5.791K
VISITORS
464

ABOUT ME

09-10-20 Thank you for visiting my account. -Year of the Dragon -Optimistic -Goal-oriented -Wants to write stories with moral lessons/slice of life Happy Reading!

ABOUT ME

09-10-20 Thank you for visiting my account. -Year of the Dragon -Optimistic -Goal-oriented -Wants to write stories with moral lessons/slice of life Happy Reading!
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY jilib480

Immortal Destroyer [Volume 13]

Immortal Destroyer [Volume 13]

Reads

Nakasanayan na ni Wong Ming ang pamumuhay nito sa loob ng Flaming Sun Guild kung saan siya ngayon nabibilang. Marami pa siyang natutunan na mga bagay-bagay lalo na upang lumakas. kasabay din ng pag-unlad at paglakas niya ang matinding unos na maaaring sapitin niya sa mga paligsahan lalong-lalo na sa pagsali niya sa Annual Harvest Month. Tila lapitin talaga siya ng trahedya dahil isang kagimbal-gimbal ang masasaksihan niya sa loob ng Old Amity Farm. Makakaya niya pa kayang makalabas ng buhay kung nais ng kapwa niya disipulo na mawala na siya sa mundong ito?! Paano kung makakatagpo siya ng isang napakalakas na nilalang na hindi nabibilang sa mundong ito? Magiging kaaway niya ba ito o magiting kakampi?

Updated at

Read Preview
Godly Gene: Transmigration

Godly Gene: Transmigration

Reads

Si Do Eun ay bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niya aakalaing ang isang dakilang mambabasa na katulad niya sa paborito niyang piksyun ay totoo palang nag-eexist at nararanasan niya ngayon. Mahilig pa naman siyang tumuklas ng mga kakaibang bagay at pinapangarap niya na maglakbay sa hinaharap. Paano nalang kung ang mga bagay-bagay na malalaman niya ay higit na mas nakakamangha pero nakakapangilabot din at the same time. He is only a 16 year old yet he died in a stupid way. Nadismaya siya noong nalaman niyang ang binabasa niyang paboritong mga libro ay nag-end up badly like kung hindi namatay ang mga bida ng mga magagandang librong nababasa niya ay puro miserableng mga katapusan ang nababasa niya. Kaya nga nang mapadpad siya sa mundong ng Cultivation at nabigyan ng panibagong buhay upang maglakbay, sumuong sa labanan at tumuklas ng mga pambihirang mga bagay-bagay ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na bibigyan niya ng halaga ang kaniyang sarili maging ang natutunan niyang mga bagay noon sa mga binabasa niya ay babaguhin niya. Magiging bida ba siya ng pangalawang buhay niya sa mundo ng Cultivation o magiging talunan siya kagaya ng paboritong librong nababasa niya noon? Halina't tunghayan natin ang panibagong Yugto ng buhay ng binatang lalaking si Do Eun sa pambihirang paglalakbay habang iba't-ibang uri ng mga kapwa niya martial artists ang makakasalamuha niya along with his journey, to change his fate, to be the strongest and not be a total loser in this vast world of Cultivation.

Updated at

Read Preview
The Billionaire's Switch

The Billionaire's Switch

Reads

Hade Alexandrius Romualdez was a longtime bachelor at masasabing isa sa pinakamayamang negosyante sa buong pilipinas. Kaliwa't kanan ang ginagawa nito at hindi mapigilan ng lahat kung kailan ito mag-aasawa. Kahit ang pamilya at mga kaibigan nito ay hindi alam ang estado ng buhay nito o kung may balak itong mag-asawa. He's tall, rich and handsome. Kumbaga ay nasa kanya na ang lahat ng gusto mo sa isang lalaki. Maraming mga bali-balita na ang naglipana patungkol sa kanya at marami na rin ang na-link sa kanya na kung sino-sinong babae ngunit ang lahat ng iyon ay walang patunay. Napakarami ng bodyguards nito sa malawak na mansyong kinaroroonan nito at hindi maipagkakailang napakalawak na ng sakop nitong lupain. Ngunit paano na lamang kung sa isang araw ay bigla na lamang napag-isipan ng mga magulang nito na ipakasal ito sa isang makapangyarihang pamilya sa labas ng bansa na siyang kasosyo nila sa mga negosyo nila. Ito ay ang pamilya Montreal na nakabase sa United Kingdom.Ang pamilya Montreal ang isa sa maimpluwensyang pamilya at karaniwan na rin sa mga ito ang mga arrange marriages na hindi naman lingid sa lahat. Labis na tinutulan ito ni Hade Alexandrius Romualdez lalo pa't hindi siya papayag na ikasal sa isang babaeng hindi naman niya kilala at mas lalong hindi niya gustong itali ang sarili para lamang sa isang relasyong wala ring patutunguhan. Naniniwala si Hade Alexandrius Romualdez na sagrado ang kasal at walang patutunguhan ang relasyong bugso lamang ng pera't kapangyarihan.

Updated at

Read Preview
Immortal Destroyer [Volume 12]

Immortal Destroyer [Volume 12]

Reads

Sakay-sakay ng limang malaking mga Giant Sun Condors ang lahat ng mga nanalong mga kalahok. Napakalaking ibon ito ngunit hindi maaaring sobrang dami ng sakay nito. Ang naunang apat na naglalakihang mga ibong ito ay mayroong mga ekspertong galing sa Flaming Sun Guild. Marami-rami din pala ang mga nasa huling sakay ng ikalimang Giant Sun Condor. Lahat ng mga ito ay mga miyembro ng Flaming Sun Guild.Talagang pinaghandaan ang paglipad nila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang Flaming Sun Guild.Hindi maipagkakailang nasa apatnapot tatlo lamang ang naging matagumpay sa mga trials na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming.Talagang nakalkula na ng mismong Flaming Sun Guild ang kukunin nilang mga disipulo. Hindi naman siguro iyon labag lalo pa't ang tanging gusto nga ng Flaming Sun Guild ay mas mababa pa rito. Maayos naman ang paglipad nila kung saan ay tanaw na tanaw ng lahat ang magandang aerial view ng Flaming Sun Guild sa malayo habang makikitang makikita ang nagtataasang mga pader na siyang humihiwalay at nagsisilbing proteksyon ng buong Flaming Sun Guild.Hindi aakalain ni Wong Ming na napakalaking guild pala talaga ito.Natatanaw niya ang ilan sa mga floating islands na iba't-iba ang mga laki at hugis ng mga ito na siyang mas nagpapaganda ng buong lugar na ito.Hindi mapigilan ni Wong Ming na malula sa mga views na ito. Ngunit nadismaya naman si Wong Ming dahil naalala niyang mag-uumpisa silang lahat bilang mga outer disciples ng Flaming Sun Guild.Start:June 30, 2023End: July 13,2023

Updated at

Read Preview
Immortal Destroyer [Volume 11]

Immortal Destroyer [Volume 11]

Reads

Mula sa himpapawid ay unti-unting makikita ang maraming grupo ng mga nilalang na pumunta sa lugar ng Red City. Iba't-ibang mga kulay ang nakikita ni Wong Ming na suot-suot ng mga nilalang na ito maging ng mga simbolong nakatatak sa mga kasuotan ng mga bagong dating na mga nilalang.Buti na lamang at malawak ang parte ng lugar na ito na kasalukuyang ginaganap ang mga kompetisyon kung hindi ay baka nagsiksikan na sila sa dami ba naman ng mga lumahok maging ng mga gusto lamang manood ng labanan.Maraming usap-usapan ang nangyari ngunit mabilis ring nagbago ang lahat nang dumating ang mga pangunahing nangangasiwa ng kompetisyon na isinasagawa ng Flaming Sun Guild.Pansamantalang natigil ang mga kompetisyong nagaganap hanggang sa inanunsyo na lamang ng MC sa malakas at klarong boses na matutuloy ang nasabing kompetisyon ng Flaming Sun Guild sa susunod na dalawang linggo.Marami ang nadismaya at marami din ang natuwa ngunit para kay Wong Ming ay alam niyang tila mababago at mas hihirap ang kompetisyong ito.Isa sa pinakamalaki at pinakatanyag na guild sa tatlong mga naglalakihang siyudad ang Flaming Sun Guild. Misteryoso at tila kinatatakutan rin ang nasabing guild sapagkat ang pwersa nito ay hindi masukat at wala ring eksaktong lokasyon ang nasabing guild. Alam niyang hindi basta-basta ang Flaming Sun Guild. Bilang lamang ang nakakapasok rito at alam niyang hindi naman dadagsa ang marami pang mga kalahok galing sa iba't-ibang parte ng tatlong siyudad kung hindi tunay ang kredibilidad nang nasabing guild.Naiisip ni Wong Ming na ang ganitong pagbabago sa kompetisyong ito ay mas kailangan niyang paghandaan ang nalalapit na pagsasalang sa kanila. Alam rin niyang kung mayroon mang pagbabago ay pabor iyon sa kaniya o sa lahat sapagkat oportunidad ito para sa lahat, mapabata man o matanda habang ipinapakita bula ang kanilang kahusayan sa paglalaban o labanan.Start: June 9, 2023End:

Updated at

Read Preview
Immortal Destroyer: Red City [Volume 10]

Immortal Destroyer: Red City [Volume 10]

Reads

Kasalukuyang nasa loob ng misteryosong lugar si Wong Ming. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang maglakbay siya sa labas ng Golden Crane City. Nakituloy siya sa isang maliit na inn sa lugar ng Ribbon City na isa sa mga malayang siyudad at madaming dayuhan ang dito'y dumadaan upang magpahinga sa mahabang paglalakbay nila. Isa si Wong Ming sa mga nilalang o maituturing na martial arts experts na piniling umukopa sa mga lugar dito upang palipasan ng oras hindi sa paglalakwatsa kundi sa pagplano sa mga susunod na destinasyon niya. Naalala na naman ni Wong Ming ang buhay niya sa Golden Crane City. Ni hindi siya nagpakita o pumunta man lang sa teritoryo ng Wong Family. Ito naman ang gusto nila at kagustuhan niya ring umalis sa lugar na maituturing niyang nagdulot sa kaniya ng magaganda at masasamang alaalang babaunin niya sa panibagong yugto ng buhay niya sa labas ng nasabing siyudad. Masasabi niyang hindi niya pinagsisisihan ang desisyong ito. Nasa tamang edad na rin siya at wala rin namang silbi kung magnanais pa siyang pumunta roon upang ipagsiksikan ang sarili niya. Wala siyang poproblemahin pa lalo pa't inayos na niya ang gulong iniwan ng Fire Demon Tribe. Alam niya ang patungkol sa maaaring mangyari kung hahayaan niyang mag-exist pa ang pangunahing masamang tribong iyon. Tanging iniwan niya lamang ang mga inosenteng mga nilalang na siyang bihag ng tribong iyon. Ang tanging nakaligtas lamang sa bagsik niya ay ang dalawang magkapatid at dalawang elder ng tribong iyon. Masasabi niyang hindi naman ganoon kalakas ang mga itp ngunit nagawa pa rin ng mga itong makatakas sa mga atake niya. Pambihira ang mga ito gamit ang pambihirang mga bagay na nasa possession ng mga ito ngunit hindi niya maaalis na hindi na magiging banta pa ang mga ito lalo pa't naniniwala siyang magagawan na ito ng paraan pa ng Black Clover Tribe at ng ibang tribo na mamuhay at mas lumakas pa dahil wala na ang isa sa mga pangunahing banta ng kanilang mga tribo. Namahagi at nag-iwan na rin siya ng mga tulong sa mga naapektuhan ng nasabing masamang tribo sa munting pamamaraan niya. Gamit ang maskarang suot-suot niya ay masasabi niyang hindi siya makikilala ninuman lalo na ng mga saksi sa labanang iyon na nauwi sa madugong pamamaraan upang makamit ng lahat ang kalayaan ng kanilang mga tribo. Ngunit sa kasamaang-palad ay maraming napaslang at nasugatan sa nasabing matinding labanan na nangyari sa mismong Fire Demon Tribe. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gamitin ang pinakamalakas niyang sandata sa kasalukuyan, ang mga demonic essences sa loob ng katawan niya. Maraming enerhiya ang nasayang at nawala sa kaniya matapos niyang labanan ang pinakalider ng Fire Demon Tribe, ang kanilang Fire Demon Tribe Chief at ang mga malalakas na alagad nito. Naalala niya pa kung paano niya pahirapan at pagpapaslangin ang mga masasamang nilalang na ito. Kung ituring man siyang masama dahil sa pagpaslang niya sa mga ito ay wala siyang pakialam. Ginawa niya lamang ang sa tingin niyang nararapat at mabuting gawin para sa mga taong ito na walang mga puso at sariling interes lamang ang gusto ng mga ito. Alam niya kung sino ang masasamang nilalang at ang mga hindi dahil sa mga awrang nagmumula sa katawan ng mga ito. Isa sa mga abilidad ng sarili niyang mata ang makakita ng awra ng mga buhay at di buhay na mapa-nilalang man o bagay ang mga ito. Isa pa ay mas lalong tumatagal ay lumalakas pa lalo ang sensitivity ng sarili niyang mata sa mga enerhiya sa kapaligiran niya. He could even sense energy from a long distance o kahit ang mga nilalang o bagay na may mga demonic energies na nakapaloob sa mga ito. Namamangha si Wong Ming sa kaniyang sariling pag-unlad lalo pa't naniniwala siyang darating ang araw na mas lalakas pa siya lalo. Alam niya kasing hindi pa natatapos ang cultivation sa Golden Realm Stages dahil may mataas pa na lebel ng cultivation rito. Kagaya ng mga Elemental Demons ay alam niyang mataas pa sa Golden Realm Stages ang lakas ng mga demonyong iyon at ramdam niya ang lawak ng kapangyarihan ng nasabing lider ng Water Demon na iyon. Hindi niya man alam kung anong lebel na ng cultivation ang nasabing pinuno ng Poseidon Phlox Demon Clan ngunit batid niyang nasa limitasyon na ito ng Golden Realm Stages. Ang ama niyang si Head Chief Bengwin ay nasa Early Golden Bone Realm na ito habang ang mga nasa konseho ay nasa boundary na ng Golden Warrior Realm. Kaya nga kahit na nakaupo na sa mismong trono ang ama niyang si Head Chief Bengwin ay kailangan niya pa ring sumunod sa kagustuhan ng konseho. Only those who surpassed those elders na nabibilang sa mga bumubuo ng konseho ng Wong Family ang siyang may malayang pamamaraan ng pamumuno. Kaya nga hindi na siya umaasa pang darating ang araw na magbreakthrough ang amain niya na si Head Chief Bengwin sa mga araw na ito dahil masyado pang malayo iyon. Bawat lebel ng cultivation ay may cultivation requirements at masasabi ni Wong Ming na napakahirap ang pagbreakthrough.

Updated at

Read Preview
The CEO's Love Game [Montefiero Series #1]  [PREMIUM BOOK]

The CEO's Love Game [Montefiero Series #1] [PREMIUM BOOK]

Reads

Akira Romualdez, isang babaeng nagmula sa ordinaryong pamilya ngunit nangarap na maging isang kilalang reporter sa buong Pilipinas. Henley Montefiero, Bantog at kilalang beteranong aktor at isang bigating CEO na kailanman ay hindi nagkaroon ng malaking issue sa industriya lalong-lalo na sa publiko. Ingat na ingat ito ngunit dahil sa kagagawan ni Akira Romualdez ay mukhang masisira ang imaheng pinakainiingat-ingatan nito. Isa lamang siyang baguhang empleyado ng isang kompanyang pinagtatrabahuan nito ngunit pakiramdam niya ay hindi siya aasenso sa karerang pinili niya dahil sa maliliit na scope na nakukuha niya. Ngunit isang hindi inaasahang senaryo ang nasaksihan niya sa isang bar kung saan ay nagkakasiyahan sila noong panahong naging matagumpay ang huling article na ginawan niya cover. Dahil doon ay magbabago ang buhay niya dahil nakatagpo niya lang naman ang isang napakasikat na aktor na si Henley Montefiero na kinababaliwan ng mga kababaihan at sangkabaklaan sa panahong ito sa kasalukuyan. Ngunit paano kung tadhana na mismo ang gagawa ng daan upang magkalapit ang tinaguriang CEO at ng isang ordinaryong reporter?

Updated at

Read Preview
The Unknown Adventure [Volume 3]

The Unknown Adventure [Volume 3]

Reads

Mabilis na lumipas ang araw at naiisipan ni Evor na ipagpatuloy ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sarili niya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Azure Dragon Academy ngunit may problema, there's only a limited chance na matanggap siya sa loob ng prestirhiyosong paaralan sa loob ng Dragon City na protektado ng Azure Dragon Palace. Magagawa niya bang makapasok o magiging mahirap ang lalakarin nitong daan upang makamit ang minimithi nitong tagumpay?!

Updated at

Read Preview
Immortal Destroyer [Volume 6]

Immortal Destroyer [Volume 6]

Reads

Nakangising demonyo namang tumingin si Jīn Yun habang mahigpit na nakahawak sa mahabang espada nito na ngayon ay nakatutok pa rin sa leeg ng nasabing lider ng White Falcon Gang. Ngunit mabilis niyang ibinaba ang sandata nito nang makita niyang malamig na tumingin sa kaniya ang nakakatanda nitong kapatid na si Jīn Shen na halatang hindi natutuwa sa pinanggagawa nilang magkapatid. PAH! Siniko ng lider ng White Falcon Gang ang tagiliran ni Jīn Yun na siyang dahilan upang mapaatras ito halatang nagulat ito habang nakatunghay sa papalayong lider ng nasabing gang. Nakita naman niyang dumila pa ang kapatid nitong si Jīn Xin dahil sa mga pinanggagawa niya. Gusto niya pa sanang kutungan at turuan ng leksyon ang bunsong kapatid niya ay hindi na niya nagawa pa. Mahirap pa naman inisin at mainis si Jīn Shen dahil siya pa rin ang magmumukhang kawawa. Padabog na lumakad si Jīn Yun sa kinaroroonan ng mga kapatid niya bago pa lumala ang sitwasyon. Sa mga titig pa lamang ng nakakatandang kapatid niya ay alam niyang hindi magpapatalo ang pesteng Jīn Xin na inismiran pa siya. Wala siyang magagawa pa kundi ang kainin ang pride niya kundi ay siya rin ang mapapasama. "Mabuti at alam niyong lumugar. Hindi ko aakalaing kayo pa ang ilalagay at ipapadala ni Boss na marami namang mas malakas pa sa inyo hmmp!" Walang kagatol-gatol na sambit ng mismong lider ng White Falcon Gang. Gusto niyang gumanti sa magkakapatid na ito lalo na kay Jīn Xin at sa nakapamainitin ang ulong si Jīn Yun. Gusto niya ring ipakita rito na hindi siya basta-basta lamang maaapi ng sinuman lalo na katulad ng mga Blade Brothers na ito. Ano sila siniswerte? Sa misyong ito ay siya ang lider at siya ang masusunod. Ang mga Blade Brothers na ito ay gusto niyang ilugar sa kung saan lamang sila dapat lumugar. Mabilis na nabalot ng tensyon ang buong lugar na ito matapos sabihin ng mismong lider ng White Falcon Gang ang mga katagang ito. It is almost dead silence filled this place. Hindi tanga ang mga taong naririto kung ano ang tono at ano ang mismong gustong ipakahulugan ng nasabing lider nang sabihin niya ito. Makikita ang inis at galit sa mga mata nina Jīn Xin at Jīn Yun nang maabsorb nila ang katagang gustong ipahiwatig sa kanila ng lider ng White Falcon Gang. "Pesteng bastardo, do you really think high of yourself. Alam naman natin na kami ang pinaka-suitable na eksperto sa misyong ito! Namumuro ka na sa pinapakita mo!" Puno ng confidence na sambit ni Jīn Xin habang hindi nito mapigilang gusto niyang maliitin ang pesteng lider ng White Falcon Gang. "Lakas naman talaga ng loob mo na galitin kami ngunit do you really think na may mahahanap pa siyang katulad namin. Alam naman nating sa atin lahat dito ay ikaw lang naman ang pinakawalang utak dito. Kung sana ay di mo pinatakas ang pesteng yun edi sana wala tayong problema ngayon." Puno ng  panghahamak na saad ni Jīn Yun habang bakas ang pagkainis sa boses nito. Talagang malaki ang problema nito sa lider ng White Falcon Gang lalo na ang mga ginagawa nito ay nagpapainit ng ulo nila. "Talaga ba? Tingnan natin ang kakayahan niyong hulihin ang pesteng nilalang na iyon. Wag niyong sabihing di ko kayo binalaan." Sambit ng lider ng White Falcon Gang. Masasabing talagang hindi niya aakalaing pinagdududahan pa siya ng mga ito. He is really capable but he knows that he can't beat that pest out of this world. Napangisi naman ng malademonyo ang dalawang magkapatid na si Jīn Yun at Jīn Xin. Sa tinginan pa lang ng mga ito ay halatang may naiisip na naman ang mga ito. Paismid na tumingin ang mga ito sa mismong direksyon ng nasabing lider ng White Falcon Gang. "Sa paraan ng pagkakasabi mo ay nagpapatunay lamang na napakahina mo kumpara sa nakalaban mong tumakas. Tama ba ko?" Sarkastikong pagkakasambit ni Jīn Yun habang makikitang tila gusto niyang pasaringan ang sinasabi ng mismong lider ng White Falcon Gang. "Mahina talaga ang gunggong na yan Kuya Jīn Yun, sinabi mo pa! Di ba naman siya tatakasan kung may kakayahan siyang paslangin ang pesteng nilalang na pinapahanap sa atin!" Puno ng pangmamaliit na saad ni Jīn Xin na makikitang tila ba hindi siya magpapatalo sa harap ng isang mahinang nilalang katulad ng lider ng maliit na gang na ito. Kung hindi lamang ito tanyag sa loob ng Chengdu Village ay wala din itong kakwenta-kwentang kausap maging ang pakikisama rito sa isang misyon ay hindi dapat. Ano ang halaga ng isang nilalang na tumakas na iyon? Wala man lang silang masyadong impormasyon ukol rito, ipinapatugis lamang sa kanila ito at wala man lang masyadong mga deskripsyon kung bakit gustong-gusto nila itong ipahuli sa kanila. "Hindi ako mahina. Sadyang hindi niyo alam ang kakayahan ng tumakas na nilalang. Maaaring mataas ang kakayahan niyo sa paggamit ng sandata niyo ngunit pareho pa rin ang Cultivation Level natin na mga Xiantian Realm Expert. Sigurado ba kayong tutulong kayo sa misyong ito o magiging pabigat lamang kayo?!" Wika ng lider ng White Falcon Gang

Updated at

Read Preview
Immortal Destroyer [Volume 8]

Immortal Destroyer [Volume 8]

Reads

Isang magandang at maaliwalas na umaga na naman ang bumungad sa malaking siyudad ng Golden Crane City. Makikita ang napakagandang atmospera lalo na ang bughaw na bughaw na langit. Para namang sumasayaw ang hangin lalo na at napapatianod ang nagkakapalang mga ulap na siyang nakakahalina tingnan. Masasabing napakaunlad ng siyudad ng Golden Crane City habang napapanatili nito ang kaayusan ng bawat lugar lalo na ang kapaligiran. Marami pa ring mga nagtataasang mga puno sa siyudad at malilinis ang mga katubigan na nakapaligid sa lugar na ito. Sa loob ng Wong Mansion... Makikita ang magagarang looban ng nasabing mansyon na ito. Mula sa mga muwebles, daanan maging sa mga dekorasyon sa lugar na ito ay nagsusumigaw sa karangyaan. Hindi naman nakakapagtkaa ito lalo na at ang Wong Family ay itinuturing na isang sa mga Royal Families ng Crane City. Napakaimposible naman siguro na titira lamang ang mga ito sa mga high end na mga gusali dahil higit pa ang yaman na meron ang mga ito kaysa sa pamilya ng mga aristokrata o kahit pa ng mga noble families. Malawak pa sa ordinaryong siyudad ang Crane City at isa sa nangungunang siyudad kumpara sa mga karatig siyudad nito. Wong Family owns almost half a portion of the Crane city kaya kinatatakutan ang nasabing pamilya maging sa iba pang mga siyudad. Knowing how one can frightened those noble families, ano pa kaya ang mga ordinaryong pamilya o mga indibidwal na bumibisita lamang sa siyudad. Kahit nga ang pagdaan sa Wong Mansion ay hindi naman ipinagbabawal ngunit iniiwasan. They don't want to offend anyone or even one of the Wong Family members. Meron kasing isang insidenteng naging malaking balita noon dahil ininsulto ng isang miyembro ng  noble family ang isang royal family na nauwi sa madugong sagupaan o mas mabuting isang one sided fight. Those belongs to Royal Families are natural born genius kaya halos mamatay na ang nasabing noble family member na iyon. Ngunit isa pa rin itong rumor o haka-haka lamang dahil wala namang konkretong ebidensiya patungkol rito. BANG! Isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob ng malawak na training room. Lahat ng gamit rito ay halatang napaglumaan ngunit nasa maayos na kondisyon. Halatang lahat ng gamit dito ay puro mahahalagang kagamitan sa pagsasanay o pag-eensayo. Isang binatang may mahabang kulay itim na buhok ang tanging nag-iisang nandirito sa loob ng training room. Isang bagay ang tila sumabog at nasira sa loob ng malawak na kwartong ito. Isang mechanical robot na gawa sa kahoy ang nakahiga sa sahig habang butas butas ang dibdib nito habang putol ang kaliwang braso ng nasabing humanoid na bagay. Kung sa unang tingin ay ordinaryong mechanical robot lamang ang nasabing bagay na ito ngunit ang totoo niyan ay hindi naman talaga. Ang nasabing bagay ay na ito ay personal na ipinagawa at binigyan ng natural instinct at fighting capabilities ng napakagaling na puppet inscriptionists sa loob ng Crane City na walang iba kundi si Master  Zhu. Halatang sa katandaan maging sa kahusayan sa ganitong klaseng propesyon ay walang makakapantay rito kaya nirerespeto at hinahangaan ng karamihan mapa-bata man o matanda sa Crane City dahil sa reputasyon maging sa abilidad na ipinamalas nito noon hanggang ngayon. Walang kakupas-kupas ang galing nito sa paggamit ng mga puppetry skills at techniques. Even those non-living wooden puppets are capable of learning or having martial arts skills to fight or sparring with those individuals who could afford his work of art puppetries. Napatulala na lamang sa hangin ang nasabing binata habang makikitang may lungkot sa mga mata nito. Halatang may malalim itong naiisip at pawang alaalang nasaksihan niya noon pang nakaraang linggo na siyang dala-dala niya pa hanggang ngayon. "Kailan mo pa sasabihin sa sampid na anak-anakan mo Wong Bingwen na hindi siya nababagay sa royal families. Pinalampas ko ang mahigit apat na taong pagkupkop mo sa paslit na batang iyan. Tingin ko ay panahon na upang hayaan mong mabuhay siya sa loob at labas ng siyudad gamit ang sarili nitong mga paa!" "Tama, he really don't suit to be here. Malas at salot ang pesteng batang kinupkop mo noon. How could you tolerate this until now!" "Hindi pa ba sapat na dahilan ang pagkamatay ng pambihirang golden crane na siyang alaga mo noon pa mang bata ka? Kung hindi dahil sa kaniya ay buhay pa sana ang nasabing nilalang na iyon!" "Malapit na sanang magbreakthrough ang Golden Crane Beast na nasa iyong pangangalaga at magagawa mo na sanang patalsikin ang ibang royal families ngunit ano'ng napala mo? Wala!" "Kung sa akin man nangyari iyon ay hindi ko tatangkaing kupkupin ang batang pumaslang sa alaga mo. Malapit na sanang umabot ang edad ng alaga mo ng sampong libong taon ngunit ngayon ay mukhang malabo na ang hinahangad nating mangyari!" Tandang-tanda ng binata ang sinambit ng mga matataas na mga personalidad na kumakatawan sa Wong Family.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.