The Billionaire's Dark Craving
READING AGE 18+
"I don't want a boy who will stress me out. I want a man. A daddy material who will treat me like his queen."
Sa edad na dalawampu't walo, nasa rurok ng kasikatan ang top model na si Sofia Malbert Laurent. Taglay ang perpektong mukha at hubog ng katawan, pila-pila ang mga bilyonaryo at politikong nagpapadala ng mga bulaklak at mamahaling regalo araw-araw. Ngunit dahil sa pait ng nakaraan sa kanyang ex-boyfriend na si Brix na ginamit lang siya, sinarado ni Sofia ang kanyang puso. Mayroon siyang isang mahigpit na panuntunan: hinding-hindi na siya papatol sa mga bata at mapusok na lalaki.
Ang kanyang ideal man? Ang limampung taong gulang na si Miguel Montel—isang ap, respetado, at biyudong bilyonaryo na may-ari ng pinakamalaking airline sa bansa. Para kay Sofia, si Miguel ang kahulugan ng isang totoong lalaki, kahit na sa telebisyon at mga ad lang niya ito nakikita.
Ngunit ang pangarap niyang tahimik na buhay ay magugulo sa pagdating ni Calix Harold Montel. Sa edad na 29, ang hambog at certified playboy na anak ni Miguel ay umuwi ng Pilipinas galing US para sa kumpanya. Sa unang kita pa lang ni Calix sa dambuhalang billboard ni Sofia, nag-alab ang mapusok nitong pagnanasa. Isang mapanganib na pangako ang binitawan ng batang Montel: "Akin ka lang, Sofia."
Habang agresibong ginagawa ni Calix ang lahat para maangkin ang modelo, hindi niya alam na ang lalaking tinitingala at lihim na minamahal ni Sofia ay walang iba kundi ang sarili niyang ama.
Paano tatakasan ni Sofia ang mapusok na anak kung ang puso niya ay nakatali sa ap na ama? Sa pagitan ng isang matandang bilyonaryo na sarado ang puso at ng isang batang playboy na handang sumuway sa lahat makuha lang siya—sino ang magmamay-ari sa reyna?
Unfold
Hindi na napigilan ni Mr. Miguel ang kanyang sarili; isang mabilis at mabigat na sampal ang lumipad sa mukha ni Calix. Natahimik ang binata; bahagyang napalingon ang mukha sa lakas ng pagtama, habang ang buong silid ay napanganga sa nangyari.
"Wala kang modo," malamig at galit na wika ni Mr. Miguel, habang nakaturo ang daliri……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……