3.556K
VISITORS
48

ABOUT ME

Writing has become my way of expressing emotions, sharing stories, and bringing characters to life. I enjoy creating romance novels filled with love, hope, challenges, and unforgettable journeys. Through my stories, I hope to inspire readers, touch their hearts, and provide moments of escape and enjoyment. Thank you for supporting my writing journey and being part of every story I tell.

ABOUT ME

Writing has become my way of expressing emotions, sharing stories, and bringing characters to life. I enjoy creating romance novels filled with love, hope, challenges, and unforgettable journeys. Through my stories, I hope to inspire readers, touch their hearts, and provide moments of escape and enjoyment. Thank you for supporting my writing journey and being part of every story I tell.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Dyascallmyname

The Billionaire's Dark Craving

The Billionaire's Dark Craving

Reads

"I don't want a boy who will stress me out. I want a man. A daddy material who will treat me like his queen." Sa edad na dalawampu't walo, nasa rurok ng kasikatan ang top model na si Sofia Malbert Laurent. Taglay ang perpektong mukha at hubog ng katawan, pila-pila ang mga bilyonaryo at politikong nagpapadala ng mga bulaklak at mamahaling regalo araw-araw. Ngunit dahil sa pait ng nakaraan sa kanyang ex-boyfriend na si Brix na ginamit lang siya, sinarado ni Sofia ang kanyang puso. Mayroon siyang isang mahigpit na panuntunan: hinding-hindi na siya papatol sa mga bata at mapusok na lalaki. Ang kanyang ideal man? Ang limampung taong gulang na si Miguel Montel—isang mailap, respetado, at biyudong bilyonaryo na may-ari ng pinakamalaking airline sa bansa. Para kay Sofia, si Miguel ang kahulugan ng isang totoong lalaki, kahit na sa telebisyon at mga ad lang niya ito nakikita. Ngunit ang pangarap niyang tahimik na buhay ay magugulo sa pagdating ni Calix Harold Montel. Sa edad na 29, ang hambog at certified playboy na anak ni Miguel ay umuwi ng Pilipinas galing US para sa kumpanya. Sa unang kita pa lang ni Calix sa dambuhalang billboard ni Sofia, nag-alab ang mapusok nitong pagnanasa. Isang mapanganib na pangako ang binitawan ng batang Montel: "Akin ka lang, Sofia." Habang agresibong ginagawa ni Calix ang lahat para maangkin ang modelo, hindi niya alam na ang lalaking tinitingala at lihim na minamahal ni Sofia ay walang iba kundi ang sarili niyang ama. Paano tatakasan ni Sofia ang mapusok na anak kung ang puso niya ay nakatali sa mailap na ama? Sa pagitan ng isang matandang bilyonaryo na sarado ang puso at ng isang batang playboy na handang sumuway sa lahat makuha lang siya—sino ang magmamay-ari sa reyna?

Updated at

Read Preview
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Reads

Si Elise Ysabelle Fontanilla, isang palaban at spoiled na law student na mahilig sa car racing, ay biglang nakaranas ng matinding pagsubok matapos mamatay ang kanyang ama at mag-iwan ng sangkaterbang utang. Upang makabangon, napilitan siyang pumasok sa isang kasunduan: ang pakasalan ang 29-anyos na bilyonaryong abogado na si Kyler Nathaniel Azurin. Bilang kapalit ng kasal, magsisilbing legal guardian at tagapondo ni Elise si Kyler hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral. Ngunit sa paglipat ni Elise sa mansyon ng mga Azurin, hindi lang mga batas ang kailangan niyang harapin, kundi ang presensya rin ng batang si Piper. Mula sa pagiging magkaaway na puno ng asaran, bangayan, at tensyon, unti-unting lumalabo ang linya ng kanilang relasyon. Ang dating "laro" ay nagiging seryoso habang si Kyler—ang lalaking sanay sa kontrol—ay tuluyang nahuhulog sa pasaway na si Elise. Sa gitna ng lihim, pagkakaunawaan, at pagmamahal na nabubuo sa ilalim ng iisang bubong, kakayanin ba ni Elise na manatiling matapang, o tuluyan na siyang "preno" ng bilyonaryong unti-unti nang nagmamay-ari ng kanyang puso?

Updated at

Read Preview
Ninong's Little Bride: The Mafia Boss's Secret

Ninong's Little Bride: The Mafia Boss's Secret

Reads

"Pitong taon akong nangako na ikaw lamang ang mamahalin ko, Ninong. Ngayong malaki na ako, hindi na kita tatantanan." Si Raven Nisha Madrigal ay patay na sa paningin ng buong mundo. Para makaligtas sa madugong pagpatay sa kanyang pamilya at sa pag-atake ng Vipera Syndicate, itinago siya ng nag-iisang lalaking pinagkakatiwalaan ng kanyang ama—ang kanyang "Super Ninong" at ang kinatatakutang Mafia Boss ng Il Corvo Nero, si Xander Ace Salvador. Makalipas ang ilang taon, nagbalik ang dalaga bilang si Kitty—isang 21-taong-gulang na nursing student na may pusong tanging para lamang kay Xander. Ngunit upang maprotektahan siya mula sa mga nag-aabang na kaaway, dinala siya ni Xander sa isang liblib na probinsya at ipinakilala bilang isang mahirap na ulila at iskolar. Sa ilalim ng iisang bubong, sa gitna ng pagpapanggap bilang ama-amahan at inaanak, unti-unting nabubura ang hangganan. Si Xander, na kilala sa pagiging mahigpit at seryoso, ay masusubok ng isang pasaway, palaban, at nagdadalagang Kitty na gagawin ang lahat para mapansin siya at maangkin ang puso ng kanyang guwapong tagapagbantay. Paano mapoprotektahan ni Xander ang nag-iisang babaeng natitira sa buhay niya kung ang mismong kalaban ay ang sarili niyang nararamdaman sa dalagang minsan niyang pinangakuan ng proteksyon?

Updated at

Read Preview
Friends with Benefits

Friends with Benefits

Reads

“S*x lang. Walang feelings. Magkaibigan lang tayo, Kira.” Iyan ang matatag na kasunduan nina Ma. Kiara Valdez at Dr. Terence Vincent Malvar. Sila ang tipong mag-best friend na magkalapit ang condo units sa BGC, madalas magkayakap na matulog sa iisang kama, at naghahalikan na parang walang bukas—lahat sa ngalan ng pagiging "pamilya" sa Maynila at sa depensang walang malisya. Ngunit para kay Kira, na matagal nang palihim na pinagpapantasyahan ang guwapong doktor, ang bawat haplos at halik ay may dalang pagnanasa na hindi na niya kayang pigilan. Hanggang sa tuluyan niyang hinamon si Terence na subukan ang ipinagbabawal… isang kasunduang nauwi sa paulit-ulit na pag-iibigan sa dilim. Akala ni Kira ay sapat na ang ganoong set-up, hanggang sa pumasok sa eksena ang babaeng magpapatibok ng totoo sa puso ni Terence—si Sheila. Dito magsisimula ang digmaan ng selos, possessive na pag-akit, at mga gabing puno ng luha. Sa kagustuhan ni Kira na angkinin si Terence, tuluyang gumuho ang kanilang pagkakaibigan. Nagalit si Terence, pinili ang iba, at lumipad patungong US para takasan ang magulo nilang mundo. Ang hindi alam ni Terence ay ang huling gabi ng kanilang pag-iintimoran bago siya umalis ay may iniwang lihim—isang pusong tumitibok na magpabago ng lahat. Pagkalipas ng limang taon, sa gitna ng mataong supermarket sa BGC, muli silang nagtagpo. Ngunit hindi na nag-iisa si Kira. Kasama nito ang isang apat na taong gulang na batang lalaki na kamukhang-kamuka ni Terence—at tatawag kay Kira ng “Mommy.” Hanggang kailan maitatago ang lihim kung ang mukha mismo ng bata ang sumisigaw ng katotohanan?

Updated at

Read Preview
My Billionaire Blind Date

My Billionaire Blind Date

Reads

"He’s the heir she’s avoiding. She’s the doctor he can’t forget. Two strangers. One strict rule: No real names, no labels, no questions asked.Para kay Dr. Jace, ang "RK" na kasama niya sa loob ng kanyang condo sa BGC ay ang kanyang lihim at tanging pahinga. Para kay RK, ang "JM" na nakilala niya sa bar ay ang babaeng hindi na niya kayang pakawalan, dahil para sa kanya ito ang babaeng gusto na niyang makasama sa buhay. Pareho nilang tinatakasan ang fixed marriage na ipinipilit ng kani-kanilang mga ama. Ngunit nang mapilitan si Jace na makipagkalas kay RK upang harapin ang lalaking nakatakda sa kanya, isang masakit na pagtatagpo sa isang pagtitipon ang magbubunyag ng katotohanan— Ang lalaking matagal na niyang iniiwasan na si "RICHARD"at ang lalaking binigyan niya ng kanyang puso na si RK… ay iisa pala.

Updated at

Read Preview
Between Strings and Speed

Between Strings and Speed

Reads

Sa mundong puno ng matatalino, ambisyoso, at perpektong estudyante ng isang prestihiyosong unibersidad, si Althea Beatrice Aquino ay isang pangalan na kilala sa galing, ganda, at talino. Pero sa likod ng kanyang kumpiyansa, isang simpleng puso lang ang hindi handang mabigo. Isang tingin pa lang kay Lucas Adrian Malvar—ang perpektong 4th-year student na tahimik, magaling, at tila hindi kayang abutin—bumigay na ang mundo niya. Sa bawat oras na magkasama sila sa isang tutoring organization, mas lalo siyang nahuhulog sa binatang tila walang ibang pinapahalagahan kundi ang pag-aaral at musika. Pero ang akala niyang tahimik na pag-ibig, biglang gugulo nang makilala niya ang kapatid nito—si Liam Anthony Malvar. Maloko, palaban, at puno ng problema… pero sa likod ng pang-aasar at kakulitan, may isang lalaking unti-unting natututong magmahal nang totoo. Ngayon, isang lihim na pagtingin ang dapat itago. Isang damdaming dapat pigilan. At isang puso na hindi alam kung sino ang pipiliin. Sa pagitan ng perpektong pag-ibig na tahimik at mapangahas na pag-ibig na gumugulo, sino ang mananatili sa puso ni Thea—ang pinili ng isip… o ang hindi inaasahang nagpagulo ng damdamin niya?

Updated at

Read Preview
The Island Affair

The Island Affair

Reads

"Hindi mo na kailangang magtago mula sa mundong nanakit sa'yo, Wifey. Dahil dito sa isla ko, ako ang batas... at ikaw ang priority ko." Si Dr. Ciara Joyce "CJ" Romero ay may perpektong buhay sa Maynila—magaling na doktor, anak ng gobernador, at nakatakda sanang ikasal. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat nang matuklasan niya ang maruming pagtataksil ng kaniyang kasintahan. Upang takasan ang kahihiyan at hanapin ang naglahong kapayapaan, lumipad siya patungo sa isang liblib na isla. Doon ay nakatagpo niya si Arkine James Del Rosario. Sa unang tingin, isa lamang itong tahimik, seryoso, at misteryosong resort manager na may sarili ring sugat na pilit ikinukubli. Noong una, tila isa lamang siyang hangin sa mga mata ni CJ—palaging malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Ngunit hindi para sa mga mata ni Arkine; dahil sa bawat sulyap, pilit niyang binabasa ang lungkot ng doktora. Ang hindi alam ni CJ, ang simpleng engineer na unti-unti niyang nagiging sandigan ay ang bilyonaryong nagmamay-ari ng buong paraisong kaniyang tinataguan. At kapag ang mga multo ng kanilang nakaraan—ang kaniyang taksil na ex na si Eman at ang mapang-angking doktor na si JM—ay sumunod sa isla upang siya ay bawiin, ipapakita ni Arkine kung gaano kamahal at kadelikado ang maging pag-aari ng isang hari ng paraiso. Kakayanin ba ng puso ni CJ na magtiwala muli, o ang takbuhan niya para makalimot... ay ang lugar kung saan muling mawawasak ang kaniyang mundo?

Updated at

Read Preview
Under His Watch

Under His Watch

Reads

Akala ni Ethan Miguel Navarro, ang susunduin niyang “TJ” sa airport ay isang lalaki. Nagkamali siya. Dahil ang sumalubong sa kanya ay si Therese Joyce Silverio—isang maganda, matapang, at gulo ang dala sa buhay niya na dalaga. Bilang utos ng kanyang lolo Ricardo, siya ang magiging bantay ng dalaga. Pero paano niya babantayan ang isang taong unti-unting winawasak ang kontrol niya? Bar fights. School issues. Late night rescues. At mga titig na hindi dapat pinapansin. Hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili… Kung ang babaeng dapat niyang protektahan— ang siya ring unti-unting minamahal niya?

Updated at

Read Preview
My Brother's Best friend (SPG)

My Brother's Best friend (SPG)

Reads

Para kay Charlotte Joyce Alcantara (Charlie), iisang lalaki lang ang tinitibok ng puso niya simula pagkabata—si Patrick John Arevalo, ang matangkad, gwapo, at varsity player na best friend ng kuya Charles niya. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Nang makatapos ito sa DLSU, lumipad si Patrick patungong Amerika at Europe para sa kanyang mga proyekto bilang Engineer, na nag-iwan ng malaking puwang sa buhay ni Charlie at pumutol sa kanilang komunikasyon. Lumipas ang mga taon. Sa gabi ng sariling graduation ni Charlie, muling nag-krus ang kanilang landas sa isang simpleng inuman kasama ang kanyang kuya. Ang akala niyang simpleng celebration ay nauwi sa isang mapusok at hindi inaasahang gabi. Dahil sa sobrang pangungulila sa isa't isa, ang kanilang first kiss ay nasundan ng isang gabi ng nag-uumapaw na pagnanasa. Mahal niya si Patrick. Kaya naman kahit walang kasiguraduhan, kahit walang malinaw na label kung ano nga ba sila, pumapayag si Charlie. Basta ang alam niya, napapaligaya nila ang isa't isa sa paraang sila lang ang nakakaalam. Hanggang kailan kayang panindigan ni Charlie ang pagiging "lihim na kandungan" ng lalaking pangarap niya? Paano kung ang nakaw na sandali ay magbunga ng isang permanenteng bukas? At sa isang iglap... panaginip lang pala talaga ang lahat. NOTE: SPG Warning: This story contains mature themes not suitable for young readers.” Ang istoryang ito ay mula sa malikot at malikhaing imahinasyon ng may-akda. Hindi ito batay sa totoong pangyayari, at anumang pagkakatulad sa tunay na buhay ay nagkataon lamang.

Updated at

Read Preview
I Love You, My Enemy

I Love You, My Enemy

Reads

"Akitin mo siya. Paibigin mo… tsaka mo durugin." Iyan ang plano ni Kristine para sa "Control Freak" na si Adam, ang lalaking kumuha ng lahat ng para sa kanya. Pumasok siya sa buhay nito dala ang matinding galit at isang huwad na ngiti. Plano niyang iparanas kay Adam ang impyerno. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa bawat gabi na magkasama sila, sa bawat haplos na naghahatid ng kuryente sa kanyang katawan, ang galit ay napalitan ng mapanirang pagnanasa. Nagbago ang mga patakaran ng laro. Nahulog si Kristine sa sarili niyang patibong. Paano kung ang paghihiganti ay magbunga ng totoong pagmamahal? Ngunit kapag nabuksan ang mga sikreto ng nakaraan at nalaman ni Adam na ang lahat ay nagsimula sa isang kasinungalingan... may puwang pa ba ang patawad, o tuluyan na silang mawawasak ng katotohanan? Sa Bar (Adam POV) “Kristine… let’s go,” sabi ko, sabay hawak nang mahigpit pero maingat sa kanyang braso. Paglingon niya sa akin—nakangiti siya. Pero halatang-halata na medyo hilo na ito at hindi na diretso ang tingin. “Uy, sissy!” sigaw ng isa niyang kasama, si Carol yata ito. “Look, your Daddy Adam is here… sinusundo ka na niya, Girl.” At sabay-sabay silang nagtawanan. Napakunot ang noo ko sa narinig. “Daddy Adam…?” ulit ko sa mababa at pormal na boses na puno ng awtoridad. “Excuse me! Adam is not my daddy…” sabi ni Kristine sabay tawa ulit kasama ng kanyang mga kaibigan. “Ha? Eh, ano mo ba siya?” tukso naman ng isa pa nilang kasama. Doon ko binalingan si Kristine. Ngumiti siya—iyong lutang na lutang na ngiti na tila ba nasa ibang mundo na siya dahil sa kalasingan. Bigla siyang nagtaas ng kamay at dahan-dahang itinatapat ang kanyang daliri sa dulo ng ilong ko. “He’s my... baby…” aniya habang nakatitig sa akin. Napakunot lalo ang noo ko. “Baby…?” ulit ko, halatang hindi makapaniwala sa narinig ko. Mula sa pagiging "Atty. Sebastian," naging "Baby" ako sa loob lang ng isang gabi? “'Di ba, Adam?” Hinila niya ako bigla palapit sa kanya, dahilan para mapayuko ako lalo sa harap niya. “Baby kita? Sabihin mo sa kanila…” Napapikit ako saglit, pinipigilan ang sarili na huwag sumabog sa hiya at inis sa harap ng mga usisero niyang kaibigan. “Kristine, tama na—” “Adam…” lambing niya, nakasandal na halos ang buong bigat ng katawan niya sa akin. “Sabihin mo kasi na baby mo ako…” Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa mga kaibigan niya na lahat ay naghihintay ng isasagot ko, bitbit ang mga cellphone na nakahanda nang i-video ang susunod na mangyayari. Wala na akong choice kundi tapusin ang palabas na ito para mailayo ko na siya rito. “Baby ko si Kristine,” sabi ko, madiin ang bawat salita upang manahimik na sila. Sabay-sabay silang nagtawanan at nagkantiyawan. Pero si Kristine—nanatili lang na nakatingin sa akin. Ngumiti siya nang kontento, parang ako lang ang mundo niya sa sandaling iyon. At sa totoo lang, kahit nakakainis ang sitwasyon, may kung anong kumurot sa puso ko sa paraan ng pagtingin niya. “Tara na,” sabi ko ulit, hinila ang kamay niya. “Uwi na tayo.” “Sige…” sagot niya. Pero hindi pa rin siya tumatayo. Nanatili siyang nakaupo, tila nag-e-enjoy sa pag-aantay ko. Napapikit ako sa gigil at pinigilan ang inis na kanina pa gustong lumabas. “Kristine…” mas mababa na ang boses ko ngayon, iyong tonong nagbabala na. “Tumayo ka na.” Ngumiti lang siya—parang mas inaasar ako lalo. “Tatayo ako…” sabi niya, ngunit hindi naman gumagalaw ang kanyang mga binti. Napabuga ako ng hangin at tuluyang nawalan ng pasensya. Lumapit ako nang husto sa tenga niya, sapat na para maramdaman niya ang init ng aking hininga sa kanyang balat. “Sige,” bulong ko nang seryoso. “Kung hindi ka tatayo… hihigpitan ko ang hawak ko sa 'yo, at bubuhatin na lang kita palabas dito.” Tumingala siya sa akin, mapungay ang mga mata at may pilyong ngiti sa mga labi bago bumulong pabalik. “Kiss mo muna ako.” Napapikit ako nang mariin. Halatang lasing na siya—makulit, matigas ang ulo, at walang pakialam sa mga taong nakatingin sa paligid namin. Pero hindi ko siya pwedeng iwan sa ganitong estado, at lalong hindi ko siya pwedeng hayaang mapahiya. “Kristine, no... lasing ka na,” mahina pero madiin kong wika. “Tara na, umuwi na tayo.” “Akala ko ba baby mo ’ko? Patunayan mo sa kanila na baby mo ’ko... kiss mo na ’ko, dali!” Nakatulis ang kanyang nguso, tila isang batang nanghahamon. Ang mga kaibigan niya ay nagsimula nang mag-hiyawan, lalong nagpapadagdag sa tensyong nararamdaman ko. Ayaw ko man, pero para matapos na ang eksenang ito at mailayo ko na siya rito, dahan-dahan akong lumapit. Maingat. Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay para maging steady siya. At saglit—marahang dumikit ang labi ko sa labi niya.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.