Ninong's Little Bride: The Mafia Boss's Secret
READING AGE 18+
"Pitong taon akong nangako na ikaw lamang ang mamahalin ko, Ninong. Ngayong malaki na ako, hindi na kita tatantanan."
Si Raven Nisha Madrigal ay patay na sa paningin ng buong mundo. Para makaligtas sa madugong pagpatay sa kanyang pamilya at sa pag-atake ng Vipera Syndicate, itinago siya ng nag-iisang lalaking pinagkakatiwalaan ng kanyang ama—ang kanyang "Super Ninong" at ang kinatatakutang Mafia Boss ng Il Corvo Nero, si Xander Ace Salvador.
Makalipas ang ilang taon, nagbalik ang dalaga bilang si Kitty—isang 21-taong-gulang na nursing student na may pusong tanging para lamang kay Xander. Ngunit upang maprotektahan siya mula sa mga nag-aabang na kaaway, dinala siya ni Xander sa isang liblib na probinsya at ipinakilala bilang isang mahirap na ulila at iskolar.
Sa ilalim ng iisang bubong, sa gitna ng pagpapanggap bilang ama-amahan at inaanak, unti-unting nabubura ang hangganan. Si Xander, na kilala sa pagiging mahigpit at seryoso, ay masusubok ng isang pasaway, palaban, at nagdadalagang Kitty na gagawin ang lahat para mapansin siya at maangkin ang puso ng kanyang guwapong tagapagbantay.
Paano mapoprotektahan ni Xander ang nag-iisang babaeng natitira sa buhay niya kung ang mismong kalaban ay ang sarili niyang nararamdaman sa dalagang minsan niyang pinangakuan ng proteksyon?
Unfold
"Hindi puwedeng aalis ka ng mansiyon nang hindi mo kasama si Pablo. Siya ang magiging driver mo at ang magbabantay sa iyo sa school kapag hindi ako available. Sa mansiyon at sa unibersidad lang puwedeng pumunta ang mga paa mo. Mahigpit kong ipinagbabawal ang pagmamaneho mo ng kahit anong sasakyan dito. Puwede kang mag-mall, oo, pero kailangan……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……