6.816K
VISITORS
279

ABOUT ME

“You have to follow your own voice. You have to be yourself when you write. In effect, you have to announce, 'This is me, this is what I stand for, this is what you get when you read me. I'm doing the best I can-buy me or not-but this is who I am as a writer.” — David Morrell

ABOUT ME

“You have to follow your own voice. You have to be yourself when you write. In effect, you have to announce, 'This is me, this is what I stand for, this is what you get when you read me. I'm doing the best I can-buy me or not-but this is who I am as a writer.” — David Morrell
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY TheInkOfNyc

Signs for True Love

Signs for True Love

Reads

Ang mga salitang happy endings para kay Yvette ay hindi uso sa kanya sapagkat sa sitwasyong naganap at kanyang natunghayan sa masaklap na pag-iibigan ng kanyang mga magulang. Si Travester, ang kanyang masugid na manliligaw ay ginawa ang lahat upang makuha man lamang ang kanyang matamis na pagpayag ngunit kahit man hindi niya maitatangging gusto niya rin ang binata ay naging matigas ang kanyang puso para rito kaya hinayaan lamang niya itong manligaw sa kanya at handa namang maghintay ang binata kahit gaano pa katagal. Nasilayan niya ang senseridad ng manliligaw ngunit dahil takot siyang sumugal sa pag-ibig dahil ayaw niyang magaya sa kanyang mga magulang ay hinayaan niya ang universe na magdesisyon para sa kanyang tadhana sa pag-ibig sa pamamagitan ng signs. Kapag nagkatotoo ang lahat ng signs na hinihingi niya. Ito'y nagpapatunay na ang binata ay para talaga sa kanya at ang siyang kanyang papakasalan. Matutupad kaya ang kanyang mga hinihingi at hinahanap na signs para sa kanyang tunay na pag-ibig?

Updated at

Read Preview
Bahagi ng ating Kabanata

Bahagi ng ating Kabanata

Reads

Sa San Rafael ay mayroong isang paru-parong patuloy sa paglawig sa himpapawid habang kanyang dala-dala ang malaking katanungan patungkol sa pag-ibig. Patuloy niyang ibinubuka ang kanyang mga pakpak at ito’y ubod ng karilagan ngunit hindi niya alam. Habang sinubukang hanapin ang kasagutan sa kanyang nag-iisang katanungan, dumako ang kanyang titig sa isang napakarikit na nilalang. Nakalap niya ang isang bulaklak na patuloy sa pagtangis sa hindi niya alam na kadahilanan. Kusa siyang dumako sa bulaklak at nakisabay sa kanyang hapis. Hindi niya maakalang ang kanyang natagpuang bulaklak ay magiging susi sa dagdag na kuryosidad at mag-uudyok sa kanyang magtanong pa sa pagpapakahulugan sa pag-ibig. Nais niyang maranasan iyon dahil ang karanasan ang pinakamagaling na guro kaya ang paru-paro'y patuloy sa pagdapo at kalauna’y natunghayan ang paghalimuyak ni bulaklak at ang pag-usbong ng kanilang pagsasamahang humantong sa pag-iibigan. Ang katanungan ng paru-paro patungkol sa pag-ibig ay tuluyang nawaldas ng dahil kay bulaklak. Ngunit, paano kung mayroong isang matinding dagok ang susubok sa kanilang pag-iibigan, makakaya kaya nilang malagpasan? At, hanggang saan at kailan hahantong ang nasimulang mga bahagi ng kanilang kabanata? Ang pag-iibigang nabuo sa ika-19 siglo, ang panahon kung kailan sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Tunghayan ang bawat kaganapang makapaghahatid sa 'yo sa iba't ibang uri ng pag-ibig; Diyos, bayan, pamilya, at kasintahan. Mga samu't saring aral. — No. of Episodes: 57 chapters — P.O.V. used: Third Person's Point of View — Date Signed Off: 21st of April, 2021 — Current Status: UNEDITED; ON THE PROCESS OF EDITING ©BahagingatingKabanata.Dreame.Starywriting2020-2021 | COMPLETED

Updated at

Read Preview
Leftover

Leftover

Reads

Mayroong mga kadahilanan kung bakit nabubuhay ang isang tao. Maaaring nabubuhay siya bilang isang masuwerteng nilalang o maaari rin namang isang kamalasan. Ngunit, sa sitwasyon ng isang dalagang nagngangalang Euri, nabuhay siya sa mundo bilang isang kamalasan sa iba at lalo na sa kanyang pamilya. Buong akala niya na puro kasiyahan ang kanyang mababatid sapagkat nagmula siya sa isang simple ngunit masayang pamilyang nagturo sa kanya ng mga birtud sa buhay. Sa kasawiang palad, ang kaaya-ayang takbo ng kanyang buhay ay magbabago nang kunin sa kanya ang kanyang mga magulang, ang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay. Ang hindi inaasahang insidenteng ito ang simula ng kanyang kalbaryo at pagtrato niya sa kanyang sariling malas. Magkawatak-watak ang kanilang landas ng kanyang mga nakababatang kapatid. Sa mura niyang edad, mararanasan niya ang pambababoy at pagmamalabis sa kanya ng mga umampon sa kanya. Tinuring niya ang kanyang sariling isang kamalasan. Labis na pagkaawa sa kanyang sarili ang kanyang matutunghayan. Diyos ay kanyang sinisi at kinamumuhian. Isang taong wala nang tatangkang pupulot. Basura kung ituring niya ang sarili. Hanggang kailan niya ipapamukha sa sariling isa siyang tirang wala nang pakinabang pa? — Akdang Isinulat ni: Eleanor, Aziel S. — No. of Episodes: 72 chapters — P.O.V. used: First Person’s Point of View — Date Signed Off: 28th of January, 2022 — Current Status: UNEDITED; ON THE PROCESS OF EDITING ©Leftover.Dreame.Starywriting2020-2022 | COMPLETED

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.