Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)
Share:

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

READING AGE 18+

SRRedilla Action

0 read

Black Lipstick Vely, edad labing apat na taong gulang lamang siya ng masaksihan niya ang ginagawang panloloko ng kanyang ama sa ina niya. Ngunit tiniis lang ‘yon ng Inay niya, dahil katwiran nito ay ayaw nitong magkawatak-watak ang pamilya nila.
Ngunit sukdulan na yata ang kasamaan ng ama ni Black Lipstick dahil ang babaeng kalaguyo nito ay inuwi pa sa bahay nila upang doon patirahan dahil nagdadalang tao. Wala silang magawa ng kanyang Inay dahil ang sabi ng Itay niya kanya ang bahay ‘yon kaya kahit sino ay puwede niyang patirahin. 
Sa pagdaan ng mga araw na pamamalagi ng kabet ng kanyang Ama sa bahay nila ay naging impiyerno ang buhay nilang mag-iina. Dahil ginawa silang alila ng kabet ng kanyang Ama. Ngunit tiniis lahat ‘yon ng Nanay niya.
Hanggang sa isang umaga ay nakita niyang sinasaktan ng kabet ng kanyang itay ang nanay ni Black Lipstick. Dala ng galit niya sa kabet ay hinampas niya ito ng timba sa ulo na siyang nakita ng kanyang ama. Dahilan kaya sila ay pinalayas sa bahay nito.
Masakit para kay Black ang ginawa ng kanyang Ama. Ngunit pinangangako niya sa kanyang sarili na babalik siya upang ipakita sa kanyang ama na kaya nilang mabuhay ng wala ito. At sinusumpa rin ni Black Lipstick na itatakwil niya ang mga lalaki sa buhay niya.
Sapagbabalik ba ni Black Lipstick sa lugar na kung saan sila nasaktan ay tuluyan na kaya niyang kamuhian habang buhay ang Ama. At gawin na kaya niya ang balak niya na maghanap ng lalaking babayaran upang bigyan siya ng anak? 
Paano kung ang maging misyon ay alamin kung leader ba ng isang sindikato ang kanyang Ama? Makakaya ba niyang ipakulong ito?
Abangan!

Unfold

Tags: darkone-night standHEage gapforcedwar
Latest Updated
Wakas!

Dali-dali namang umalis si Yaya sa aking harapan para kumuha ng talong na pinakukuha ko. Ngunit hindi pa nakakalayo si Yaya ay narinig ko na ang ugong ng sasakyan na pumasok. Buong lakas kong itinulak ang babae.

Kahit hindi ako tumingin ay alam kong si Apollo ang dumating. Mabilis namang bumangon ang babae at nagmamadaling lumapit ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.