Bahagi ng ating Kabanata
Share:

Bahagi ng ating Kabanata

READING AGE 16+

TheInkOfNyc Romance

6870 reads

Sa San Rafael ay mayroong isang paru-parong patuloy sa paglawig sa himpapawid habang kanyang dala-dala ang malaking katanungan patungkol sa pag-ibig. Patuloy niyang ibinubuka ang kanyang mga pakpak at ito’y ubod ng karilagan ngunit hindi niya alam.

Habang sinubukang hanapin ang kasagutan sa kanyang nag-iisang katanungan, dumako ang kanyang titig sa isang napakarikit na nilalang. Nakalap niya ang isang bulaklak na patuloy sa pagtangis sa hindi niya alam na kadahilanan. Kusa siyang dumako sa bulaklak at nakisabay sa kanyang hapis.

Hindi niya maakalang ang kanyang natagpuang bulaklak ay magiging susi sa dagdag na kuryosidad at mag-uudyok sa kanyang magtanong pa sa pagpapakahulugan sa pag-ibig. Nais niyang maranasan iyon dahil ang karanasan ang pinakamagaling na guro kaya ang paru-paro'y patuloy sa pagdapo at kalauna’y natunghayan ang paghalimuyak ni bulaklak at ang pag-usbong ng kanilang pagsasamahang humantong sa pag-iibigan. Ang katanungan ng paru-paro patungkol sa pag-ibig ay tuluyang nawaldas ng dahil kay bulaklak.

Ngunit, paano kung mayroong isang matinding dagok ang susubok sa kanilang pag-iibigan, makakaya kaya nilang malagpasan?

At, hanggang saan at kailan hahantong ang nasimulang mga bahagi ng kanilang kabanata?

Ang pag-iibigang nabuo sa ika-19 siglo, ang panahon kung kailan sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Tunghayan ang bawat kaganapang makapaghahatid sa 'yo sa iba't ibang uri ng pag-ibig; Diyos, bayan, pamilya, at kasintahan. Mga samu't saring aral.


— Akdang Isinulat ni: Eleanor, Aziel S.
— No. of Episodes: 57 chapters
— P.O.V. used: Third Person's Point of View
— Date Signed Off: 21st of April, 2021
— Current Status: UNEDITED; ON THE PROCESS OF EDITING


©BahagingatingKabanata.Dreame.Starywriting2020-2021 | COMPLETED

Unfold

Tags: revengedramatragedysweetheavybrilliantgeniusambitiousmale leadwar
Latest Updated
Epilogo

Inilapag niya sa ibabaw ng puntod ni Diego ang kanyang dalang kumpol na bulaklak. Mayroon pa ring hinanakit na nakaukit sa kanyang katauhan ngunit kanyang pinapalakas ang kanyang sarili at unti-unting tinanggap muli ang pagkasawi sa pag-ibig.

Hindi man madali iyon ngunit alam niyang maghihilom pagdating ng panahon ang kanyang sugat.……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.