Langit Ka at  Lupa Ako
Share:

Langit Ka at Lupa Ako

READING AGE 18+

Miss_Choi Romance

0 read

May mga bagay sa mundo na mahirap intindihin at hindi mo alam kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit s'ya pa ang minahal mo.

Nicole Ladesma, anak mayaman. Isa itong studyante na nag-aaral sa University. Masipag, mabuting anak at lahat ay ginagawa nito para magustuhan s'ya at mapansin ng kanyang ina. Pero kahit ano'ng gawin nitong pagpapakitang gilas at pagsunod sa mga magulang ay ang kapatid pa rin nito ang nakikita nilang magaling sa paningin nila.

Kaya pakiramdam n'ya ay mula no'n at magpahanggang ngayon ay wala s'yang nagawang mabuti. At mga mali lamang n'ya ang nakikita ng kanyang ina.

Hanggang sa nagrebelde ito. Naging matigas ang ulo, hindi umuuwi sa bahay ng maaaga. Nakilala nito si Edwin Salazar. Ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng ralasyon at itinago n'ya 'yon sa pamilya n'ya dahil bawal.

Di naglaon ay naibigay nito ang kanyang sarili sa kanyang kasintahan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbunga ang namagitan sa kanila. Ngunit hindi s'ya pinanagutan nito at ang masaklap ay iniwan s'ya na parang na hindi man lang nagpaalam sa kanya.

Si Jun Acosta, isang studyante na nag-aaral sa unibersidad ng Manila. Nag-aaral ito ng mabuti at nagsusumikap upang maging mayaman balang araw at paghigantihan ang taong umalipusta sa kanyang ina.

Kaibigan n'ya si Nicole at may lihim na pagtingin sa dalaga. Nang dahil sa pagmamahal n'ya sa dalaga ay s'ya ang umako sa batang pinagbubuntis nito at pinakasalan n'ya ito ng walang hinihinging kapalit.

Ano ang gagawin mo kung ang taong pinaglaban mo sa magulang mo at pinili mong makasama ay anak pala ng taong nais mong paghigantian?

Maisakatuparan mo pa kaya ang paghihiganti kung alam mong masasaktan mo ang babaeng pinakamamahal mo?

Sino ang pipiliin mo ang magulang mo na nagbigay ng buhay mo? O ang babaeng karugtong ng pahinga mo?

Ang kwentong ito ang magpapakita ng tunay na pagmamahal sa magulang, asawa, at anak.


Abangan. . .

Unfold

Tags: revengesexsecond chancepregnantdramatragedyfriendshippoor to richschoolwar
Latest Updated
chapter 1

Title: Langit Ka at Lupa ako

Written by: Miss_Choi

Genre: Romance

"D'yos ko, nasaan na kaya ang bata na 'yon? Ngayon lang s'ya ginabi ng ganito. Hindi man lang nagawang mag text. O tuwag. Baka napaano na s'ya," nag-aalalang saad ni Maribel ang ina ni Jun.

"Huwag kang mag-alala at baka pauwi na 'yon. ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.