Immortal Destroyer [Volume 6]
Share:

Immortal Destroyer [Volume 6]

READING AGE 4+

jilib480 Fantasy

0 read

Nakangising demonyo namang tumingin si Jīn Yun habang mahigpit na nakahawak sa mahabang espada nito na ngayon ay nakatutok pa rin sa leeg ng nasabing lider ng White Falcon g**g.
Ngunit mabilis niyang ibinaba ang sandata nito nang makita niyang malamig na tumingin sa kaniya ang nakakatanda nitong kapatid na si Jīn Shen na halatang hindi natutuwa sa pinanggagawa nilang magkapatid.
PAH!
Siniko ng lider ng White Falcon g**g ang tagiliran ni Jīn Yun na siyang dahilan upang mapaatras ito halatang nagulat ito habang nakatunghay sa papalayong lider ng nasabing g**g.
Nakita naman niyang dumila pa ang kapatid nitong si Jīn Xin dahil sa mga pinanggagawa niya. Gusto niya pa sanang kutungan at turuan ng leksyon ang bunsong kapatid niya ay hindi na niya nagawa pa. Mahirap pa naman inisin at mainis si Jīn Shen dahil siya pa rin ang magmumukhang kawawa.
Padabog na lumakad si Jīn Yun sa kinaroroonan ng mga kapatid niya bago pa lumala ang sitwasyon. Sa mga titig pa lamang ng nakakatandang kapatid niya ay alam niyang hindi magpapatalo ang pesteng Jīn Xin na inismiran pa siya.
Wala siyang magagawa pa kundi ang kainin ang pride niya kundi ay siya rin ang mapapasama.
"Mabuti at alam niyong lumugar. Hindi ko aakalaing kayo pa ang ilalagay at ipapadala ni Boss na marami namang mas malakas pa sa inyo hmmp!" Walang kagatol-gatol na sambit ng mismong lider ng White Falcon g**g. Gusto niyang gumanti sa magkakapatid na ito lalo na kay Jīn Xin at sa nakapamainitin ang ulong si Jīn Yun.
Gusto niya ring ipakita rito na hindi siya basta-basta lamang maaapi ng sinuman lalo na katulad ng mga Blade Brothers na ito. Ano sila siniswerte? Sa misyong ito ay siya ang lider at siya ang masusunod. Ang mga Blade Brothers na ito ay gusto niyang ilugar sa kung saan lamang sila dapat lumugar.
Mabilis na nabalot ng tensyon ang buong lugar na ito matapos sabihin ng mismong lider ng White Falcon g**g ang mga katagang ito. It is almost dead silence filled this place. Hindi tanga ang mga taong naririto kung ano ang tono at ano ang mismong gustong ipakahulugan ng nasabing lider nang sabihin niya ito.
Makikita ang inis at galit sa mga mata nina Jīn Xin at Jīn Yun nang maabsorb nila ang katagang gustong ipahiwatig sa kanila ng lider ng White Falcon g**g.
"Pesteng bastardo, do you really think high of yourself. Alam naman natin na kami ang pinaka-suitable na eksperto sa misyong ito! Namumuro ka na sa pinapakita mo!" Puno ng confidence na sambit ni Jīn Xin habang hindi nito mapigilang gusto niyang maliitin ang pesteng lider ng White Falcon g**g.
"Lakas naman talaga ng loob mo na galitin kami ngunit do you really think na may mahahanap pa siyang katulad namin. Alam naman nating sa atin lahat dito ay ikaw lang naman ang pinakawalang utak dito. Kung sana ay di mo pinatakas ang pesteng yun edi sana wala tayong problema ngayon." Puno ng  panghahamak na saad ni Jīn Yun habang bakas ang pagkainis sa boses nito. Talagang malaki ang problema nito sa lider ng White Falcon g**g lalo na ang mga ginagawa nito ay nagpapainit ng ulo nila.
"Talaga ba? Tingnan natin ang kakayahan niyong hulihin ang pesteng nilalang na iyon. Wag niyong sabihing di ko kayo binalaan." Sambit ng lider ng White Falcon g**g. Masasabing talagang hindi niya aakalaing pinagdududahan pa siya ng mga ito. He is really capable but he knows that he can't beat that pest out of this world.
Napangisi naman ng malademonyo ang dalawang magkapatid na si Jīn Yun at Jīn Xin. Sa tinginan pa lang ng mga ito ay halatang may naiisip na naman ang mga ito.
Paismid na tumingin ang mga ito sa mismong direksyon ng nasabing lider ng White Falcon g**g.
"Sa paraan ng pagkakasabi mo ay nagpapatunay lamang na napakahina mo kumpara sa nakalaban mong tumakas. Tama ba ko?" Sarkastikong pagkakasambit ni Jīn Yun habang makikitang tila gusto niyang pasaringan ang sinasabi ng mismong lider ng White Falcon g**g.
"Mahina talaga ang gunggong na yan Kuya Jīn Yun, sinabi mo pa! Di ba naman siya tatakasan kung may kakayahan siyang paslangin ang pesteng nilalang na pinapahanap sa atin!" Puno ng pangmamaliit na saad ni Jīn Xin na makikitang tila ba hindi siya magpapatalo sa harap ng isang mahinang nilalang katulad ng lider ng maliit na g**g na ito. Kung hindi lamang ito tanyag sa loob ng Chengdu Village ay wala din itong kakwenta-kwentang kausap maging ang pakikisama rito sa isang misyon ay hindi dapat.
Ano ang halaga ng isang nilalang na tumakas na iyon? Wala man lang silang masyadong impormasyon ukol rito, ipinapatugis lamang sa kanila ito at wala man lang masyadong mga deskripsyon kung bakit gustong-gusto nila itong ipahuli sa kanila.
"Hindi ako mahina. Sadyang hindi niyo alam ang kakayahan ng tumakas na nilalang. Maaaring mataas ang kakayahan niyo sa paggamit ng sandata niyo ngunit pareho pa rin ang Cultivation Level natin na mga Xiantian Realm Expert. Sigurado ba kayong tutulong kayo sa misyong ito o magiging pabigat lamang kayo?!" Wika ng lider ng White Falcon g**g

Unfold

Tags: adventuresecond chancedramabxgseriousgeniusmale leadmultiversewar
Latest Updated
Chapter 40

Mabilis itong lumipat ng pwesto at lumitaw ito sa harap ng batang si Li Xiaolong habang hinarang nito ang dalawang kamay nito upang harangan ang nasabing batang paslit.

"At bakit ko naman lilisanin ang lugar na ito? Isa akong special guests ng Green Martial Valley Union kaya hinding-hindi mo ako mapapaalis rito. Ang lakas din……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.