THE REAL PRINCESS OF FAIRYLANDREA IS BACK
Share:

THE REAL PRINCESS OF FAIRYLANDREA IS BACK

READING AGE 18+

Jamillah Elisa Fantasy

0 read

FAIRYLANDREA ay isang lugar kung saan ang bawat nakatira ay puno ng pagmamahalan, masaya silang namumuhay at walang iniisip kundi poro kabutihan lang ng bawat isa, may respito sa kapwa at hindi nila alam o hindi sila nakakaramdam ng negatibong emosyon sa sarili maging sa kapwa, walang puwang sa kaharian ng Fairylandrea ang kawalang galang sa mga nakakatanda .
Ang Fairylandrea ay pinamunuan ng isang hari at reyna. Ang hari na si King Oberon ay napa- mabait, maunawain, mapagmahal sa nasasakupan at pantay pantay ang tingin sa bawat isa. At Reyna Taneisha ang reyna ng Fairylandrea na sadyang napakaganda at mabait sa lahat, ang mabuting reyna nasa kanya na ang katangian para sa siya ay hangaanat kinainggitan siya ng ibang reyna sa labas ng kaharian.
Sa Fairylandrea walang mayaman o mahirap .Sagana ang Fairylandrea sa lahat ng mga kelangan nang bawat isa, lahat ng bagay na importante, tulad ng damit, pagkain at inumin. Puwede mo kunin o kainin ang lahat maliban sa pagkain na mahigpit na pinagbabawal ng hari. May isang puno ang hardin ng Fairylandrea na bawal hawakan at pinaka-bawal na kainin. Ang maitim na kulay na bunga ng prutas na ito ay labis na makakapinsala sa taong nakakain nito. Kaya ang punong ito ay nilagyan ng malaki, matibay at malawak na bakod na walang sinuman ang makakakita.
Dahil sa maayos na pamumuno ng hari at reyna sila ay lubos na pinagpapala sa pagkakaroon ng isang babaeng supling na pinangalanan nila itong Princess Sylvie .Sa pagsilang ng prinsisa lahat ay nagbunyi at ang hari iniimbitahan lahat ng mga maharlikang diwata sa karatig kaharian upang masilayan ang bagong silang na prinsisa .
Ang dumating at tumugon sa paanyaya ay ang reyna ng hangin, reyna ng apoy, reyna tubig, reyna ng lupa at iba pa upang magbigay ng kanilang regalo sa mahal na prinsisa.
Unang nagbigay ng kanyang aginaldo, ang reyna ng hangin na si Reyna Athenaia.. Lumapit ito sa prinsisa, "Ikaw prinsisa na bagong silang, Ibibigay ko sa iyong mga kamay ang aking kapangyarihan magbibigay sa iyo ng katiwasayan dalhin nang hangin ang bawat naiisin mo at tangayin nito ang mga masasamang elemento. Ang kapangyarihan ng hangin ang gumagabay sa iyong paglaki ", at itinapat sa daliri ng prinsisa ang mahabang tungkod at ito ay nagliwanag dumadaloy patungo sa mga munting mga kamay ng prinsisa .
Sumunod ang Reyna ng Apoy si Reyna Hestia at lumapit ito sa prinsisa, "Ikaw prinsisa, sa iyong paglaki ay gagabayan ka ng aking kapangyarihan ng apoy, susunugin ang kung sinong nagnais na gawan ka ng masama sa mga darating na panahon ,isang kapangyarihan na lulutas sa lahat laban sa kasakiman at sa pamamagitan nito iligtas ka mula sa galit ,selos at inggit na kanilang ihasik sa iyong pagkatao. " itinapat nito ang tungkod sa daliri ng prinsisa at ito ay nagliwanag lumabas mula dito ang pulang kulay na dumadaloy patungo sa mga kamay ng munting prinsisa Sylvie.
Sumunod naman ang Reyna ng Tubig si Reyna Amphirite ikaw prinsisa ng Fairylandrea ipapana ko sa iyo ang walang hanggang kapangyarihan ng tubig sa pamamagitan nito ikaw liliwanag at sino mang pagtangkaan ang iyong buhay gamitin mo lang ang kapangyarihan ng tubig sa pamamagitan ng paghawak nito at ikaw ay ililigtas. Itinapat ang tungkod sa palad ng prinsisa at nagliwanag ito at dumaloy ang tubig sa kamay ng prinsisa.
Panghuli ay ang Reyna ng lupa ay si Reyna Gaia 'OH ikaw mahal na prinsisa ng Fairylandrea mula ng ikaw ay magkaroon ng isip hanggang sa ikaw ay maging ganap na binibini at ikaw ay maglakbay sa ibat ibang kaharian ikaw gabayan ng aking kapangyarihan na nagmumula sa lupa gamitin mo ito laban sa masama at ipamana ko sa iyo, Oh Kapangyarihan ng lupa gabayan mo ang bagong silang na prinsisa sa pamamagitan mo malalaman ng prinsisa kung ano ang tunay at di tunay. Tinapat ang tungkod sa kaliwang kamay ng prinsisa at ito naglabas ng kulay berding liwanag.
At sa isang iglap may isang dumating na hindi imbitado ang reyna ng mga pulang duwende ito ay galit na galit.. at nagsabi na " dahil ako ay hindi kasali sa mga panauhing ito lubos akong nagagalit at lahat ng binibigay na kapangyarihan ng apat na reyna ay hahadlangan ko. Makukuha lamang ito ng prinsisa sa pagtungtung niya sa ikalabing walong kaarawan niya. Kung aabot pa siya sa ganung edad. Tinaas ang kanyang kapangyarihan at nagliwanag ang buong paligid. Walang nagawa ang apat na reyna dahil naisalin na nila ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Ano ang mangyari sa prinsisa ng Fairylandrea. May magliligtas kaya sa kanya mula sa pulang reyna ng mga dwende. Sino ang prinsipi na nakatakda sa kanya.

Unfold

Tags: darkreincarnation/transmigrationHEmysterylosersuperpower
Latest Updated
Kapitulo Siete

Chapter 07

Gising kayo mga kaibigan, dumating na ang takdang oras ng ating pagbabalik sa kanya kanyang kaharian, ang wika ni Agore na nagmumula sa hilaga

Nagsipaglabasan naman ang pitong mga mandirigma kasama si Ruwel pero ang mag- asawa na si Ranako at Jessy ay nasa kasarapan pa ng kanilang pulot gata

"Inaro hu……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.