Intention
READING AGE 18+
Si Callynn na yata ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Paano ba naman kasi, wala pa ngang isang taon simula nang mamatay ang ina niya ay nag-asawa kaagad ang ama niya. Ang masaklap pa ay isang chismosa, bungangera, mukhang pera ang nakuha nito. Sa tuwing hindi niya kasi ito naaabutan ng pera ay lagi siya nitong sinusugod sa pinagtatrabahuhan niya at ipinapahiya dahilan para matanggal siya sa kompanyang pinapasukan niya kaya naman pag-uwi niya ay sinagot-sagot niya ito. Pero, imbes na siya ang kampihan ng ama niya ay tinulungan pa nito ang madrasta niya na palayasin siya sa sarili nilang bahay. At para wala na lang gulo ay napilitan na lamang siyang umalis kahit pa nga hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa gitna ng kawalan ay makikilala niya si Macarius Villaverde. Ang lalaking guwapo at macho ngunit mapurol ang utak. At kagaya niya ay mahirap din ito ngunit may sariling bahay. Patitirahin daw siya nito ng libre sa bahay nito pero may kapalit. Kailangan niya lang daw itong tulungan na mapalayas ang mga kapatid nito sa labas na siyang nakatira na ngayon sa bahay na minana pa nito mula sa ina nito kaya naman labis-labis ang awa na nararamdaman niya para sa lalaki. Paano kung isang araw hindi na pala awa ang nararamdaman niya kung hindi pagmamahal na? Maintindihan kaya ni Macarius ang salitang pagmamahal gayong wala itong alam sa lahat ng bagay?
Unfold
Kanina pa tulog si Macarius pero siya ay dilat na dilat pa rin. Hindi kasi siya makatulog kaya naman tinititigan na lang niya ito habang nakadapa siya.
Noon hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito sa kaniya kahit pa sinusungitan niya ito paminsan-minsan.
She loved her husband so much. Ito ang nagi……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……