Ang Bestfriend kong Robot
Reads
Mahilig sa robotics ang siyam na taong gulang na si Princess. Kaya naman pangarap niya ang makalikha ng isang robot na magtatanggol sa kanya laban sa bully niyang nakatatandang kapatid na si Prince. Lalong umigting ang kanyang pagnanais na maisakatuparan ang kanyang pangarap nang walang awang sirain ni Prince ang kanyang nililikhang robot. Sa gitna ng paghikbi at nagpupuyos niyang kalooban ay naisigaw niya ang mga katagang "Just wait and see, Kuya Prince. I will finish my robot and it will defeat you!"
Isang araw, habang nag-iisa sa kanilang tahanan, isang malakas na pagbagsak ang gumising sa natutulog na si Princess. Sa kanyang pagsisiyasat, natuklasan niya ang isang walang malay na nilalang na nakahandusay sa kanilang bakuran: isang batang lalaki na kasing-itim ng uling at may nagbabagang mga mata. Malinaw na bumagsak ito mula sa langit. Isang robot, sigaw ng isip ni Princess habang pinagmamasdan ang estranghero. Dahil sa angkin niyang talino at kaalaman pagdating sa robotics, matagumpay niya itong nakumpuni at napagana.
404 ang pangalan ng robot. Naging kaibigan niya ito at pagdaka'y naging tagapagligtas laban sa kanyang kapatid na si Prince. Tinuruan niya si 404 kung paano maging mabuti at matulungin sa tao. At kung paano nito gagamitin ang natatanging abilidad sa ikabubuti ng nakararami.
Lingid sa kaalaman ni Princess, likha ng isang baliw at masamang scientist si 404. Nilikha ito upang maging special weapon ni Professor Radike. Gusto nitong mapasakamay at masakop ang buong Isla Kahel maging ang buong Pilipinas gamit si 404. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, sumabog at bumagsak ang sinasakyang private jetplane ng Professor at ni 404. Tanging si 404 lang ang nakaligtas na nagtamo ng matinding pinsala, na kalaunan ay nag-malfunction at bumagsak sa bakuran nina Princess.
Isang araw, may naganap na bank robbery at hostage-taking sa kanilang lugar. Dala ng pakiusap ni Princess, pumayag si 404 na puntahan ang nasabing bangko para iligtas ang mga hostage. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, pinatay ni 404 ang mga holdaper. Dumanak ang dugo, at maging ang ilan sa mga pulis na rumesponde ay napaslang ng robot. Nakita ito lahat ni Princess sa telebisyon. At nang makitang pabalik na sa kanilang tahanan ang napinsalang si 404, agad na humingi ng tulong si Princess kay Prince. Mabilis silang umalis at nagtungo sa kalapit na kagubatan upang magtago. Lingid sa kaalaman ni Princess, pinagpaplanuhan siyang patayin ni Prince, at palalabasing aksidente. Sa loob ng kagubatan, natagpuan nila ang isang matandang ermitanyo na tumulong sa kanila upang takasan si 404. Saktong papatayin na ni Prince si Princess nang biglang lumitaw si 404 hawak ang bangkay ng kanilang ina. Bulag sa matinding galit, sinugod ni Prince ang robot. Walang alinlangan itong pinaslang ni 404. Mabilis na tinungo ng matandang ermitanyo si Princess at sinubukang itakas, subalit nasugatan ito ni 404 sa binti. Bago patayin, inihayag ni 404 sa matanda at kay Princess ang balak niya na sakupin ang buong isla maging ang buong Pilipinas gaya ng matagal nang pangarap ng kayang tagapaglikha. Gagawin nitong totoong prinsesa si Princess at magkasama nilang paghaharian ang buong sangkatauhan, bagay na tinutulan ni Princess. Nang papatayin na ni 404 ang matandang ermitanyo, saka lang naalala ng matanda ang kanyang nakaraan...Ito pala si Professor Radike na inakala ni 404 na nasawi na mula sa bumagsak nilang eroplano. Nalagutan ng hininga ang matanda, at ilang minuto lang ay tuluyan na ring sumabog si 404.
Updated at