A B C DEAD
Share:

A B C DEAD

READING AGE 16+

Titanic King Suspense/Thriller

0 read

Isang estudyante ang gustong patayin ng isang guro at prinsipal sa loob mismo ng paaralan. Ang dahilan? Ballpen.

Ano ang gagawin mo kung isang gabi matagpuan mo na lang ang sarili mo na na-stranded sa paaralang pinapasukan dahil sa masungit na panahon kasama ang dalawang guro na gustong pumatay sa iyo? Makalabas ka pa kaya nang buhay?

************

Nang pahiyain ni Miya Antipasado ang dragon nilang Math teacher sa harap ng klase, ang buong akala niya ay tuluyan nang matatapos ang maliligayang araw nito.

Nagkamali siya.

Nang ipatawag si Miya sa Principal's Office, natuklasan niyang mas kinampihan pa ng kanilang prinsipal na si Mrs. Villarica si Ms. Velasco. Pinal na napagdesisyunan nito na tuluyan nang patalsikin si Miya sa Purvil High sa paniniwalang isa siyang masamang impluwensya sa mga estudyante na hindi dapat pamarisan. Pero agad na tumaas ang tensyon sa loob ng opisina nang traydurin si Miya ng kanyang matalik na kaibigan at ibunyag sa mga ito na palihim na kinuhanan ni Miya ng video ang ginawang pamamahiya kay Ms. Velasco, at patuloy pa rin niyang kinukuhanan ng video ang pag-uusap nila ngayon. Nalaman din ng mga ito na balak i-post ni Miya sa social media ang mga video para ipahiya sila at mapatalsik sa Purvil High.

Kasunod ng pagdating ng malakas na bagyo, dumanak ang dugo sa loob ng Principal's Office, at sa nagdidilim na diwa ni Miya napagtanto niya na handang pumatay sina Mrs. Villarica at Ms. Velasco mapagtakpan lang ang pinakatatagong sikreto ng mga ito.

Makalabas pa kaya nang buhay si Miya sa paaralang pinalalakad ng mga taong may maiitim na puso at naglalagablab na galit?

Unfold

Tags: darkbadboykickass heroinestudenttwistedfemale leadcampushighschoolcrimefriends
Latest Updated
Chapter 3

"What is this?" Itinuro ni Ms. Velasco ang iginuhit nito sa blackboard gamit ang chalk. "What kind of angle is this?" muling tanong nito sabay tingin sa aming lahat.

Nagtaas ng kamay si Karina.

Gosh, Karina. Please, don't do it. Sinisira mo ang mg plano ko, inis na naisaloob ko habang nakasimangot na nakasulyap kay Kari……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.