130.44K
VISITORS
11.75K

ABOUT ME

Hello! My name is Leila, also known as GirlonFire28. Welcome to my world! I love romance novels! MONTANA BROTHERS SERIES 1. DRAKE ADAM AND ZERRA ( LOVING YOU IS HARD) COMPLETED 2. DAVID ANTHONY AND ALEXA ( THE COLDEST HEART) COMPLETED 3. DAVE ARISTON AND ARRIANE ( CHASING A WOMAN) COMPLETED MARRYING THE PLAYBOY ( DEREK And ANNIKA'S STORY Soon EL GRECO SERIES 1. BOOK 1 : GIAN MARCO AND JELAINE ( WITH YOU AROUND) COMPLETED BOOK 2: ONE NIGHT MISTAKE ( MATTHEW AND LALA ) ON GOING 2. BOOK 1 : NATHANIEL AND JHAUZTINE ( THE UNEXPECTED WEDDING) COMPLETED 3. IVAN LEE AND TRISHA ( THE HOT SECRET AGENT) ON GOING 4. GAVRIENE MICHELLE AND AGENT RALPH (The Billionaire's Secret Wife) SOON (MONTANA SPIN-OFF) HEARTBEAT SERIES : ALLISON and MIKE ( MY ONLY HEARTBEAT) Soon ALESSA and JOSH ( ABSCOND FROM MY CRUEL EX) Soon GEILA and XANDER Soon STAND ALONE STORIES 1. BAKIT IKAW PA RIN? (COMPLETED GOodNovel) 2. ENTRAPPED TO BE HIS WIFE ( COMPLETED) THE BILLIONAIRE'S SECRET WIFE (Soon)

ABOUT ME

Hello! My name is Leila, also known as GirlonFire28. Welcome to my world! I love romance novels! MONTANA BROTHERS SERIES 1. DRAKE ADAM AND ZERRA ( LOVING YOU IS HARD) COMPLETED 2. DAVID ANTHONY AND ALEXA ( THE COLDEST HEART) COMPLETED 3. DAVE ARISTON AND ARRIANE ( CHASING A WOMAN) COMPLETED MARRYING THE PLAYBOY ( DEREK And ANNIKA'S STORY Soon EL GRECO SERIES 1. BOOK 1 : GIAN MARCO AND JELAINE ( WITH YOU AROUND) COMPLETED BOOK 2: ONE NIGHT MISTAKE ( MATTHEW AND LALA ) ON GOING 2. BOOK 1 : NATHANIEL AND JHAUZTINE ( THE UNEXPECTED WEDDING) COMPLETED 3. IVAN LEE AND TRISHA ( THE HOT SECRET AGENT) ON GOING 4. GAVRIENE MICHELLE AND AGENT RALPH (The Billionaire's Secret Wife) SOON (MONTANA SPIN-OFF) HEARTBEAT SERIES : ALLISON and MIKE ( MY ONLY HEARTBEAT) Soon ALESSA and JOSH ( ABSCOND FROM MY CRUEL EX) Soon GEILA and XANDER Soon STAND ALONE STORIES 1. BAKIT IKAW PA RIN? (COMPLETED GOodNovel) 2. ENTRAPPED TO BE HIS WIFE ( COMPLETED) THE BILLIONAIRE'S SECRET WIFE (Soon)
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY GIRLONFIRE28

STARTED WITH A FORCED MARRIAGE (Bario Girls Series 2)

STARTED WITH A FORCED MARRIAGE (Bario Girls Series 2)

Reads

Started With A Forced Marriage (Bario Girls Series 2) From our first Collab by my co-authors: Andriegabriel, Miss Flame, Selestika Dreame, Threyang, Mybabieslove and Miss Drey_dreame BLURB: "Tandaan mo na ang singsing na ito ang magiging simbolo na hinding-hindi ka magiging masaya sa piling ko." Sumikip ang dibdib ni Ella pagkarinig sa mga salitang binitawan ni Vincent habang isinusuot ang singsing. Hindi iyon pangako ng walang hanggang pag-ibig kundi isang sumpa. "But it is for temporary. Dahil hindi ka magiging Del Franco habang-buhay." "Good. Dahil hindi ko rin gustong maging Del Franco habang-buhay." __________ Dahil sa mana mula sa kaniyang abuelo, napilitang pakasalan ni Vincent si Ella Marquez. Ang tagapag-alaga ng kaniyang abuelo na tubong Baryo Dimagiba sa probinsya ng Quezon. Ang akala ni Vincent ay may kinalaman si Ella sa desisyon ng kaniyang abuelo dahil ang mga ito ang palaging magkasama. Kaya sinigurado niyang mula sa araw ng pagiging mag-asawa nila ay hindi niya bibigyan ng pagkakataon na maging masaya ang asawa. Pinahirapan niya si Ella. Ikinulong sa bahay niya. Ngunit nang makatakas ito, bigla siyang nataranta. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang sundan ang asawa gayong alam naman niya sa sarili na wala siyang nararamdaman para rito kundi galit at disgusto. Hanggang isang araw, na-realize ni Vincent na unti-unti na siyang nahuhulog sa asawa. Ang tanong, handa nga ba siyang sumugal muli kung hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala niya ang matinding trauma mula sa dating pag-ibig? Pag-ibig na kaniyang tinayaan at sinugalan ngunit sa huli, masakit na kabiguan ang kaniyang nakamtan dahil sa isang ganid na minamahal. Susubukan nga ba niyang muling sumugal o pakakawalan na lang ang panibagong pag-ibig na walang katiyakan? Lalo pa't ilang beses niyang narinig na sinambit ng asawa ang pangalan ng ibang lalaki.... Paano niya lalaban ang sigaw ng sariling damdamin para sa asawa kung sa tuwing susubukan niyang umiwas ay tila may mahikang humihila sa kaniya para angkinin ito?

Updated at

Read Preview
With You Around TAGALOG /R-18

With You Around TAGALOG /R-18

Reads

EL GRECO SERIES 1 MATURED CONTENT ANG KUWENTO PO NI LALA AT MATT AY DITO RIN MABABASA! BOOK 1: GIAN MARCO and JELAINE BOOK 2: MATTHEW and LALA SI LALA ay isang masayahin at positibong dalaga ngunit babaguhin ng isang gabing pagkalimot sa piling ng lalaking lihim na laman ng puso niya. GIAN MARCO and JELAINE Story! Si Jelaine ay naglakas-loob na pumunta sa Batangas upang makipag-sapalaran sa buhay. Tubong Quezon, Province ang dalaga. Natanggap siya bilang isang staff sa hotel and resort sa Batangas. Masaya siya sa trabaho niya dahil araw-araw siyang nakakakita ng mga mayayamang tao. At nag gaguwapuhang guest ng hotel. Pangarap niyang makapag asawa ng isang mayamang lalaki, kaya naman kapag kagaya niyang poor, basted agad. Pero nakilala niya si Gian, isang tubero at electrician ng hotel na pinag tatrabuhan niya. Guwapo ito, madaldal, matangkad, naghuhumiyaw ang sex appeal, pero poor gaya niya, kaya naman talagang ginawa niya ang lahat para kalimutan ang umuusbong na pag-ibig para sa binata. Pero sa huli nanaig ang pagmamahal na mayro'n siya sa binata. Handa na siyang magdildil nang asin sa piling nito ngunit saka naman sumampal sa mukha niya ang isang katotohanan na dudurog sa buong pagkatao niya. Ang lalaki pa lang minahal niya ay isang huwad. Huwad ang pagkatao nito. Ni wala yatang totoo sa lahat ng ipinakita nito. May pag-asa nga bang bumaba ang langit sa lupa? O kaya pa nga bang magtiwala ng pusong nilinlang sa una pa lang?

Updated at

Read Preview
MARRYING THE PLAYBOY (Derek and Annika's Story)

MARRYING THE PLAYBOY (Derek and Annika's Story)

Reads

⚠️Mature Content!⚠️ Genre: Comedy/Drama/R18 Parents of Montana Brothers Series! Blurb Derek Aristotle Montana is a natural flirt, a happy-go-lucky guy, playboy, and he can't say no sa mga babaeng humaharot sa kaniya. Bully rin siya at ang kaniyang kinakapatid na si Annika ang favorite niyang i-bully. Ngunit nagkahiwalay sila ng landas nang ipatapon siya ng mga magulang sa ibang bansa dahil sa kalokohang kinasangkutan niya. Pagkalipas ng walong taon ay bumalik siya ng Pilipinas, at muling nagkrus ang landas nila ng favorite niyang si Annika. Ngunit nabaliktad na, ito na ang bully at siya ang biktima. Naging aso't pusa na naman sila, ngunit natigil iyon nang dumating ang isang pangyayari na magpapabago sa relasyon na mayro'n sila. Pinakasalan niya si Annika sa kagustuhan ng kanilang mga pamilya. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang dalawang taong pinagsama at pinagbuklod dahil sa isang gabing ligaya? O ang kasal na iyon ang magiging pasakit sa kanilang dalawa? Abangan ang kuwento ng pag-ibig ng isang lalaking pilyo at ng isang babaeng maldita.

Updated at

Read Preview
The Hot Secret Agent R-18

The Hot Secret Agent R-18

Reads

Mature Content! Genre : Action /Romance Ivan Lee El Greco and Trisha Smith story ISANG matikas, magaling at guwapong agent na si Ivan Lee El Greco ay ma-i-in love sa isang babaeng dancer sa club. Natutong magmahal sa isang babaeng sa tingin ng marami ay mababa ang lipad. Umibig, naging masaya, at walang pag-aalinlangang tinanggap ang babaeng nagpapasaya sa kaniya. Si Shana Mercado. Tawanan man siya ng iba, hindi na iyon mahalaga basta't masaya siya sa babaeng napili niyang mahalin. Ngunit gaano man kadakila ang pagmamahal niyo sa isa't isa, kapag ang tadhana na ang kumilos ay wala ka nang magagawa kun'di ang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa. Tila buhay na patay si Ivan Lee nang makasama sa isang trahedya ang babaeng pinakamamahal niya. Unti-unti na niyang natatanggap na tatanda na siyang mag-isa ngunit isang araw, niyanig ng tila lindol ang buong pagkatao niya nang makitang nasa harapan niya ang babaeng ipinagluksa niya. Buhay, masaya, malakas, at humihinga. Paano tatanggapin ni Ivan ang isang nakakagulat na katotohanan, na ang babae palang kaniyang minahal ay hindi isang ordinaryong babae lamang. Isa rin pala itong alagad ng batas na kayang kumitil ng buhay para sa kaligtasan ng mga inosenteng mamamayan. Maniniwala nga ba ang puso niya na ang babaeng nasa harapan niya ngayon at ang babaeng dancer ng Club na minahal niya ay iisa? Magagawa nga bang mapaibig muli ni Ivan ang babaeng kagaya ni Trisha Smith na walang inuurungang laban? Kasingbilis at kasingsidhi rin ba ng putok ng baril ang mangyayari sa kanila sa kama?

Updated at

Read Preview
SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER'S BEST FRIEND (BEST FRIEND SERIES 1)

SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER'S BEST FRIEND (BEST FRIEND SERIES 1)

Reads

Mahal na mahal ni Sheena ang best friend ng kaniyang kapatid na si Lance De Asis. Nasa high school pa lang siya ay lihim na niyang tinatangi ang binata at hanggang sa magdalaga na siya. Maraming pagkakataon na gusto na niyang aminin ang totoo ngunit palagi siyang naduduwag. Hanggang isang gabi, nangyari ang isang pangyayari na magpapabago sa kanilang relasyon bilang magkaibigan. At malalaman na may katugunan pala ang kaniyang pagmamahal kay Lance. Sumugal sila sa isa't isa at sumumpa na magsasama hanggang sa pagtanda nila. Ngunit paano kung ang masayang pagsasama ay subukin ng tadhana? Mapaninindigan nga ba nila ang hanggang wakas na pagmamahal sa isa't isa o pipiliin na lang na bumitaw sa relasyong punong-puno ng pagdududa?

Updated at

Read Preview
ENTRAPPED TO BE HIS WIFE

ENTRAPPED TO BE HIS WIFE

Reads

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?

Updated at

Read Preview
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Reads

Zeus and Amber Story! Natatandaan n'yo po ba ang best friend ni David Anthony Montana na nadapa sa airport? Ito po ang kuwento ng buhay pag-ibig niya! Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?

Updated at

Read Preview
The Unexpected Wedding R-18 TAGALOG

The Unexpected Wedding R-18 TAGALOG

Reads

*Mature content * Si Jhauztine ay nagtatrabaho bilang isang veterinarian sa DENR. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa mga hayop, at dala-dala niya iyon hanggang sa pagdadalaga niya. Maihahalintulad niya ang kaniyang buhay sa isang ibon. Ibong malayang lumipad sa mga kabundukan. Ngunit isang araw ay matutuldukan ang pagiging malaya niya dahil nakatakda na pala siyang ikasal. Ikasal sa fiance ng kaniyang kapatid na umalis bago ang nakatakda nitong kasal. Paano niya haharapin at tatanggapin ang isang bagong buhay sa piling ng lalaking kahit minsan ay hindi pa niya nakikita? Paano niya tatanggapin ang kaniyang kapalaran? Papayag nga kaya siyang magpakasal sa taong nakatakda ng ikasal sa kapatid niya? Si Nathaniel El Greco ay panganay sa dalawang magkapatid. Nakatakda na siyang ikasal sa isang babae mula noong nasa college pa lamang siya. Arrange Marriage iyon ang mangyayari sa kaniya, kaya hindi niya magawang makipagrelasyon ng seryosohan sa iba. Ngunit paano kung sa araw ng kasal niya ay hindi pala ang fiance niya ang kaniyang pakakasalan? Paano kung ang kapatid pala nitong panganay na hindi pa niya nakikita kailanman? Maaari nga kayang mabuklod ang dalawang taong hindi kilala ang isa't-isa ngunit mag-asawa na sa Ngalan ng Diyos? May pag-asa nga bang magkaroon ng magandang kahihinatnan? O sa hiwalayan din ang pagtatapusan?

Updated at

Read Preview
TIRED OF LOVING YOU

TIRED OF LOVING YOU

Reads

MONTANA BROTHERS SERIES SPIN-OFF 1 JOSH BROWN and ALESSA MONTANA 📌 TIRED OF LOVING YOU 📌MATURED CONTENT 📌 ROMANCE/R-18/DRAMA Allesa Montana - isang sikat na modelo, maganda at hinahangaan ng marami dahil sa taglay na kabaitan sa kabila ng mataas na antas ng pamumuhay. Sa kabila ng kaliwa't kanang paghangang nakukuha sa mga kalalakihan, lingid sa kaalaman ng marami ay kabilang siya sa samahan ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) dahil gusto niyang ang unang nobyo ang siya ring maging huli. Kaya nang makilala niya si Josh at ma-in love siya rito ay nangako siya sa sariling si Josh ang una at magiging huli. Ngunit paano kung ang pag-ibig na akala niya'y panghabang-buhay ay panandalian lamang pala? Mapaninindigan nga ba ni Alessa na si Josh na ang una at huli kung sa isang pagkakamali niya ay napalitan ng galit at pagkamuhi ang dating pag-ibig nito sa kaniya? Hanggang kailan kaya niya pagbabayaran ang pagkakamaling hindi niya sinasadya? At hanggang kailan at saan ang gagawing pananakit ni Josh sa damdamin niya? Hanggang sa maging pantay na nga ba ang kaniyang mga paa?

Updated at

Read Preview
LOVING YOU IS HARD (Drake and Zerra Story)

LOVING YOU IS HARD (Drake and Zerra Story)

Reads

⚠️MATURE CONTENT/R-18⚠️ Montana Brothers : 1. Drake Adam and Zerra Nicole (Loving you is Hard) COMPLETED 2. David Anthony and Alexa ( The Coldest Heart ) Completed. 3. Dave Ariston and Arriane ( Chasing A Woman ) COMPLETED LOVE STORY OF DRAKE ADAM MONTANA AND ZERRA NICOLE SAROZA!! Zerra Nicole was never shy about showing her feelings to anyone she adore. Kaya naman nang makilala niya si Drake Adam Montana, na anak ng Boss niya, ay talagang tinudo niya ang kakulitan, at kapal ng mukha para lang magpa-cute sa binata. Tatlong taon niyang ginawa iyon. Umabot pa sa puntong niligawan niya ito. Subalit sadyang wala yatang pag-asa na magkaroon ng katuparan ang nag-iisang pangarap niya na mapa-ibig ang masungit at mailap na si Drake. Handa pa nga ba siyang maghintay ng panibagong tatlong taon para sa pag-ibig na minimithi o bibitaw na siya? Kakayanin pa nga ba ng puso niya na umasa sa wala o tama na? ", Gusto kong hilingin sa'yo ng araw na iyon na baka puwedeng ako muna ang piliin mo kasi hindi naman na ako magtatagal eh, pero nang makita ko kung gaano kayo kabagay sa isa't-isa nagbago ang isip ko..." ,, Zerra to Drake,,,

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.