Airam Anelé
Reads
Isang pag-ibig na hindi inaasahan ang darating kay Rita, nang lumuwas s'ya pa-maynila, para mamasukan bilang isang katulong. Hindi n'ya akalaing magkakaroon s'ya ng relasyon sa amo niyang si Martin. Nang lumalim na ang pag-ibig nila sa isa't-isa ay inakala niyang magiging masaya na sila, ngunit isang trahedya ang magpapabago sa kapalaran nila: makakalimot si Martin. Dahil sa isang aksidente na nagdulot ng amnesia kay Martin ay malilimutan n'ya ang lahat ng pinagsamahan at ang mga magagandang alaala n'ya kaya Rita. Sa sulsol at sa mga paninira ng mga tao sa paligid n'ya ay masusuya s'ya dito at itatakwil ito, ngunit isang supling ang muling mag-uugnay sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong ito, mahahanap na kaya ni Martin ang daan patungo sa naudlot niyang pag-ibig kay Rita?
Updated at
Reads
Ang sabi ng iba, ang pagpili sa landas na tatahakin ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang sarili mismo. Nasa kanya kung tuwid o baliko ba ang landas na pipiliin n'ya. Pero, paano kung ang landas na kinakailangan niyang tahakin ay ang landas na patungo sa kapahamakan at kapanglawan, masasabi bang kasalanan niya iyon? Pinasok ni Dahlia ang maruming mundo ng adult entertainment para kumita ng pera, pangtustos sa pagpapagamot ng anak niyang si Angela. Hinangad n'yang makaalis sa mundong iyon ngunit patuloy siyang hinahatak niyon, at hindi n'ya magawa ang umahon. Hanggang sa isang araw ay muling nagtagpo ang mga landas nila ni Gabriel, ang una niyang pag-ibig.Sa kanilang pag-iibigan ay ginusto ni Dahlia na magkaroon sana sila ng magandang simula kasama ang anak niyang si angela, ngunit, magagawa kayang tanggapin ni Gabriel ang karumihan n'ya? At kung matanggap man n'ya, magbabago na nga ba ng tuluyan ang kapalaran ni Dahlia, o baka hanggang sa huli ay magmimistula iyon na anino na nakasunod sa pagkatao n'ya?
Updated at
Reads
Isang hindi inaasahang pagkikilala ang mag-uugnay sa dalawang indibidwal, na sa huli ay mauuwi sa pagmamahalan.Sa hindi inaasahang takbo ng kanilang kapalaran ay hindi akalain ni Layla, na ang tapat at ang mahal niyang asawa ay magagawa siyang tiisin nang dahil sa pride nito. Ang paghahangad nila pareho ng magandang buhay ang siya palang wawasak sa pamilya na kanilang binuo nang lumayo ito para magtrabaho. Sa hindi rin inaasahang pagkakataon ay makikilala ni Layla ang muling magpapatibok ng kanyang puso, ngunit hindi magiging ganun kadali ang lahat, dahil bukod sa magkaibang mundo nila ay may malaki ring tututol. Magagawa kaya ni Layla na maipaglaban ang kanyang pag-ibig? Pipiliin kaya s'ya nito?
Updated at
Reads
Si Agnes Zara Dela Fuentes na may taglay na mala-diyosa'ng kagandahan ay kinailangang mamasukan bilang katulong sa pamilya Villacorte para matulungan ang naluluging negosyo ng ama. Kailangan n'yang makuha ang sampung milyon na ipinangako sa kanyang madrasta.Ngunit habang naroon sa Mansyon ng mga villacorte ay kinailangan niyang itago ang taglay na kariktan dahil, nalaman niyang doon pala nakatira ang isang batikang playboy ng mga Villacorte na si Aeros. Bali-balitang walang pinalalagpas ito basta kanyang matipuhan. Kaya nang matanggap bilang katulong sa mga Villacorte ay nag-disguise si Agnes. Ngunit tila sadyang hindi siya makaliligtas kay Aeros Jahn Villacorte dahil, nang aksidenteng may mangyari sa kanila ay hindi na siya nilubayan nito. At sa kabila ng pinapangit na hitsura ay tila nahulog pa ito sa kanya.Ngunit, paano mauuwi sa romansa ang dalawa kung ang pakay lang ni Agnes ay ang tulong mula sa pamilya nito, pagkatapos ay aalis na rin ito? Mapag-bibigyan kaya niya si aeros gayon'g ayaw na niyang maugnay pa dito?
Updated at
Reads
Nagsimula ang lahat sa arrange marriage, ngunit nagwakas din sa divorce dahil sa sangkot na third party. Walang ideya si Nigel na ang asawa na sinasabi n'yang hindi n'ya magagawang mahalin ay ang s'ya palang totoo niyan'g minamahal, nang madiskubre niya ang taong totoong nagligtas sa kanya mula sa sunog tatlong taon na ang nakakaraan. Nang tuluyan na silang magkahiwalay ay nilamon si Nigel ng matinding pagsisisi, gayunpaman ay hindi n'ya akalaing muli n'ya itong makikita. Sa kasamaang-palad ay hindi na ito kagaya ng dati na halos sa kanya lamang umiikot ang mundo nito. Mapagbibigyan kaya ang paghingi n'ya ng tawad at pagkakataon? Magagawa kaya s'yang pagbigyan ng dating asawa?
Updated at
Reads
Isang simple at introvert na probinsiya at isang guwapong playboy at may ari ng isang malaki at sikát na kumpanya, ang nagtagpo ang mga landas. Bagaman hindi pansinin at mababa lang ang kanyang pinaggalingan, hindi inaasahan ni marigold na matitipuhan siya ng isang Chardon Atanante. Ngunit dahil nalalaman niyang playboy ito at halos araw araw kung magpalit ito ng nobya ay hindi na umasa at nag assume pa si marigold. Kahit na a attract pa siya dito ay hindi na lang niya pinapansin ang kanyang nararamdaman at ipinagkikibit-balikat na lang niya ito. Ngunit, paano kung ang mapag dominang CEO ay ipagpilitan ang kanyang sarili kay marigold at ituring siya na parang pag aari na siya nito, may magagawa kaya si marigold? Ipagtatabuyan ba niya ito? "All in this company are mine, including you! Kaya pirmahan mo na 'tong contract to make you legally mine." — Chardon💕
Updated at
Reads
Dahil sa paghahanap sa kanilang kaibigan ay napadpad ang grupo ng isang banda sa isang isla na hindi pinupuntahan ng mga tao. Ayon sa isang katutubo, sa oras na pumasok ang sinuman sa isla ay hindi na raw ito makakabalik. Sa kabila ng paalala ay mas pinili nilang kamustahin at alamin ang kalagayan ng kanilang kaibigan. Ngunit nang nasa isla na ay naranasan na nila ang sinasabi ng katutubo, at huli na rin para bumalik pa lalo na nang makita't maranasan na nila ang hindi nila inaasahang nangyayari pagsapit ng gabi. May matira kaya sa kanila?
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.