987
VISITORS
21

ABOUT ME

I love reading so much that's why I am tried myself to learn to write a good stories.. Hope I can make it and enter to the world of writing! Grazie a tutto amore mio

ABOUT ME

I love reading so much that's why I am tried myself to learn to write a good stories.. Hope I can make it and enter to the world of writing! Grazie a tutto amore mio
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Jamillah Elisa

CAN'T HELP but FALLEN' for YOU (Romance)

CAN'T HELP but FALLEN' for YOU (Romance)

Reads

Taemon Matsumoto na isang half Japanese at half Pinay.Edad bente nueve mayaman matangkad matalino matikas ang pangangatawan at higit sa lahat heartrob at habulinng mga chicks, may sarili ding negosyo at kasama rin sa negosyo ng kanyang mga kaibigan na The GRUTCH isa itong acronym na kinukuha sa kanilang mga initial na pangalan G represent Giovanni Alessandro Allisio R represent Radlicliff Adamson U represent kay Uilliam Kwon Wong T represent naman sa kanya Taemon C represent kay Carmelo Juan Miguel Dela Cuesta H represent naman kay Hans Clyde Montana mayaman siya na maturingan pero may phobia at takot sa salitang PAG-IBIG o LOVE kaya ginawa niya lahat para makaiwas dito. Ang pag-ibig para sa kanya ay hatid lamang ay sakit at komplikado sa buhay niya Ayaw niyang matulad sa mga nakikita niya Ang mama niya ay sobra sobrang pagtitiis sa mga kamay ng kanyang Ama kaya ayaw niyang pasukan ang pag-ibig. Ang kanyang tiyahin ay nababaliw dahil sa pagmamahal sa taong wala naman gusto sa kanya.Takot siyang maranasan lahat nang mga naging hindi magandang dulot ng salitang PAG-IBIG sa pamilya niya. Pero ang lahat ng sinasabi niya ay biglang nawala na parang bola dahil ang batang may lampin at may palasong bitbit ay inasinta ang kanyang matatakutin niyang puso nang magtagpo ang landas nila ni Catherine .Pinagtagpo sila ng tadhana para matuldukan ang takot ni Taemon sa salitang PAG-IBIG at pagpatangay sa agos ng kanilang PAGMAMAHAL sa isa't isa. Mabago kaya ng tuluyan ni Catherine ang takot ni Taemon sa pag-ibig kung ito mismo ay may tinatago din sa sarili. Malalagpasan kaya nila ang mga pagsubok na susubok sa kanilang pag-iibigan lalo na kay Taemon.

Updated at

Read Preview
Taming my Ruthless and Heartless Boss

Taming my Ruthless and Heartless Boss

Reads

Masipag, mapagmahal, may takot sa panginoon matulungin sa pamilya at independent 'yan ang isa sa mga katangian ni Aminah Saraya Sandoval Silva ang nakakatandang kapatid ni Amaya. Sa pisikal naman ay may tangkad siyang 5 feet and 6 inches, sophisticada, maputi, mahinhin, may maamong mukha dahil sa Ama na Japanese siya ay singkit at sexy ang katawan Sa edad na dalawampu't tatlong taong gulang, alam niya ang kanyang gusto sa buhay ang magiging independent at huwag umasa sa yaman ng pamilya. Gusto niya magkaroon ng pera sa sarili niyang sikap May sariling negosyo ang pamilya niya na kung tutuusin hindi niya kailangan lumabas pa sa bakod ng kanilang negosyo, pero dahil sa kanyang prensipyo nagtrabaho sa ibang kompanya at ginamit ang tinapos niyang kursong marketing consultant sa isang Real Estate Dito niya nakilala ang kanyang boss na may sa lahi ata ng kampon ng demonyo. Walang araw na ginawa ang panginoon na hindi siya nabubuwisit dito. Ang boss niya na si Ricky Brynt Aurilleous 35yrs old matangkad, maganda ang pangangatawan maputi pero ang kapintasan ay ruthless at heartless ito pagdating sa mga empleyado. Kapag nakikita niya ito kumukulo talaga ang kanyang hemoglobin dahil sa palagi nerereject ang kanyang proposal para sa gagawin subdivision na siya ang may hawak sa marketing strategy. Paano kaya niya paamuin ang may lahing Lucifer niyang boss ABANGAN

Updated at

Read Preview
I AM YOURS, ALWAYS (SPG)

I AM YOURS, ALWAYS (SPG)

Reads

Siya si Giovanni Alessandro Allisio 29yrs old matangkad, guwapo maputi at mayaman pinanganak sa Pilipinas lumaki sa Italy. Ang Ama niya ay isang Italian business tycoon na nakarating sa Pilipinas dahil sa isang business conference na dinaluhan dito at nakilala ang ina niya na isang elementary school teacher at siya ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan sa Pilipinas siya nagtapos ng elementarya tsaka sila kunuha ng kanyang Ama. Hindi naging madali ang buhay ni Ali sa Italy dahil sinabak na agad siya ng Ama niya sa pagsasanay sa negosyo nito na isang textile corporation na nagsu-supply ng iba't ibang klase ng tela sa buong Italy. Ang kompanya ng Ama ang nangunguna pagdating sa ganitong kalakaran ang Ramitex Textile International Corporation. Pagdating naman sa kanyang pag-aaral binubully din siya ng mga Italian na classmates niya dahil siya daw alien at iba raw siya magsalita umiiyak siya minsan umuuwi siyang may mga pasa pero di niya sinasabi sa mga magulang niya kasi niya dahil sa kanya mag-alala pa ang mga ito kanya .Nag enroll siya sa isang Martial Arts class na ang trainor ay isang Filipino-Japanese naka based sa Milan, Italy. Tuwing weekend ang pasok niya dito .Morning session naman ang kanyang pasok sa school at sa hapon sa office siya tumutulong sa Ama niya. Hanggang natapos siya ng secondary school sa St. Louis School Caviglia. At nagtapos din siya ng kanyang kolihiyo sa University of Milan (Economics, Market and Finance) Pagka- graduate niya ng kolehiyo nagtrabho muna siya sa Ramitex ng ilang taon bago nila naitayo ang kanilang business it's a corporation composed of his 5 Colleagues Lunatic friends "THE GRUTCH FINANCING CORPORATION) GRUTCH is an acronym stands the first letter of their name. (Giovanni, Radlicliff, Uilliam, Taemon, Carmelo and Hans) One unexpected happened he saw this young and adorable, unbreathable, angelic face of Amaya an amazing woman who knows how to fight graciously through his friend cctv . Siya naman si Amaya Fatiya Sandoval Silva simple, matalino, masunuring anak sa kanyang mga magulang. Nasa ikatlong taon ng kolehiyo sa University of New Grand Era sa kursong Business Administration major in Intrepreneurship. May tatlo siyang mga kaibigan Mga bata pa lang sila magka-kaibigan na silang apat at dahil malalapit rin ang kanilang mga magulang, kaya napagkasunduan nilang apat na walang iwanan, Kaya nabuo ang Sisterhood Alpha,dahil sa kanilang apat.. may 10 na members ito at napagkasunduan na s'ya ang pinaka leader, bawat member ay sanay sa martial arts, karate,aikido, taekwondo at nagtuturo rin silla kung paano humawak at gumamit ng baril at iba pa,Silang apat ang Founder at silang apat rin ang trainer sa mga gusto sumali sa kanilang sisterhood.Yan po ang ating dalawang main character Giovanni Alessandro Allisio at Amaya Fatiya Sandoval Silva How the fate will make a way to both of them.

Updated at

Read Preview
THE REAL PRINCESS OF FAIRYLANDREA IS BACK

THE REAL PRINCESS OF FAIRYLANDREA IS BACK

Reads

FAIRYLANDREA ay isang lugar kung saan ang bawat nakatira ay puno ng pagmamahalan, masaya silang namumuhay at walang iniisip kundi poro kabutihan lang ng bawat isa, may respito sa kapwa at hindi nila alam o hindi sila nakakaramdam ng negatibong emosyon sa sarili maging sa kapwa, walang puwang sa kaharian ng Fairylandrea ang kawalang galang sa mga nakakatanda . Ang Fairylandrea ay pinamunuan ng isang hari at reyna. Ang hari na si King Oberon ay napa- mabait, maunawain, mapagmahal sa nasasakupan at pantay pantay ang tingin sa bawat isa. At Reyna Taneisha ang reyna ng Fairylandrea na sadyang napakaganda at mabait sa lahat, ang mabuting reyna nasa kanya na ang katangian para sa siya ay hangaanat kinainggitan siya ng ibang reyna sa labas ng kaharian. Sa Fairylandrea walang mayaman o mahirap .Sagana ang Fairylandrea sa lahat ng mga kelangan nang bawat isa, lahat ng bagay na importante, tulad ng damit, pagkain at inumin. Puwede mo kunin o kainin ang lahat maliban sa pagkain na mahigpit na pinagbabawal ng hari. May isang puno ang hardin ng Fairylandrea na bawal hawakan at pinaka-bawal na kainin. Ang maitim na kulay na bunga ng prutas na ito ay labis na makakapinsala sa taong nakakain nito. Kaya ang punong ito ay nilagyan ng malaki, matibay at malawak na bakod na walang sinuman ang makakakita. Dahil sa maayos na pamumuno ng hari at reyna sila ay lubos na pinagpapala sa pagkakaroon ng isang babaeng supling na pinangalanan nila itong Princess Sylvie .Sa pagsilang ng prinsisa lahat ay nagbunyi at ang hari iniimbitahan lahat ng mga maharlikang diwata sa karatig kaharian upang masilayan ang bagong silang na prinsisa . Ang dumating at tumugon sa paanyaya ay ang reyna ng hangin, reyna ng apoy, reyna tubig, reyna ng lupa at iba pa upang magbigay ng kanilang regalo sa mahal na prinsisa. Unang nagbigay ng kanyang aginaldo, ang reyna ng hangin na si Reyna Athenaia.. Lumapit ito sa prinsisa, "Ikaw prinsisa na bagong silang, Ibibigay ko sa iyong mga kamay ang aking kapangyarihan magbibigay sa iyo ng katiwasayan dalhin nang hangin ang bawat naiisin mo at tangayin nito ang mga masasamang elemento. Ang kapangyarihan ng hangin ang gumagabay sa iyong paglaki ", at itinapat sa daliri ng prinsisa ang mahabang tungkod at ito ay nagliwanag dumadaloy patungo sa mga munting mga kamay ng prinsisa . Sumunod ang Reyna ng Apoy si Reyna Hestia at lumapit ito sa prinsisa, "Ikaw prinsisa, sa iyong paglaki ay gagabayan ka ng aking kapangyarihan ng apoy, susunugin ang kung sinong nagnais na gawan ka ng masama sa mga darating na panahon ,isang kapangyarihan na lulutas sa lahat laban sa kasakiman at sa pamamagitan nito iligtas ka mula sa galit ,selos at inggit na kanilang ihasik sa iyong pagkatao. " itinapat nito ang tungkod sa daliri ng prinsisa at ito ay nagliwanag lumabas mula dito ang pulang kulay na dumadaloy patungo sa mga kamay ng munting prinsisa Sylvie. Sumunod naman ang Reyna ng Tubig si Reyna Amphirite ikaw prinsisa ng Fairylandrea ipapana ko sa iyo ang walang hanggang kapangyarihan ng tubig sa pamamagitan nito ikaw liliwanag at sino mang pagtangkaan ang iyong buhay gamitin mo lang ang kapangyarihan ng tubig sa pamamagitan ng paghawak nito at ikaw ay ililigtas. Itinapat ang tungkod sa palad ng prinsisa at nagliwanag ito at dumaloy ang tubig sa kamay ng prinsisa. Panghuli ay ang Reyna ng lupa ay si Reyna Gaia 'OH ikaw mahal na prinsisa ng Fairylandrea mula ng ikaw ay magkaroon ng isip hanggang sa ikaw ay maging ganap na binibini at ikaw ay maglakbay sa ibat ibang kaharian ikaw gabayan ng aking kapangyarihan na nagmumula sa lupa gamitin mo ito laban sa masama at ipamana ko sa iyo, Oh Kapangyarihan ng lupa gabayan mo ang bagong silang na prinsisa sa pamamagitan mo malalaman ng prinsisa kung ano ang tunay at di tunay. Tinapat ang tungkod sa kaliwang kamay ng prinsisa at ito naglabas ng kulay berding liwanag. At sa isang iglap may isang dumating na hindi imbitado ang reyna ng mga pulang duwende ito ay galit na galit.. at nagsabi na " dahil ako ay hindi kasali sa mga panauhing ito lubos akong nagagalit at lahat ng binibigay na kapangyarihan ng apat na reyna ay hahadlangan ko. Makukuha lamang ito ng prinsisa sa pagtungtung niya sa ikalabing walong kaarawan niya. Kung aabot pa siya sa ganung edad. Tinaas ang kanyang kapangyarihan at nagliwanag ang buong paligid. Walang nagawa ang apat na reyna dahil naisalin na nila ang kani-kanilang mga kapangyarihan. Ano ang mangyari sa prinsisa ng Fairylandrea. May magliligtas kaya sa kanya mula sa pulang reyna ng mga dwende. Sino ang prinsipi na nakatakda sa kanya.

Updated at

Read Preview
THE LIFE AND LOVE ADVENTURE    (Completed)

THE LIFE AND LOVE ADVENTURE (Completed)

Reads

Siya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa lang s'ya poro pasakit na ang kanyang inabot mula dito. Na ang sabi ng kanyang mama siya lamang ay dinisiplina nito pero para sa kanya ay di makatarungan dahil sa murang edad niya. Kaya lumaki siya na mailap sa lahat at walang pinagkatiwalaang iba kundi sarili niya lang. Walang naging kaibigan , kung mgkaroon man siya ng kaibigan ang gusto niya ay ang kapareho niya ng ugali, ayaw niya na siya ang mag adjust dito. Ayaw niya sa kaibiga ang iyakin , ayaw niya na nananakit sa kanya ( galit na galit siya alam ng ate niya) at higit sa lahat ayaw niya poro paglalandi at pinag-uusapan panay lalaki. Pero hindi siya tomboy , babae talaga ang kabyang puso Nangagarap din siya na magkaroon ng kanyang sariling pamilya pero ibahin niya,hindi niya itutulad sa kinalakihan niyang pamilya lalo di niya palakihin sa palo ang magiging anak niya. Pero kahit ganoon ang ugali pagdating sa mga bata lumalambot siya at iyon ang kahinaan ni Elisa lalo na sa mga bata na palaboy sa kalye at mga bata na inaabuso ng magulang. Naaalala niya kasi ang kanyang sinapit sa kamay ng kanyang Mama noong bata pa siya na palagi siyang binubugbog. Ang mga bata para sa kanya ay may kalayaan rin sa paglalaro na iyan ang katuwaan ng isang bata. Hindi ka Isaak sa mga gawain na para lamang sa mga matatanda na. Pinangangako niya sa kanyang sarili na pag lumaki na siya hindi s'ya maging mahina, at kung maari nga lang sana gusto niya na maging lalaki ,kasi ang babae simbolo ng kahinaan , umaasa at walang sariling desisyon. Pero gusto niya na maiba at ibahin niya talaga para mapatunayan niya sa pamilya lalo na sa Mama niya na hindi lahat ng babae ay mahihina. At dito nag uumpisa ang kanyang pakikipagsapalaran . Magbago kaya ang pananaw niya sa buhay ? May mahanap kaya siyang mga tao na magpabago sa kanyang sarili at magkakaroon siya ng tiwala sa iba? May mahanap kaya siyang lalaki na kanyang makatuwang sa buhay at kanyang mamahalin at mamahalin din siya nito? dahil mailap siya sa mga lalaki.

Updated at

Read Preview
BE MINE

BE MINE

Reads

Rain Bella Madrigal mula sa pamilya ng mga modelo , mula sa kanyang lola na ina ng kanyang Mommy at namana naman sa mga anak nito na ang mommy nga niya at ang Tita Ivory niya na sikat na ngayong modelo sa Italy. Hindi niya gusto ang pagrampa, ang gusto niya maging doctor pero ang gusto nang mommy niya maging full-time siyang modelo.Kaya ang ginagawa niya ay tumatakas siya sa photoshoot at pumupunta sa mall o kaya sa mga bar at magsayaw ng magsayaw hanggang mapagod.Hindi naman siya nag-alala kung malasing siya, isang tawag niya lang sa Bff niyang si Allen at pesto nanjan na kaagad para to the rescue sa kanya. Dahil sa nagre-rebelde siya sa mommy niya kaya ang pagkakaibigan nila ni Allen ay nahaluan ng may malisya, naging sexual buddy niya ito.Nagsimula ito noong isang beses nalasing siya ng sobra, pero natandaan niya pa ang nangyari. Alam niya siya ang nag-initiate at natural sa isang tunay na lalaki na matukso. Normal si Allen kaya nadala ng tukso. Si Allen ang nakakuha ng kanyang virginity.Ang gusto ni Allen na seryosohin na nila ang kanilang status, pero ayaw niya. Kaya siya ang nasusunod sa kanilang dalawa. No string attached ang arrangement nila. Nanjan sila para sa isa't isa kapag kailangan nila ng comfort, pagdating sa kama. Anong kahihinatnan nang kanilang story? Abagan!

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.