SA MUNDO NG PANAGINIP NI INAY
READING AGE 12+
Si Luna ng Asul na Buwan,
Pinangalanan siyang Luna, dahil isinilang siya sa ilalim ng Asul na Buwan — isang pangyayaring nangyayari lamang tuwing isanlibong taon. Ang kanyang buhok ay parang sinulid ng gabi, at sa kanyang noo ay may munting marka ng gasuklay na buwan.
Bata pa lang, kinakausap na niya ang mga bituin. Kapag umiiyak siya, umuulan ng liwanag. Kapag tumatawa, ang mga lawa ay kumikislap. Ang kapangyarihan niya ay hindi apoy, hindi kulog — kundi Alaala. Mana ng tubig at tala, ang kakayahang makita ang nakaraan sa bawat patak ng hamog.
Ngunit sa kanyang mga panaginip, laging may isang boses ng lalaking may pakpak na pilak, na sumisigaw ng kanyang pangalan bago siya magising. 'Luna... patawad.' At hindi niya maintindihan kung bakit sa bawat paggising, basa ang kanyang pisngi ng luha na hindi kanya.
Dumating ang araw na magsisilang sya ng dalawang sanggol dahil sa hangarin ng Dyos Ama.
Akala ni Luna tapos na ang buhay nya nung iwan syang mag-isa.
Dalawang sanggol na kambal. Walang katuwang. Gabi-gabing pag-iyak na mag-isa.
Pero hindi nya alam — yung panghihina nya, yun pala ang magpapalakas sa kanya.
Dahil si Luna ay hindi lang babae.
Siya ang *bantay ng MUNDO* — asul ang buhok, may marka ng asul na buwan sa noo na bigay ng Diyos. Kahit tulog sya, nag-aastral travel ang kaluluwa nya at patuloy na nagbabantay.
Kasama nya si *Alon*, ang kambal-diwa nya — bantay ng KALIKASAN, berdeng buhok na nagiging higanteng ahas na tagapangalaga ng gubat.
At ang dalawang anak na akala nya normal lang...
Si *Miguel*, 8 taong gulang, gintong buhok, taglay ang espada ng Araw.
Si *Gabriel*, 8 taong gulang, abong buhok, may hawak na trumpeta ng Buwan.
Sila ang *kambal na Arkanghel* — reincarnation ng mga mandirigmang inakala ng lahat na alamat lang.
Pero paano kung ang tunay na digmaan ay hindi sa labas... kundi sa loob ng isang INAY na mag-isang lumalaban?
Sa mundong likha ng panaginip ni Inay — saan dadalhin ng asul na buwan ang kanilang tadhana?
*Isang fantasy ng pagiging INA. Isang kwento kung saan ang kahinaan ang nagiging pinakamalakas na kapangyarihan.*
Unfold
Hindi makatulog si Luna.
Hindi dahil sa malambot na kama. Hindi dahil sa aircon na parang nasa Baguio. Hindi dahil sa amoy sampaguita sa garden.
Hindi siya makatulog kasi sa unang pagkakataon sa loob ng walong taon simula nung iniwan siya ng asawa niya, hindi siya nag-aalala kung may tulo ang bubong pag umulan.
……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……