Miss_Choi
Reads
Maawain, mapagbigay at mabilis magpatawad. Ganyan si Sabrina. Ang dalagang nag hi-hysterical. Kapag naalala ang nakaraang karanasan nito. Samantalang malamig at bato ang puso ni Caleb. Puno rin siya ng galit at pagkamuhi mula nang mamatay ang kanyang Ama at sinundan pa ng pagkamatay ng kanyang kapatid na si Calix. Kung kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na lahat ng taong may dahilan ng pagkamatay ng kanyang kapatid ay sisingilin niya at sisiguraduhin niyang magdurusa. Ngunit Paano kung sa paniningil nito ay doon niya maramdaman ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso. Maisasagawa pa kaya niya ang planong paghihiganti? O mas magliliyab ang galit niya dahil sa bagong rebelasyon na kanyang matutuklasan? Abangan! . . Please! Follow po! ⬇️⬇️⬇️⬇️ Title: Forbidden Hearts
Updated at
Reads
Title: "Spark me, Tenderly." ❤️Written by: Miss_Choi Maldita, mataray at sunod sa layaw. Iyan ang mga katangiang taglay ni Phoebe Cabral ang kaisa-isang apo ni Felipe Cabral. Ngunit kahit pa sunod sa layaw ang dalaga ay hindi 'to masasabing masaya. Sapagkat siya ay wala ng mga magulang at mag-isa lang 'tong pinalaki ng kanyang lolo.Samantalang masunurin, may isang salita at professional pagdating sa trabaho. Iyan naman ang taglay na katangian ni Grayson. Ang binatang kinuhang body guard ng lolo ni Phoebe.❤️Nagsimula ang lahat nang pinatapon si Phoebe sa probinsya dahil sa isang scandal na kinasangkutan nito na nagdala ng kahihiyan sa kanyang lolo.❤️Dahil pinatapon si Phoebe sa probinsya ay wala 'tong nagawa ng bigyan siya ng kanyang lolo ng body guard na biente kwatrong nakasunod sa kanya bilang parusa.Kung kaya buwisit na buwisit at hindi mapakali si Phoebe. Lalo na't pati sa pagtulog nito ay kanyang pa ring nakikita kulang na lang ay tumabi 'to sa kanyang kama.Hindi naging madali ang kanilang pagsasama sapagkat. Kung gaano ka arte, ka maldita si Phoebe ay siya namang higpit ni Grayson na para itong tatay ng dalaga.Kung kaya gumawa ng paraan si Phoebe upang lumambot at maging sunudsunuran sa kanya ang binata. Inakit niya 'to ng bongga. Kung dati ay nagtatapis pa siya ng tuwalya. Ngayon ay sinasadya niyang mahulog 'yon sa sahig at sa mismong harapan ni Grayson.Ngunit hindi papatinag ang binata lalo na't alam niyang patibong 'yon at pinaglalaruan siya ng dalaga.Ang tanong?Hanggang kailan magtitimpi si Grayson? Kung mismong palay na ang lumalapit. Kaya pa kaya niyang magpigil kung bumubukaka na 'to na walang p**nty?....Abanga!
Updated at
Reads
Si Fiona Dominguez ay ibininta ng kanyang Ina kay Lorenzo Salvacion kapalit ng malaking halaga. Upang madugtungan ang buhay ng nakababatang kapatid nitong si Ana na nag-aagaw buhay sa hospital. Sa pananatili ni Fiona sa mansyon ay masasaksihan nito ang pangit na pag-uugaling taglay ng kanyang among binata. "Kung gaano kapangit ang mukha mo ay siya namang taglay din ng pag-uugali mayroon ka." Saad ni Fiona na galit na rin sa binatang amo nito. "Tandaan mo itong sasabihin ko sa 'yo, Fiona. Habang nabubuhay ako. Hinding-hindi ka makakatakas sa akin. Dahil ako, ako lang ang nagmamay-ari sa 'yo. At akin ka lang!" madiin na wika ni Lorenzo. At pilit na pinipigilan ang kanyang damdaming nais kumawala. Kaya niluwagan na lamang nito ang kanyang necktie. Sabay sabing labing, "LABAS!"
Updated at
Reads
"Dad, bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundo, siya pa? Saka, Dad. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Tapos halos sampong taon pa ang tanda niya sa akin. Hindi porque siya ang pinagkakatiwalaan niyo sa kaniya niyo rin ako ipapakasal. Ano ba 'yan? Napaka unfair niyo naman," reklamo nito at hindi sang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang Ama. 'Doon pa talaga sa lalaking nanakit ng puso ko," aniya rin nito sa kaniyang isipan. "Belinda! Makinig ka sa akin. Hindi ko 'to ginagawa para sa 'kin. Ginagawa ko 'to para sa 'yo at pagdating ng araw maiintindihan mo rin kung bakit siya ang gusto ko para sa iyo. Isa pa, sa ayaw at gusto mo. Ako ang masusunod at habang nabubuhay ako. Ako ang batas sa pamamahay na 'to!" paliwanag at madiin na wika nito. "Susundin ko kung ano man ang gusto niyo. Kahit ayaw ko! Sino ba naman ako sa pamamahay na 'to. Isa lang naman akong sunudsunuran at walang kalayaan mula nang mamatay si Mommy," saad ng dalaga na nagmamaktol at iniwan na lamang ang ama nito. "Belinda! Bumalik ka rito!" Sa paglabas ng dalaga sa bahay ay agad naman itong sinundan ng kaniyang mga bodyguard. "Huwag kayong sasakay sa kotse ko, kung ayaw niyong mawala ako ulit sa paningin niyo at managot sa ama ko!" galit at bantang wika nito. Agad namang sumunod ang kaniyang mga alipores. Sasakay na sana ito ng kaniyang sasakyan nang mapansin ang isang kotse na huminto sa kaniyang harapan at bumaba ang lalaking unang nagpatibok at nanakit ng kaniyang puso. Bumaba ito ng sasakyan at seryoso ang mukha nang marinig niyang nagsalita ang dalaga. "Andito ka rin, pala. Pinapunta ka ba ng mahal kong, Ama? Masayang-masaya ka na siguro ngayon, ano? Natupad na ang pangarap mo. Akalain mo 'yon. Napaka suwerte mo naman. Sa dinarami-rami ng tao sa mundo sa iyo pa talaga ako ipapakasal ng ama ko. Sana all nakukuha ang lahat ng gusto, kasi naman ang galing mong sumipsip," nang-iinis na saad nito. "Mawalang galang na, pero hindi ako narito para makipagtalo sa 'yo. Oh, ang patulan ka. At huwag kang mag-aalala, dahil hindi rin ako sang-ayon sa kagustuhan ng ama mo. Pero wala akong magagawa," saad din nito na hindi nakatingin sa mga mata ng dalaga. "Walang magagawa? Oh, baka naman kasi, gustong-gusto mo rin? Sabagay, ikaw ba naman ang magiging boss kapag nakasal na sa akin at magkakaroon ng maraming pera. Bakit hindi 'di ba? Pera na 'yan kaysa maging bato pa," makahulugang saad pa ng dalaga. "Kung gusto man kita, sana noon pa. Noong sinabi mong gusto mo 'ko, 'di ba, baby girl?" makahugang wika ng binata. "Ay 'yon, ba? Sorry, ha? Limot ko na kasi 'yon, eh. Saka bata pa ako no'n. Kaya huwag kang umasta na patay na patay ako sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi para sa akin. Isa ka lang asong ul*l na sunod nang sunod sa ama ko. Tandaan mo 'yan!" galit na wika nito. "Itong asong ul*l na 'to ang magpapaamo sa 'yo. Huwag kang mag-alala. Dahil no'ng sinabi ko sa 'yo noong bata ka pa na hindi kita gusto. Hanggang ngayon. At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan," saad naman ni Alex at iniwan na ang dalaga. Nakaramdam lalo ng galit si Belinda para sa binata at kasama na ng bahagyang kirot sa dibdib nito, kaya ipinangako nito sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat para mapa-ibig ang binata at makaganti.
Updated at
Reads
Matalino, guwapo at babaero. Ganyan ang paglalarawan ni Sheryl Hermosa. Kay Elton Galvez, ngunit ang hindi niya alam ay sa unang kita pa lamang sa kanya ni Elton ay may lihim na 'tong pagtingin sa kanya. Ngunit binabaliwa lamang 'to ng binata dahil takot siyang sumugal sa pag-ibig. kaya niya kayang pigilan ang nararamadam kung alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang mawala sa kanyang tabi ang babaeng palihim na iniibig? Abangan!!
Updated at
Reads
"Ayaw na ayaw kong tinatakbuhan. O tinatakasan! Huwag na huwag kang gagaya kay Amanda, Mia. Dahil kapag sinabi ko. Ginagawa ko!" banta ni Bryan habang titig na titig ito sa dalaga. Hindi naman makapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Bryan sa kanyang mukha. Takot din itong magsalita at baka bigla siyang halikan muli. Bagkus ay tiningnan na lamang niya ito ng matalim na tingin. "Bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? Papalag ka ba? Baka gusto mo na namang makatim," saad ni Bryan at lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Kunting-kunti na lang at maglalapat na ang kanilang labi. Pinigilan na lamang ng dalaga ang kanyang pahinga. Habang pinagpapawisan na nakadikit sa ding-ding ang kanyang katawan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at doon natuon ang kanilang pansin. Kaya agad na nagkaroon ng idea si Mia para umalis sa harapan ng binata. Umilalim siya sa braso ng binata at agad na kinuha ang cellphone sa na nasa ibabaw ng lamesa. Sinagot naman niya agad ang tawag. "Hello," saad ni Mia na mahina lamang. "Hello, friend," sagot naman ni Dana ang kaibigan nito. "Hi, babe. Ikaw pala, susunduin mo na ba ako?" tanong ni Mia. "Babe?" saad ni Byran ng kunot-noo habang nakatingin ito sa dalaga. Bigla nitong nilapitan si Mia at inagaw ang cellphone sa dalaga. "Who are you?" tanong ni Bryan na galit. "Ikaw, sino ka?" naiinis naman na wika ni Dana sa kabilang linya. Nang marinig ni Bryan na babae ito ay agad niya pinatay ang tawag. "Babe, pala, ah," saad ni Bryan na may nakakalokong ngiti habang nakatingin kay Mia. "Wala kang pakialam!" asik nito sa binata. "Sa susunod galingan mo, iyong kapani-paniwala. I pick you up tomorrow seven pm. Huwag mo akong tatakasan kung ayaw makatikim muli!"
Updated at
Reads
Jaylyn Servallos, 27 years old. Isang simpleng house wife. Joey Servallos, 27 years old. Asawa ni Jaylyn nagtatrabahong sa fabrika. Ronald Feire Sola, 27years old. Katrabaho ni Joey at kumpare. Kapag nagmamahal tayo. Ginagawa natin ang lahat para sa taong mahal natin upang mapaligaya natin sila at ma-satisfied. Ngunit paano kung ipapamigay ka na lang nito sa ibang lalaki upang makuha ang inaasam-asam niya. Papayag ka ba na magpagam*t sa ibang lalake? Para lang maging maayos ang relasyon niyo ng taong mahal mo? Abangan!
Updated at
Reads
Peterson Bustamante AKA Peter, 29 years old. Ang binatang malapit ng ikasal sa kaniyang fiancee na si Marie. Ngunit nalaman niyang niloloko siya nito at naaktuhan pang nakikipag halikan sa ibang lalaki. Gumawa ito ng plano upang makaganti. Sa araw mismo ng kanilang kasal. Doon ay bitbit niya ang isang babae na nakilala lang nito sa palengke at nagtitinda ng kamatis. Christine Alcantara AKA Tin, 19 years old. Ang dalagang laki sa hirap. Ngunit may pangarap din sa buhay. Iyon ay ang makaahon sa kahirapan at yumaman. Paano kung nakipag bline date ka tapos mali pala ang napuntahan mong table at naka-date. Ang masaklap pa ay sa dinarami-rami ng tao sa mundo. Doon pa sa lalaking ubod ng yabang at sinagasaan ang paninda mo. Eh, kung bigla ka kayang yayaing magpakasal nito. Kapalit ng malaking halaga. Pakakasal ka kaya? Abangan!
Updated at
Reads
Labing limang taon pa lamang noon si Mirasol nang mamatay ang kanyang magulang sa car accident at bago maganap ang trahedyang iyon ay sinabi ng kanyang ama at ina na sa kanyang pagtungtong ng 18 years old ay nakatadhana na siya na magpakasal sa isang Greg Salazar dahil sa utang na loob ng kanyang pamilya sa pamilya nito. At noon pa man ay napag-usapan na 'yon ng kanilang pamilya. Paano kung nalaman mo na ang lalaking pakakasalan mo ay siya pa lang lalaki na ayaw mo ng makita muli dahil sa isang pangyayari na hindi kanais-nais. Pakakasal ka pa kaya? Paano kung sapilitan kang ikasal sa kanya? Ano kaya ang mangyayari? Paano kaya mabubuo ang isang pag-ibig kung pereho n'yo namang hindi gustong ikasal sa isa't isat. Abangan. . .
Updated at
Reads
Mr. Montenegro a 28 year's old, business man, who fall inlove to a Innocent girl Athena Gomez, who can do everything just get half Million pesos to save here mother Vigie Gomez. At sa hindi inaasahang pagkakataon pagtatagpuin ang landas nila sa isang bar,kung saan mababangga ni Mr.Montengro si Athena, at mai babarfine ng isang gabi kapalit ng kalahating Million..
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.