Reads
Lumaking salat sa buhay ang mga magulang ni Celestine "Tin-tin" Locsin. Dumagdag pa ang may sakit niyang ina. Labas masok ito sa hospital. Kaya nabaon na rin sila sa utang. Ngunit hindi lumubos maisip ng dalaga na sa edad niyang dalawampu taong gulang. Ipagbili siya sa kanyang ama at patagong ipapakasal mula sa isang Gobernador sa lalawigan. Si Gobernador Hermedes Echaves. Labag sa kanyang kalooban ang ginawa ng ama dahil may iba siyang minamahal at unang beses pa lamang silang nagtagpo ng Gobernador ayaw na niya sa lalaki dahil matapang at bastos na itong magsalita sa kanya. Ngunit wala siyang magagawa, wala siyang lakas na loob para kalabanin ang kagustuhan kanyang ama, dahil alam niyang makakabuti sa kanilang pamilya ang ginawa nito lalong-lalo na sa pagpapagamot ng kanyang ina. Magawa pa kayang makawala ni Celestine mula sa pagkakagapos sa buhay ng isang Governor Hermedes? Paano niya pakikisamahan ang lalaki gayong lihim na pagkasuklam ang nararamdaman niya para rito? Abangan!
Updated at
Reads
BLURBSi Amelia Divinagracia, an orphan with two younger siblings. College working students, with the course of Bachelor of Science Accountancy (BSA). Nag-aaral sa umaga habang nagtatrabaho sa gabi. Naniniwala kasi siya na ang pagtatapos sa pag-aaral ang makaaahon sa kanila sa kahirapan.Ngunit mukhang madidihado ang pangarap niyang maka-graduate sa kolehiyo dahil sa isang subject. Ibinagsak siya ng kanyang istriktong Professor, si Mr. Calvin Estrera.Nakilaka bilang Hotty Strict professor. For some reason, hindi malaman ni Amelia kung bakit siya pinag-iinitan ng Professor kahit na wala naman siyang ginawang masama.Desperate moves, comes from her mind. Nabuo ang kanyang Oplan Seduce my Strict Professor.Matagumpayan kaya ni Amelia na mapa-ibig ang gwapo at istriktong Professor? Or tuluyan nang maglaho ang kanyang pangarap na makapagtapos kolehiyo at mabigyan ng magandang buhay ang mga kapatid.
Updated at
Reads
Carmela Vee, edad labing walong taong gulang. Simple lang ang pangarap niya ang makapagtapos ng pag-aaral, dahil gusto rin niyang matupad ang pangarap sa kaniya ng ate Trish niya. Ngunit paano matutupad ang inaasam na pangarap kung sa university na pinapasukin niya ay naroon ang taong hahadlang sa kanya, walang iba kundi si Calyx De Leon, kahit saan yata magpunta si Carmela ay nakasunod ito. Nagulat din siya nang malaman na si Calyx ang may-ari ng university. Gustuhin man niyang lumipat ng ibang university ay hindi niya magawa dahil sa pagbabanta nito na papatayin siya. Hindi niya alam kung bakit galit ito sa kanya, basta nagulat na lang si Carmela isang araw na siya ang sinisisi ng lalaki sa pagkawala ng nobya nito, ni-kahit isang hibla ng buhok ay hindi pa niya nakikita ang sinasabi itong kasintahan. Makakatakas pa kaya si Carmela sa mga pang-haharas at pananakot sa kanya ng lalaking may sira ang ulo o mauuwi sila sa tunay pag-iibigan. Abanga!
Updated at
Reads
Labing walong taong gulang palang si Helena Avengo ng maagang magkaroon ng kasintahan na mas matanda sa kanya, hanggang sa magdesisyon ang mga magulang nila na ipakasal sila dahil nag-aalala ang mga ito na baka mabuntis siya. Sa unang taon bilang mag-asawa ay maganda ang naging pagsasama nila. Ngunit agad silang sinubok ng tadhan, hindi alam ni Helena kung ano'ng nangyari basta nagulat na lang siya na galit na galit na sa kanya ang asawa at pinagbibintangan siya na may lalaki at iniputan raw niya sa ulo. Hanggang sa lamang niya na ang kanyang matalik na kaibigan ang may kagagawan ng lahat kung bakit nasira siya kay Xavier, ito ang nagpapadala ng mga pekeng picture kay Xavier at may katabi siyang lalaki na kahit minsan ay hindi ginawa ni Helena. Wala na siyang nagawa nang palayasin na siya ng kanyang asawa. Kahit mahal niya si Xavier ay sinunod niya ang gusto nito. Ngunit nangako siyang babalik upang linisin ang pangalang nadungisan. Abanga!
Updated at
Reads
Blurb Lahat tayo ay may kanya-kanyang obligasyon, pangarap at priority sa buhay. Gaya na lamang ni Nanilyn Trenidad, ang babaeng napaka simple at walang ka arte-arte sa katawan. Hugis puso ang mukha 5'4 ang height at may angking kagandahan. Mapagmahal sa asawa at maaruga. Simple lang ang nais niya ang maging maayos at maganda ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa na si Kyko. For better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. Mga katagang sinumpaan at pinanghahawakan ni Nanilyn. Ngunit sinusubok ng tandahan, paano kung ang iniingatan at pinoprotektahan niyang pamilya ay masisira lang ng isang kasinungalingan, dahil hindi na niya kontrolando ang mga mangyayari. Handa pa kayang ipaglaban at magtiis ni Nanilyn. Kung puro, hinagpis at luha ang napapala niya. Kaya niya bang akuin ang sakit at magpatuloy na panghawakan ang taong mahal niya, kung ito mismo ang humusga sa kanya at inabandona siya sa putik. Paano kung may umeksenang lalaking bal*w na bigla-bigla na lang sumusulpot. At handang protektahan ni Nanilyn at pangalagaan. Iyong tipong magugulat ka na lang ang dalaga kahit panty niya ay sinasama sa paglalaba. Abangan! Author: Srredilla
Updated at
Reads
Blurb:Mabagsik, matapang, walang awa at ma-pride. Iyan ang mga katangiang taglay ni Kent Lucero ang kagila-gilalas na isang Mafia Lord. Ceje Bril, isang nakapaka simpleng babae at laki sa hirap na namumuhay sa Isla Canar. Isang dalaga na walang magawa kung hindi ang magtiis sa tyahing malupit.May mga bagay na hindi natin hawak o kontrolado ang pangyayari sa ating buhay.Gaya na lamang ni Ceje na ibeninta ng kanyang tiyahin. Kung kaya napilitan 'tong tumakas. Bago pa siya makuha ng mga taong pinagbintahan ng kanyang tyahin. Ngunit magawa pa kaya niyang makatakas, dahil hindi lang pulis ang naghahanap sa kanya, gayon din ang buong mundo. Eh, paano kung magpanggap na lang siyang lalaki upang makapasok ng trabaho, ngunit paano kung bumagsak din siya sa taong humahanting sa kanya? Makatakas pa kaya siya o baka naman. Makulong na rin ang puso niya sa isang Mafia Lord dahil sa angkin nitong kakisigan at natatagong kabaitan.Abangan!
Updated at
Reads
Black Lipstick Vely, edad labing apat na taong gulang lamang siya ng masaksihan niya ang ginagawang panloloko ng kanyang ama sa ina niya. Ngunit tiniis lang ‘yon ng Inay niya, dahil katwiran nito ay ayaw nitong magkawatak-watak ang pamilya nila. Ngunit sukdulan na yata ang kasamaan ng ama ni Black Lipstick dahil ang babaeng kalaguyo nito ay inuwi pa sa bahay nila upang doon patirahan dahil nagdadalang tao. Wala silang magawa ng kanyang Inay dahil ang sabi ng Itay niya kanya ang bahay ‘yon kaya kahit sino ay puwede niyang patirahin. Sa pagdaan ng mga araw na pamamalagi ng kabet ng kanyang Ama sa bahay nila ay naging impiyerno ang buhay nilang mag-iina. Dahil ginawa silang alila ng kabet ng kanyang Ama. Ngunit tiniis lahat ‘yon ng Nanay niya. Hanggang sa isang umaga ay nakita niyang sinasaktan ng kabet ng kanyang itay ang nanay ni Black Lipstick. Dala ng galit niya sa kabet ay hinampas niya ito ng timba sa ulo na siyang nakita ng kanyang ama. Dahilan kaya sila ay pinalayas sa bahay nito. Masakit para kay Black ang ginawa ng kanyang Ama. Ngunit pinangangako niya sa kanyang sarili na babalik siya upang ipakita sa kanyang ama na kaya nilang mabuhay ng wala ito. At sinusumpa rin ni Black Lipstick na itatakwil niya ang mga lalaki sa buhay niya. Sapagbabalik ba ni Black Lipstick sa lugar na kung saan sila nasaktan ay tuluyan na kaya niyang kamuhian habang buhay ang Ama. At gawin na kaya niya ang balak niya na maghanap ng lalaking babayaran upang bigyan siya ng anak? Paano kung ang maging misyon ay alam kung leader ba ng isang sindikato ang kanyang Ama? Makakaya ba niyang ipakulong ito? Abangan!
Updated at
Reads
Maxelyn Espinosa. Isang simpleng babae na ang hangad na makatapos ng pag-aaral. Ngunit sinubok ng tadhana ang pamilya nila nang maghiwalay ang mga magulang. Nagkawatak-watak sila at siya lang ang tanging napunta sa puder ng kaniyang Ama. Ngunit ilang buwan lang ang nagdaan nang maghiwalay ang mga magulang niya ng mamatay sa isang hit and run ang kaniyang Ama. Kaya mag-isa lang niyang binubuhay ang kaniyang sarili. Edad labing limang taong gulang lamang siya nang maging palaboy sa kalye handang mamalimos upang may mailaman sa sikmura niyang kumakalam. Hanggang isang araw ng may isang matandang babae ang kumupkop sa kaniya. Tinulungan siya na makapag-aral at binigyan ng matutuluyan. Ngunit may isa siyang problema ang apo nito na lalaki. Si Waxwell Mortel, isang lalaking bilyonaryo. Ngunit ang tingin sa kaniya ay isang babaeng gold digger. Isang umaga, gusto niyang magtatalon sa tuwa nang malamang umalis ng bansa ang lalaki ang tanging dasal niya sana’y hindi na ito bumalik. Naging maganda ang buhay niya sa paling ng matanda. Ngunit may nais pa siyang mahanap. Walang iba kundi ang mga kapatid at Ina. Kaya nang sabihin ng kaibigan niya na si Kricel ang tungkol sa Secret Weapon Ng Bansa, walang pagdadalawang isip na nag-training siya. Sa pagpasok niya sa panibagong mundo bilang Secret Weapon Ng Bansa, matupad na kaya ang mga pangarap niyang inaasam ang makita ang mga kapatid? Abanga!
Updated at
Reads
Ang huling habilin kay Luna ng nakakatandang kapatid niya bago ito bawian ng buhay ay ang hanapin niya ang Ama ng Anak nito. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil may picture siya ng Ama ng kaniyang pamangkin. Okay na sana ang lahat, dahil walang pag-aalinlangang tinanggap ni Mr. Four. De Vera ang kaniyang pamangkin. Subalit--- bigla namang dumating ang lalaking pinagtataguan niya, si Seven De Vera. Ang bunsong kapatid ni Mr. Four De Vera. Nang muli silang magtagpo ay halos ibugsok siya sa lupa. Hindi na siya magtataka roon dahil siya lang naman ang ugat kung bakit hindi natuloy ang kasal ni Seven sa magiging asawa sana nito. Sa muli nilang pagtatagpo. Mapapatawad pa ba siya ni Seven? Oh, may mabuo kayang pagmamahalan sa kanila?" Abangan!
Updated at
Reads
Kricel Sangalang, sa edad niyang dalawampu’t tatlong taong gulang ay masasabi niyang isa na siyang mahusay na secret weapon ng bansa. Ngunit ang husay niya sa pakikipaglaban ay hindi niya puwedeng ipakita sa pamilya niya, lalo na sa kaniyang Ama na Governor sa bayan nila. Hanggang isang araw ay pinauuwi siya sa ng kaniyang Ama, dahil sa nakatakda niyang kasal na labis niyang ikinagulat. Ngunit hindi siya papayag sa gusto nito, lalo at hindi man lang niya kilala ang lalaking papakasalan niya. Kaya nang umuwi si Kricel sa bayan nila ay nagpanggap siyang may sakit at malapit ng mamatay, huwag lang matuloy ang kasal na gusto ng kaniyang Ama. Sapag-uwi ni Kricel sa kaniyang bayang sinilangan, mapapaniwala ba nito ang kaniyang Ama sa kaniyang kasinungalingan? Ngunit paano kung ang misyong hahawakan niya ay may kaugnayan sa lalaking magiging asawa? ABANGAN!
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.