Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves
Share:

Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves

READING AGE 18+

Toripresseo Romance

0 read


Blurb
"Magaling anak— magiging malaya na din ang lahat mula sa mga lobo na walang ginawa kung hindi alilain lahat ng bampira. Tayo na ang mamumuno sa buong kaharian ng Castelliona," ani ng ama ni Valkyrie matapos itaas ang hawak nitong kopita na naglalaman ng dugo ng tao. 


Matapos marinig iyon ni Valkyrie isang half blood vampire. May bahagi sa kaniya ang hindi natuwa— hindi pa din nawala sa isip niya ang reyna ng mga lobo na kinulong siya ng ilang libong taon sa palasyo. 


Umalis si Valkyrie sa bulwagan at tinungo ang pinakamataas na bahagi ng palasyo. Mula doon nakikita niya ang buong lugar ng castelliona na sinasabing pinagkait ng mga lobo sa mga bampira. 


Pumasok sa isip niya ang reyna na namatay mismo sa mga kamay niya. Napaluhod ang binata at tiningnan ang mga kamay niya. 


"Bakit hinayaan ng mahal na reyna na gawin ko iyon? Kaya niyang protektahan ang sarili niya sa akin— bakit hindi na lang niya ako pinatay?" ani ng binata hanggang sa namalayan niya na lang ang mainit na bagay na tumutulo galing sa mga mata niya. 


Tumulo iyon sa mga palad niya na puno ng dugo ng reyna. Binaon niya iyon mismo sa katawan ng reyna at walang awa na dinukot ang puso ng reyna ng mga lobo. 


"Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaan na mamatay ka sa mga kamay ko?"


"Bakit mo ako niyakap at tinanggal ang marka mo bago ka mawala? Bakit mo ako niligtas?" basag na sambit ng kalahating bampira habang patuloy ito sa pagluha at nakatingin sa mga kamay niya na binabalutan ng dugo ng reyna. 


"Sagutin mo ako. Bakit hindi mo ako pinatay?"

Unfold

Tags: fatedsecond chancetwistedenemies to loversrebirth/rebornnaivepassionateseductivesacrificeNeglected
Latest Updated
Epilogue

Epilogue

Masama ang timpla ng mukha ni Messiah habang hawak ang mga braso at napapalibutan siya ng mga maharlikang pamilya, mga prinsipe at prinsesa galing sa ibang kaharian.

Dahil sa pagiging ordinaryong tao niya ay minamaliit siya ngayon ng iba't ibang lahi without knowing na siya ang kaisa-isang prinsipe ng castelliona.

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.