Owning My Uncle's Bestfriend (SPG)
READING AGE 18+
Isa si Venezia sa mga babaeng pinagpala sa lahat ng bagay dahil maganda siya, sexy, matalino, at saka mayaman pa.
Halos wala siyang kapintasan kaya naman marami siyang manliligaw at halos lahat ng mga manliligaw niya ay puro galing sa mayayamang pamilya.
Sa dinami-rami ng mga manliligaw niya ay wala man lang siyang nagustuhan kahit isa dahil ang katuwiran niya ay hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon dahil bata pa siya.
Subalit, mag-iiba ang lahat ng pinaninindigan niya sa buhay ng makilala niya si Quinnell Anderson ng minsan na magbakasyon siya sa poder ng tiyuhin niya sa probinsya.
Si Quinnell ay matalik na kaibigan ng tiyuhin niya at unang tingin niya pa lang sa lalaki ay nahulog na agad ang loob niya sa hindi niya malamang dahilan.
Halos lahat ng magagandang katangian ay taglay na ni Quinnell dahil matangkad ito, guwapo, kayumanggi, matipuno, matangos ang ilong at perfect din ang jawline nito.
Ang problema, ayaw ng lalaki sa kaniya dahil nga malayo ang agwat ng edad nila sa isa't isa. At dahil matindi ang pagkakagusto ni Venezia kay Quinnell ay hindi niya titigilan ang lalaki hanggang sa hindi niya ito nakukuha. Magtagumpay kaya si Venezia na makuha ang puso ni Quinnell o babalik siya sa Maynila na durog-durog ang puso niya lalo pa't naibigay na niya sa lalaki ang kaniyang puri?
Unfold
“Venice, may kontak ka ba kay Quinn?” tanong ko sa kapatid ko dahil araw-araw na lang ay may nagpapadala ng pagkain sa akin. Nanghihinayang kasi ako dahil hindi ko naman nauubos lahat.
“Bakit, Ate?”
“Tawagan mo nga siya. Sabihin mo sa kaniya tumigil na sa kapapadala sa akin ng pagkain dahil nasasayang lang naman.”
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……