30.02K
VISITORS
2.494K

ABOUT ME

Strive further, achieve greater. Always give your best whatever it takes and you will get amazing results sooner or later. Laban lang palagi.❤️❤️❤️????

ABOUT ME

Strive further, achieve greater. Always give your best whatever it takes and you will get amazing results sooner or later. Laban lang palagi.❤️❤️❤️????
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY alfiellore

My Fiance's Father Is My Babies Daddy (SSPG)

My Fiance's Father Is My Babies Daddy (SSPG)

Reads

Sa mata ng kaniyang pamilya, isa siyang malas at gatasan lang. Sa mata ni Haider na kaniyang kasintahan ay isa siyang kayamanan. Pero sa mata ng ama ng kaniyang fiance—isa siyang tukso na hindi kayang layuan. Nang ipakilala si Izari Dawn sa ama ni Haider, alam niyang ayaw nito sa kaniya. Pero, bakit tuwing nanganganib ang buhay niya, ito ang laging nagliligtas sa kaniya at hindi ang lalaking nakatakda niyang pakasalan?Habang naguguluhan ang kaniyang puso sa pagitan ng mag-ama, isang lihim ang mabubunyag na wawasak sa buo niyang pagkatao. Maling mahulog sa ama ng kasintahan mo... pero mas mali palang malaman ang dahilan kung bakit siya naroon sa buhay mo.

Updated at

Read Preview
The Demon's Desire (SPG)

The Demon's Desire (SPG)

Reads

Mahal na mahal ni Maria Raizel ang lolo niya dahil ito na lang ang natitira niyang kamag-anak.  Ang kaisa-isang tao na nagmamahal at nagtaguyod sa kaniya para mabuhay at makapagtapos ng pag-aaral.  Sa kasamaang palad ay napagbintangan pa ang lolo niya na gumawa ng krimen na alam niyang hindi totoo dahil mabait ang lolo niya.  Sa takot na mawala ang lolo niya ay nagmakaawa siya na gagawin niya ang lahat basta pakawalan lang ang lolo niya dahil matanda na ito at may sakit pa.  Isa pa sa nakadagdag sa takot niya na baka mawala ang lupang sinasaka nila pati na rin ang kinatatayuan ng bahay nila dahil alam niya na makapangyarihan ang lalaking nais ipakulong ang lolo niya.  Paano kung puri niya ang hingiin bilang kapalit para mapawalang sala ang lolo niya?  Handa niya bang ibigay iyon kahit pa nga isang halimaw ang gustong umangkin sa kaniya?  Mapanindigan kaya ni Maria Raizel na kaya niyang gawin ang lahat kung araw-araw ay katawan niya ang nagiging kapalit?  Stone Heat & Maria Raizel story.

Updated at

Read Preview
The Hot-Tempered Billionaire's Nightmare (SSPG)

The Hot-Tempered Billionaire's Nightmare (SSPG)

Reads

Si Cornelius ang tipo ng tao na mainitin ang ulo, walang pasensiya, walang awa, walang pakialam at walang second chance. Subalit, may isang babae na darating siya buhay niya na susubukin ang paninindigan niya sa buhay. Ang babaeng kaiinisan niya sa buong buhay niya pero gustong-gusto ng lolo niya para sa kaniya. Isang probinsyana na akala mo sobrang bait pero kapag nakatalikod naman ang Lolo Delfin niya ay kulang na lang ibaon siya ng buhay. Sa tuwing gumagawa siya ng hakbang para paalisin ang dalaga ay hindi siya nagtatagumpay dahil para itong ipinaglihi sa lion. Lahat kasi ng inuutusan niyang tao na bigyan ito ng leksiyon ay laging sa ospital ang bagsak kaya naman naisipan niya na siya na mismo ang gumawa ng hakbang para mapaalis ito sa bahay at buhay nila sa lalong madaling panahon.Ngunit, paano kung sa gitna ng kaniyang misyon ay matuklasan niya ang totoong ugali ng dalaga? Paano kung sa kabila ng pagiging mabangis nito ay nagtatago ang busilak nitong puso? Itutuloy pa ba niya ang kaniyang nais o mababaliktad ang lahat ng kaniyang plano?

Updated at

Read Preview
Owned By My Ruthless, Daddy Ninong (SSPG)

Owned By My Ruthless, Daddy Ninong (SSPG)

Reads

Si Lord Vinzhel Canaveral, ang ninong ko na tinatawag ko rin na daddy dahil para ko na siyang ama. Siya ang pinakamatalik na kaibigan ng daddy ko, ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ng aking pamilya sa lahat ng bagay. Ini-spoiled ako ni Daddy Ninong sa lahat ng bagay na magustuhan ko. Ibinibigay niya agad ang anumang naisin ko kahit pa nga mamahalin iyon, kung kaya naman ay mahal na mahal ko siya. Subalit, nagbago ang lahat simula nang mawala ang mga magulang ko.Naging mahigpit siya sa akin at sa bawat pagkakamali ko ay pinarurusahan niya ako. Hindi simpleng parusa lamang, dahil katawan ko ang nagiging kabayaran. Ang mga kabutihang ipinapakita niya sa’kin noong nabubuhay pa ang mga magulang ko ay tila pagkukunwari lamang... dahil ang dating mabait at maalaga kong Ninong ay isa palang malupit at mapanganib na nilalang.

Updated at

Read Preview
Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)

Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)

Reads

Isa si Venezia sa mga babaeng pinagpala sa lahat ng bagay dahil maganda siya, sexy, matalino, at saka mayaman pa.  Halos wala siyang kapintasan kaya naman marami siyang manliligaw at halos lahat ng mga manliligaw niya ay puro galing sa mayayamang pamilya. Sa dinami-rami ng mga manliligaw niya ay wala man lang siyang nagustuhan kahit isa dahil ang katuwiran niya ay hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon dahil bata pa siya.  Subalit, mag-iiba ang lahat ng pinaninindigan niya sa buhay ng makilala niya si Quinnell Anderson ng minsan na magbakasyon siya sa poder ng tiyuhin niya sa probinsya.  Si Quinnell ay matalik na kaibigan ng tiyuhin niya at unang tingin niya pa lang sa lalaki ay nahulog na agad ang loob niya sa hindi niya malamang dahilan.  Halos lahat ng magagandang katangian ay taglay na ni Quinnell dahil matangkad ito, guwapo, kayumanggi, matipuno, matangos ang ilong at perfect din ang jawline nito.  Ang problema, ayaw ng lalaki sa kaniya dahil nga malayo ang agwat ng edad nila sa isa't isa. At dahil matindi ang pagkakagusto ni Venezia kay Quinnell ay hindi niya titigilan ang lalaki hanggang sa hindi niya ito nakukuha. Magtagumpay kaya si Venezia na makuha ang puso ni Quinnell o babalik siya sa Maynila na durog-durog ang puso niya lalo pa't naibigay na niya sa lalaki ang kaniyang puri?

Updated at

Read Preview
Impregnated By My Father's Step-Brother (SPG)

Impregnated By My Father's Step-Brother (SPG)

Reads

Lumaki si Kaycee na walang natatanggap na pagmamahal mula sa kaniyang pamilya. Alipin lamang ang tingin sa kaniya ng dalawa niyang kapatid at malas naman sa paningin ng kaniyang mga magulang. Araw-araw ay tinatanong niya ang kaniyang sarili kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kaniya ng sarili niyang pamilya pero wala siyang makuhang sagot. Minsan iniisip niya na baka hindi niya totoong kamag-anak ang mga kasama niya sa bahay lalo pa't iba ang kaniyang hitsura kumpara sa mga ito. Pero, wala naman siyang ebidensya na magpapatunay na hindi niya nga kamag-anak ang mga taong nakakasama niya araw-araw. Isang araw ay nagulantang siya sa sinabi sa kaniyang ama.  Hindi na raw muna siya mag-aaral ng kolehiyo dahil wala na raw silang pera. Ang dalawa raw kasi niyang kapatid ay hindi pa tapos sa pag-aaral. Kung gusto niya raw mag-aral ay kailangan niyang magtrabaho at patapusin muna ang mga kapatid niya na labis niyang ipinagtaka. Hindi pa man siya pumapayag ay bigla na lang siyang kinaladkad ng kaniyang ama papunta sa lalaking sinasabi nito na tiyuhin niya raw. Mayaman daw ang lalaki kaya malaki ang magiging suweldo niya bilang kasambahay. Maayos ang naging buhay niya sa piling ni Hadley na kapatid ng kanyang ama pero kalaunan ay biglang mag-iiba ang ugali ng lalaki. Gusto kasi nito na lagi lang siyang nasa tabi nito at ang malala pa ay gusto na nitong magkaanak at siya ang gusto nitong punlaan. Hindi niya tuloy alam kung tatakasan niya ba ito o tatanggapin na lang ang kapalaran niya tutal wala rin naman siyang mapupuntahan pa dahil hindi naman siya mahal ng sarili niyang pamilya.

Updated at

Read Preview
My Mother's Ex-Boyfriend (SPG)

My Mother's Ex-Boyfriend (SPG)

Reads

#TagalogWritingContest #LoveGamewiththeHotBillionaire-Multi Profession Billionaire Sa loob ng maraming taon ay tiniis at inunawa ni Anastasia ang mga pinaggagawa ng mga magulang niya. Ang nanay niya kasi ay hindi makausad mula sa nakaraan dahil hindi naman daw nito minahal ang ama niya. Ang ama naman niya ay walang ibang ginawa kun'di uminom ng alak at mambabae imbes na tulungan ang ina niya para makalimutan ang nakaraan. Nagsama lang daw ang dalawa dahil nabuntis ito sa kaniya kaya pakiramdam niya ay siya ang puno't dulo kung bakit wala siyang masayang pamilya. Sa sobrang sama ng loob ay naisipan niyang lumayo sa mga magulang niya para magkaroon siya ng peace of mind. Hindi na kasi talaga niya kinakaya ang sitwasyon sa bahay nila kaya naman sumama siya sa kaibigan niya na umuwi sa probinsya nito para makalayo. Paano kung sa pagsama niya sa kaibigan niya ay matagpuan niya ang lalaking hindi makalimutan ng kaniyang ina? Sasabihin niya ba sa ina niya na natagpuan niya na ang taong hindi nito makalimutan gayong baliw na baliw na siya sa yakap at haplos nito?

Updated at

Read Preview
His Brainless Maid Is An Assassin

His Brainless Maid Is An Assassin

Reads

Isa si Jordan sa mga lalaking ayaw magkaroon ng kasambahay dahil iniisip nito na baka spy ang makuha niya na maaaring sumira sa kaniya, sa pamilya niya o ‘di kaya'y sa mga kaibigan niya.  Isa lang talaga ang pinagkakatiwalaan nito at ‘yon ay walang iba kun'di si Aling Tasing. Ang Yaya niya na nagpalaki sa kaniya na araw-araw nagrereklamo dahil hindi na nito kinakaya ang mga trabaho sa loob ng bahay niya lalo pa't kuba na ito dahil sa katandaan.  Isang araw, umalis ito para mamalengke pero pagbalik nito ay may kasama na itong babae na marumi, 'di maipinta ang mukha at puro pa sugat ang katawan.  Nang tanungin niya si Aling Tasing kung saan nito napulot ang babae ay hindi siya nito sumagot bagkus ay tinarayan pa siya nito at pinapili.  Kapag hindi niya raw tinanggap ang babaeng kasama nito dito sa bahay niya ay lalayasan daw siya nang matanda para maranasan niya raw kung ano ang nararanasan nito.   Dahil doon ay pikit-mata niyang tinanggap ang babaeng kasama nito na nagngangalang Petra Paraiso. Ang babaeng magbibigay sa kaniya ng walang hanggang problema pero hindi niya mapaalis-alis dahil kay Aling Tasing.  Paano kung sa kabila ng paghahanap niya ng dahilan para mapalayas ito ay matuklasan niya ang lihim ni Petra?  Palalayasin niya pa kaya ito o poprotektahan ito mula sa mga taong nais itong burahin sa mundo?

Updated at

Read Preview
His Pervert Driver

His Pervert Driver

Reads

"I don't like the way you smile, the way you dress, the way you talked, the way you walked, Angela. In short, I don't like you and I hate everything about you." -Carl Allen Aragon Simula nang maging personal driver si Angela ni Allen ay lagi na lang mainit ang ulo ng lalaki sa kaniya. Pero imbes na patulan ang lalaki ay lagi niyang ipinapakita na hinding-hindi siya maaapektuhan sa pagsusungit nito. Kahit kasi galit na galit na ito ay ngumingiti pa rin siya at ipinagmamaneho ito ng buong puso at buong pag-iingat dahilan para unti-unting mahulog ang loob ng binata kay Angela. Pero, paano kung kailan naman naging maayos ang pakikitungo sa kaniya ni Allen saka naman nito natuklasan ang itinatago niyang sikreto? Muli bang masasaktan si Allen sa pangalawang pagkakataon o may happy ending na siya kay Angela? -Carl Allen Aragon & Angela Sophia Mondragon love story-

Updated at

Read Preview
Intention

Intention

Reads

Si Callynn na yata ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Paano ba naman kasi, wala pa ngang isang taon simula nang mamatay ang ina niya ay nag-asawa kaagad ang ama niya. Ang masaklap pa ay isang chismosa, bungangera, mukhang pera ang nakuha nito. Sa tuwing hindi niya kasi ito naaabutan ng pera ay lagi siya nitong sinusugod sa pinagtatrabahuhan niya at ipinapahiya dahilan para matanggal siya sa kompanyang pinapasukan niya kaya naman pag-uwi niya ay sinagot-sagot niya ito. Pero, imbes na siya ang kampihan ng ama niya ay tinulungan pa nito ang madrasta niya na palayasin siya sa sarili nilang bahay. At para wala na lang gulo ay napilitan na lamang siyang umalis kahit pa nga hindi niya alam kung saan siya pupunta. Sa gitna ng kawalan ay makikilala niya si Macarius Villaverde. Ang lalaking guwapo at macho ngunit mapurol ang utak. At kagaya niya ay mahirap din ito ngunit may sariling bahay. Patitirahin daw siya nito ng libre sa bahay nito pero may kapalit. Kailangan niya lang daw itong tulungan na mapalayas ang mga kapatid nito sa labas na siyang nakatira na ngayon sa bahay na minana pa nito mula sa ina nito kaya naman labis-labis ang awa na nararamdaman niya para sa lalaki. Paano kung isang araw hindi na pala awa ang nararamdaman niya kung hindi pagmamahal na? Maintindihan kaya ni Macarius ang salitang pagmamahal gayong wala itong alam sa lahat ng bagay?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.