11
VISITORS
0

ABOUT ME

> ✨ Hi! I'm Chona Gajila, creator of *KAMBAL ENGKANTO* ?? > Mahilig ako sa magical at anime drawing. Original stories ko lahat! Follow me! ?✨ ©2026 > Mahilig ako sa Filipino Fantasy, magical twins, at kwentong may aral. Gumagawa ako ng mga kwento pang-bata at pang-pamilya na puno ng hiwaga ng ilog at buwan. Si Alon* (Kambal EngkantongAhas) at *Luna* (Ang Mortal na kakambal ni Alon) ang bida sa una kong serye — kambal na dati ay normal na tao, naging tagapagbantay ng kalikasan. > Artist din ako! Mahilig mag-drawing ng anime at 90 > Follow niyo ako sa YouTube: @chonacasiano8020 > Maraming salamat sa pagbabasa! ?

ABOUT ME

> ✨ Hi! I'm Chona Gajila, creator of *KAMBAL ENGKANTO* ?? > Mahilig ako sa magical at anime drawing. Original stories ko lahat! Follow me! ?✨ ©2026 > Mahilig ako sa Filipino Fantasy, magical twins, at kwentong may aral. Gumagawa ako ng mga kwento pang-bata at pang-pamilya na puno ng hiwaga ng ilog at buwan. Si Alon* (Kambal EngkantongAhas) at *Luna* (Ang Mortal na kakambal ni Alon) ang bida sa una kong serye — kambal na dati ay normal na tao, naging tagapagbantay ng kalikasan. > Artist din ako! Mahilig mag-drawing ng anime at 90 > Follow niyo ako sa YouTube: @chonacasiano8020 > Maraming salamat sa pagbabasa! ?
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Chona Gajila

SA MUNDO NG PANAGINIP NI INAY

SA MUNDO NG PANAGINIP NI INAY

Reads

Si Luna ng Asul na Buwan, Pinangalanan siyang Luna, dahil isinilang siya sa ilalim ng Asul na Buwan — isang pangyayaring nangyayari lamang tuwing isanlibong taon. Ang kanyang buhok ay parang sinulid ng gabi, at sa kanyang noo ay may munting marka ng gasuklay na buwan. Bata pa lang, kinakausap na niya ang mga bituin. Kapag umiiyak siya, umuulan ng liwanag. Kapag tumatawa, ang mga lawa ay kumikislap. Ang kapangyarihan niya ay hindi apoy, hindi kulog — kundi Alaala. Mana ng tubig at tala, ang kakayahang makita ang nakaraan sa bawat patak ng hamog. Ngunit sa kanyang mga panaginip, laging may isang boses ng lalaking may pakpak na pilak, na sumisigaw ng kanyang pangalan bago siya magising. 'Luna... patawad.' At hindi niya maintindihan kung bakit sa bawat paggising, basa ang kanyang pisngi ng luha na hindi kanya. Dumating ang araw na magsisilang sya ng dalawang sanggol dahil sa hangarin ng Dyos Ama. Akala ni Luna tapos na ang buhay nya nung iwan syang mag-isa. Dalawang sanggol na kambal. Walang katuwang. Gabi-gabing pag-iyak na mag-isa. Pero hindi nya alam — yung panghihina nya, yun pala ang magpapalakas sa kanya. Dahil si Luna ay hindi lang babae. Siya ang *bantay ng MUNDO* — asul ang buhok, may marka ng asul na buwan sa noo na bigay ng Diyos. Kahit tulog sya, nag-aastral travel ang kaluluwa nya at patuloy na nagbabantay. Kasama nya si *Alon*, ang kambal-diwa nya — bantay ng KALIKASAN, berdeng buhok na nagiging higanteng ahas na tagapangalaga ng gubat. At ang dalawang anak na akala nya normal lang... Si *Miguel*, 8 taong gulang, gintong buhok, taglay ang espada ng Araw. Si *Gabriel*, 8 taong gulang, abong buhok, may hawak na trumpeta ng Buwan. Sila ang *kambal na Arkanghel* — reincarnation ng mga mandirigmang inakala ng lahat na alamat lang. Pero paano kung ang tunay na digmaan ay hindi sa labas... kundi sa loob ng isang INAY na mag-isang lumalaban? Sa mundong likha ng panaginip ni Inay — saan dadalhin ng asul na buwan ang kanilang tadhana? *Isang fantasy ng pagiging INA. Isang kwento kung saan ang kahinaan ang nagiging pinakamalakas na kapangyarihan.*

Updated at

Read Preview
ANG LABINGDALAWANG MAY MARKA NG BUWAN - the chose one

ANG LABINGDALAWANG MAY MARKA NG BUWAN - the chose one

Reads

Noong ang mundo ay wala pang pangalan.Wala pang salita ang mga tao para sa bituin. Wala pang guhit sa langit. Ang alam lang nila, may liwanag sa gabi at may dilim na kumakain sa kagubatan.niSa panahong iyon, hindi pa sila tinatawag na Zodiac. Wala pang Daga, walang Tigre, walang Dragon sa mga kwento.Sila ay simpleng tinatawag na , mga Bantay.Sa gitna ng Lawa ng Kawalan, kung saan nagsasama ang ugat ng lahat ng puno, nagtipon ang labindalawa.Si muning ang maliit na daga na kulay abo, ang unang dumating. Maliit siya, pero siya ang nakakarinig sa mga butong umiiyak sa ilalim ng lupa. "Nanginginig ang mga ugat," bulong niya. "May gumigising."Sumunod si kal, ang kalabaw na may mga sungay na parang bundok. Mabagal siyang maglakad, pero sa bawat yapak niya, tumutubo ang damo. "Ang kabukiran sa Hilaga," sabi niya sa malalim na boses. "Natutuyo. Hindi na bumabalik ang ulan."Mula sa dilim ng kagubatan, lumabas si Tigris. Ang kanyang mga mata ay parang apoy. "May amoy akong kakaiba," aniya. "Amoy ng takot. Hindi takot ng hayop, takot ng lupa mismo."At isa-isa silang dumating.Si Luna, ang kunehong puti na may koronang gawa sa bulaklak ng buwan. Siya ang tagapag-ingat ng mga panaginip ng mga bata.Si Driga, ang munting dragon na asul — hindi pa siya malaki, hindi pa siya nakakalipad ng mataas. Siya ang bantay ng ulan, pero nitong mga araw, hindi niya mapalabas ang tubig sa kanyang bibig.Si Ssera, ang ahas na may balabal na lila. Tahimik lang siya, pero alam niya ang lahat ng lason at lunas sa mundo.Si Hagibis,ang kabayong may gintong baluti. Siya ang pinakamabilis, pero ngayon, hingal na hingal siya. "Tumakbo ako sa buong mundo," sabi niya. "Walang hangin sa Silangan. Parang may humihigop sa hangin."Si Kambal, ang kambing na may balbas na puti. Dala niya ang kanyang kalasag na may dahon ng apat na dahon. "Gumuho ang bahagi ng bundok," bulong niya.Si Tukso, ang unggoy na may sombrerong may balahibo. Dala niya ang kanyang lumang kompas na hindi na gumagana. "Nawawala ang mga bituin," sabi niya. "Hindi ko na mahanap ang Hilaga."Si Talaok, ang tandang na may pulang balahibo. Siya dapat ang gumigising sa araw, pero dalawang araw nang hindi sumisikat ang araw sa kanilang lambak.Si Bantay, ang aso na may salamin. Siya ang tagapakinig ng mga kaluluwang naliligaw.At si Mabait, ang baboy na may bayong na puno ng mga buto. "Wala nang tumutubong pagkain," sabi niya, malungkot.Sa gitna nila, may lumitaw na liwanag. Isang matandang puno, ang Puno ng Simula, ang nagsalita. Hindi gamit ang bibig, kundi gamit ang hangin."Mga Bantay," sabi ng Puno. "Darating na ang Panahon ng Paglimot. Isang nilalang na walang hugis ang gustong burahin ang kalikasan. Gusto niyang makalimutan ng mga tao na may mga bantay ang mundo.""Paano namin siya lalabanan?" tanong ni Muning, ang daga. "Maliit lang ako.""Sa pamamagitan ng paghahanap sa labingdalawang mga napili Ang syang tagapangalaga sa mga kapangyarihan ninyo." sagot ng Puno.At sa langit, sa unang pagkakataon sa kasaysayan, labindalawang bituin ang sabay-sabay na kumislap. Hindi pa sila Zodiac. Hindi pa sila kilala.Pero sa gabing iyon, isinilang ang kanilang tadhana.Si Driga, ang munting dragon, ang unang tumaas ang ulo. Sa kanyang dibdib, may kumislap na asul na bato. "Nararamdaman ko," sabi niya. "Kailangan nating magkaisa. Hindi para bantayan lang ang parte natin... kundi ang buong mundo."Tumingin ang labing-isa sa kanya.Sa unang pagkakataon sa loob ng libong taon, ang labindalawang bantay na laging magkakahiwalay, ay tumayo nang magkakadikit.At sa malayo, sa dilim na kumakain sa kagubatan, may gumalaw.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.