No Way Of Return
Share:

No Way Of Return

READING AGE 18+

Airam Anelé Steamy Stories

0 read

Ang sabi ng iba, ang pagpili sa landas na tatahakin ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang sarili mismo. Nasa kanya kung tuwid o baliko ba ang landas na pipiliin n'ya. Pero, paano kung ang landas na kinakailangan niyang tahakin ay ang landas na patungo sa kapahamakan at kapanglawan, masasabi bang kasalanan niya iyon? Pinasok ni Dahlia ang maruming mundo ng adult entertainment para kumita ng pera, pangtustos sa pagpapagamot ng anak niyang si Angela. Hinangad n'yang makaalis sa mundong iyon ngunit patuloy siyang hinahatak niyon, at hindi n'ya magawa ang umahon. Hanggang sa isang araw ay muling nagtagpo ang mga landas nila ni Gabriel, ang una niyang pag-ibig.Sa kanilang pag-iibigan ay ginusto ni Dahlia na magkaroon sana sila ng magandang simula kasama ang anak niyang si angela, ngunit, magagawa kayang tanggapin ni Gabriel ang karumihan n'ya? At kung matanggap man n'ya, magbabago na nga ba ng tuluyan ang kapalaran ni Dahlia, o baka hanggang sa huli ay magmimistula iyon na anino na nakasunod sa pagkatao n'ya?

Unfold

Tags: BEsingle motheroffice/work place
Latest Updated
Chapter 11

"Magsalita ka na ng mga hindi magaganda tungkol sa akin, i-chismis mo na ako nang i-chismis sa iba hangga't gusto mo, pero, huwag na huwag kang magsasalita ng masama tungkol sa anak ko. Wala siyang kasalanan sayo at lalong wala siyang ginawa sayo para isumpa mo nang ganyan ang buhay niya!" Galit na galit kong wika kay Colette habang ipinagwagwa……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.