. Itinago siya sa isang mansion na puno ng bantay, siya ang alas ng gobyerno para mapasuko ang grupo ng kanyang magulang... ngunit siya nga ba talaga ang alas nila o sila ang alas niya?
Updated at
Reads
"Kabit ako ng asawa ng kabit ng asawa ko." WARNING: R-18 Mahal na mahal ni Kadynce ang asawang si Evan. Nagpakasal siya rito't nangarap na makabuo ng pamilya sa piling nito. Ngunit ilang buwan pa lang silang mag-asawa... she found out na niloloko siya nito. Handang gawin ni Kadynce ang lahat para sa asawa pero hindi kasama roon ang magbulag-bulagan at magpakatanga sa kanya. Sa galit niya'y nag-imbestiga siya kung sino ang kabit nito. Nang malaman niya kung sino... nagkaroon siya ng isang misyon, misyon kung paano gagantihan ang mga manloloko. Lumapit siya kay Governor Nicholai ang asawa ni Gemma. Inakit niya ang gobernador upang mabaling ang atensyon nito sa kanya. Hindi naman siya nabigo. Nakuha niya ang gusto. Pero habang naglalaro ng apoy... unti-unti siyang nahulog sa lalaki. Handa naman si Governor Nicholai na panindigan ang kanilang relasyon. Ngayon ay hindi na lang ang relasyon at paghihiganti sa asawa ang ipinaglalaban ni Kadynce . Pati na si Governor Nicholai na mahal na niya. She's his dark secret na pwedeng makasira sa karera nito bilang isang politiko. Kaya kaya siyang ipaglaban ng gobernador oras na lumabas ang maitim nitong sekreto?
Updated at
Reads
Siya ang asawa, pero sa buhay ng kanyang asawa ay siya ang pangalawa. Palaging pabor ang pamilya ni Garrie sa kakambal niyang si Carrie. Si Carrie ang sikat, si Carrie ang nagdadala nang yaman sa pamilya, si Carrie ang the best. Tanggap naman iyon ni Garrie. Suportado rin niya ang kanyang kakambal. Isa sa pinakasikat na artista at singer ng bansa ang kapatid. Pero sa tuwing nakakagawa ng mga hindi magandang bagay ang kapatid ay si Garrie ang sumasalo ng consequences upang hindi masira ang pangalan ni Carrie. Isang malaking iskandalo na naman ang napasok nito... hindi simpleng eskandalo. Lumabas sa publiko ang isang sex video nito kasama ang isang sikat na gobernador. Sa takot ng kanyang magulang na masira ang pangalan ni Carrie ay lahat nang panghuhusga ay si Garrie ulit ang sumalo. Upang linisin ang kalat ay ipinaako ng kanyang magulang ang lahat sa kanya. Dahil nasa 'hot spot' din ang gobernador na lihim na karelasyong ni Carrie... nagmakaawa ang kakambal niya na pakasalan niya ang lalaki para mabaling sa kasal ang atensyon ng publiko. Dala ng awa at pagmamahal sa kapatid ay pumayag siya. Pero impyerno sa lupa ang nasuungan ni Garrie. Gusto niyang kumawala. Ngunit paano... kasal na siya sa gobernador na pag-aari ng kakambal niya. Makukuha pa nga ba niyang isalba ang sarili?
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.