Immortal Destroyer [Volume 11]
Share:

Immortal Destroyer [Volume 11]

READING AGE 12+

jilib480 Fantasy

0 read

Mula sa himpapawid ay unti-unting makikita ang maraming grupo ng mga nilalang na pumunta sa lugar ng Red City. Iba't-ibang mga kulay ang nakikita ni Wong Ming na suot-suot ng mga nilalang na ito maging ng mga simbolong nakatatak sa mga kasuotan ng mga bagong dating na mga nilalang.Buti na lamang at malawak ang parte ng lugar na ito na kasalukuyang ginaganap ang mga kompetisyon kung hindi ay baka nagsiksikan na sila sa dami ba naman ng mga lumahok maging ng mga gusto lamang manood ng labanan.Maraming usap-usapan ang nangyari ngunit mabilis ring nagbago ang lahat nang dumating ang mga pangunahing nangangasiwa ng kompetisyon na isinasagawa ng Flaming Sun Guild.Pansamantalang natigil ang mga kompetisyong nagaganap hanggang sa inanunsyo na lamang ng MC sa malakas at klarong boses na matutuloy ang nasabing kompetisyon ng Flaming Sun Guild sa susunod na dalawang linggo.Marami ang nadismaya at marami din ang natuwa ngunit para kay Wong Ming ay alam niyang tila mababago at mas hihirap ang kompetisyong ito.Isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na guild sa tatlong mga naglalakihang siyudad ang Flaming Sun Guild. Misteryoso at tila kinatatakutan rin ang nasabing guild sapagkat ang pwersa nito ay hindi masukat at wala ring eksaktong lokasyon ang nasabing guild. Alam niyang hindi basta-basta ang Flaming Sun Guild. Bilang lamang ang nakakapasok rito at alam niyang hindi naman dadagsa ang marami pang mga kalahok galing sa iba't-ibang parte ng tatlong siyudad kung hindi tunay ang kredibilidad nang nasabing guild.Naiisip ni Wong Ming na ang ganitong pagbabago sa kompetisyong ito ay mas kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na pagsasalang sa kanila. Alam rin niyang kung mayroon mang pagbabago ay pabor iyon sa kaniya o sa lahat sapagkat oportunidad ito para sa lahat, mapabata man o matanda habang ipinapakita bula ang kanilang kahusayan sa paglalaban o labanan.Start: June 9, 2023End:

Unfold

Tags: HEpowerfulgeniusloserlucky doghighschoolmythologywaroffice lady
Latest Updated
Chapter 2.15

Natuwa naman si Wong Ming sa pangyayaring iyon lalo pa't hindi nito aakalaing mabilis na mapuksa ang mahihinang mga Blue Monkeys na iyon. Nasa kontrol ng Four Armed Blue Monkey ang paningin ng mga ito kung kaya't naging madali na paslangin ang mga ito.

Natutuwa siyang malaki ang naging papel ng kahusayan niya sa Sword Needles……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.