STARTED WITH A FORCED MARRIAGE (Bario Girls Series 2)
Share:

STARTED WITH A FORCED MARRIAGE (Bario Girls Series 2)

READING AGE 18+

GIRLONFIRE28 Romance

0 read

Started With A Forced Marriage (Bario Girls Series 2) From our first Collab by my co-authors: Andriegabriel, Miss Flame, Selestika Dreame, Threyang, Mybabieslove and Miss Drey_dreame
BLURB:
"Tandaan mo na ang singsing na ito ang magiging simbolo na hinding-hindi ka magiging masaya sa piling ko."
Sumikip ang dibdib ni Ella pagkarinig sa mga salitang binitawan ni Vincent habang isinusuot ang singsing. Hindi iyon pangako ng walang hanggang pag-ibig kundi isang sumpa.
"But it is for temporary. Dahil hindi ka magiging Del Franco habang-buhay."
"Good. Dahil hindi ko rin gustong maging Del Franco habang-buhay."
__________
Dahil sa mana mula sa kaniyang abuelo, napilitang pakasalan ni Vincent si Ella Marquez. Ang tagapag-alaga ng kaniyang abuelo na tubong Baryo Dimagiba sa probinsya ng Quezon. Ang akala ni Vincent ay may kinalaman si Ella sa desisyon ng kaniyang abuelo dahil ang mga ito ang palaging magkasama. Kaya sinigurado niyang mula sa araw ng pagiging mag-asawa nila ay hindi niya bibigyan ng pagkakataon na maging masaya ang asawa.
Pinahirapan niya si Ella. Ikinulong sa bahay niya.
Ngunit nang makatakas ito, bigla siyang nataranta. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang sundan ang asawa gayong alam naman niya sa sarili na wala siyang nararamdaman para rito kundi galit at disgusto.
Hanggang isang araw, na-realize ni Vincent na unti-unti na siyang nahuhulog sa asawa. Ang tanong, handa nga ba siyang sumugal muli kung hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala niya ang matinding trauma mula sa dating pag-ibig? Pag-ibig na kaniyang tinayaan at sinugalan ngunit sa huli, masakit na kabiguan ang kaniyang nakamtan dahil sa isang ganid na minamahal.
Susubukan nga ba niyang muling sumugal o pakakawalan na lang ang panibagong pag-ibig na walang katiyakan? Lalo pa't ilang beses niyang narinig na sinambit ng asawa ang pangalan ng ibang lalaki....
Paano niya lalaban ang sigaw ng sariling damdamin para sa asawa kung sa tuwing susubukan niyang umiwas ay tila may mahikang humihila sa kaniya para angkinin ito?

Unfold

Tags: HEforcedlightheartedsmall townassistant
Latest Updated
Chapter 83

VINCENT POV

NAGISING AKO dahil sa kiliting naramdaman ko mula sa kung anong bagay na gumagapang sa mukha ko patungo sa leeg. Hindi ko ipagkakaila na bukod sa kiliti ay naghatid din iyon ng kakaibang init na lalong nagpagising sa natutulog kong diwa. Pagmulat ng mga mata ko, awtomatikong gumihit ang ngiti sa aking mga labi na……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.