146.533K
VISITORS
8.581K

ABOUT ME

Fb account: Kinn Rivas Official page: Toripresseo Wattpad Acc: Toripresseo Genre: Random Language:Filipino

ABOUT ME

Fb account: Kinn Rivas Official page: Toripresseo Wattpad Acc: Toripresseo Genre: Random Language:Filipino
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Toripresseo

The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Reads

Blurb Dahil sa isang malagim na aksidente tuluyang nasira ang magandang mukha ni Sonia Salazar— Valencia. Ito ang naging dahilan para masira at tuluyang bumaliktad ang mundo niya. Pinandirihan siya ng pamilya ng asawa, kinatakutan ng nag-iisang anak na siyang niligtas niya at tuluyan na siyang pinagpalit ng asawa sa ibang babae. "I think— mas magandang mag-divorce na lang tayo. Hindi ko kayang tagalan ang tiyura mo at isa pa natatakot na sa iyo si Vladimir. Pasensya na Sonia— ayoko din na mas magalit pa sa akin ang pamilya ko at tuluyan nilang tanggalin ang kompanya sa akin. Kailangan ko ang kompanya para kay Vladimir," iyon ang mga salitang binitawan ni Victor Valencia. Ang unang asawa ni Sonia at ang taong nangako sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magsasama silang dalawa— hindi siya iiwan at sasaktan. Hindi maintindihan ni Sonia— bakit iyon ginawa ng kaniyang asawa at ang taong buong puso niyang pinagkatiwalaan. Nakatayo si Sonia sa harap ng fountain sa gitna ng park. Tinitingnan ang mukha niya na balot ng benda. Sunod-sunod tumulo ang luha ng babae. "Hayop ka Victor. Ibalik mo ang anak ko," umiiyak na sambit ni Sonia at napaupo sa lupa habang nakahawak siya ng mahigpit sa gilid ng fountain. Patuloy ang paghihinagpis ni Sonia habang nakaupo sa lupa. Bukod kasi hindi binigay ng dating asawa ang anak ay pinalayas siya ng mga Valencia sa mansion na walang kahit na ano at matutuluyan. Hindi na din niya alam kung saan siya ngayon pupunta at saan magsisimula. Napahikbi ma lang si Sonia dahil sa sobrang frustration. "Are you sick?" Napatigil si Sonia at lumingon. May nakita siyang bata na nasa anim na taong gulang. Napaatras ang mga kasama nitong bata. "France! Run! Monster siya!" sigaw ng mga bata. Tumakbo ang mga ito kaya napalingon ang bata. Napatayo si Sonia at napaatras. Napatingin ang bata sa kaniya at inaabot pa din ang puti nitong panyo. Hindi iyon inaabot ni Sonia sa takot na baka bigla itong tumakbo din kapag lumapit siya. "Mommy, ang tagal kitang hinintay. Nandito ka lang pala. Uwi na tayo. Mis ka na namin ni daddy," ani ng bata. Na-shocked si Sonia. Aalis na si Sonia nang habulin siya ng bata at hawakan ang laylayan ng suot niyang jacket. "France! What are you doing here. Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang aalis ng school ng hindi kita sinusundo?" Napalingon si Sonia. May gwapong lalaki ngayon ang palapit sa kanila at mukhang hindi siya napansin. Naalala niyang sikat na celebrity ito at madalas niya makita sa mga billboard. Napatigil ang lalaki matapos marinig ang sinabi ng anak. "Daddy, nakita ko na si mommy." Doon nagtama ang mata nilang dalawa. Agad na kinuha ng lalaki ang anak at binuhat. "Hindi siya ang mommy mo," ani ng lalaki at tumalikod. Biglang nagwala ang bata at sumigaw ng mommy. Pinaghahampas nito ang ama na napamura na lang. Sa isip ni Sonia mukhang may matinding anger management ang bata. Nabitawan ito ng ama. Tumakbo ang bata palapit sa kaniya at yumakap. "Mommy, don't leave me again. Promise, I will be a good boy. Magbe-behave na ako. Mommy, please, don't leave me." Sa isang iglap nang araw na din iyon bigla si Sonia na nagkaroon mg anak at kinilala siya nitong mommy. Ayaw umuwi ng hindi siya kasama. Napasapo ang lalaki sa noo. "Maari bang sumama ka sa amin ngayon? Babayaran kita ng malaking halaga. Kailangan ko lang iuwi ang anak ko," ani ng lalaki. Pinagtitinginan na sila doon at tinatakpan na ng lalaki ang mukha niya. Malaking gulo kung may mga reporter pa na pumunta doon at mas dumami iyong tao na nakakapansin sa kaniya. Sa isip ni Sonia paano siya makakatanggi kung may dalawang pares ng asul na mga mata ang ngayon ay nakapako ang tingin sa kaniya. Nagmamakaawa na sumama na siya. Sa pagdating ng dalawang tao na iyon ay kahit ilang minuto ay nawala sa isip niya ang walang hiya niyang dating asawa at ang buong pamilya nito. "O-Okay sasama ako." Hindi alam ni Sonia. Miyembro 'man ang mga ito ng kulto o sindikato. Wala na siyang pakialam. Wala ng halaga ang buhay niya— wala na ang anak niya, wala na ang lahat sa kaniya mula sa career at sa pamilya. "Mommy, uwi na tayo."

Updated at

Read Preview
Touch Me and You're Dead

Touch Me and You're Dead

Reads

Simula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at proteksyon mula sa sarili nito na ama kalaunan ay nabigo din siya after mag decide ito na ipakasal siya sa italiano na matanda. Naisip ni Hilda hindi nagba-bound sa dugo at laman ang pagmamahal. Pinili ng ama ni Hilda na ibenta siya— dugo niya at laman para mailigtas ang step sister niya na ni walang isang patak ng dugo galing sa ama niya. Umalis si Hilda at tumakas sa kapalarang inilatag sa kaniya ng sariling ama. Hinanap nito ang kalayaan sa italy. "Saan ba ako nagkamamali?" ani ni Hilda na ngayon ay hawak ang ulo habang nakatitig sa pregnancy test na hawak. She marely survive by little lucky of hers and now— may isa pa siyang buhay na kailangan protektahan. "Hindi nga ako sigurado sino ang tao na nakasama ko sa kwarto." May pagkakautang siya na need bayaran kay Arthur Cage Nicastro kaya tinanggap niya ang mission na bantayan ko ang anak nito na si Aron Nicastro. But during mission may nangyari na aksidente. Lasing siya 'non at ang huling nakasama niya ay si Aron Nicastro. "Importante ba sino ang ama?" bulong ni Hilda tapos sumandal sa sofa. Walang buhay ang mga mata na tiningnan mabuti ang pregnancy test. "If nag-fail ang mission, nakahanap ako ng opportunity at the end— if gusto ko mabuhay. Kailangan ko ulit tumakas at wala ako balak iwan ang bata na ito. Sino 'man sa dalawang Nicastro ang ama."

Updated at

Read Preview
The Billionaire's 7 Year Old Wife

The Billionaire's 7 Year Old Wife

Reads

The Billionaire's 7 Year Old Wife by Toripresseo 6 years old si Keith Pittman noong namayapa ang parents ni Keith dahil sa isang car accident. Tanging ang naiwan lang sa kaniya ng mga ito bukod sa assets ng mga Pittman ay isang last will kung saan isa sa mga nakasaad sa kasulatan na kailangan ni Keith pakasalan ang anak ng kaibigan ng parents niya para mailipat sa pangalan niya lahat ng assets ng mga Pittman. Ang anak ni Bryan Reynold. Hindi nagustuhan ni Keith 'nong malaman iyon specially sa part na bigla na lang dinala ng butler niya sa mansion niya ang batang pakakasalan niya at pinakilala as his fiancee which is 7 years old pa lang that time. Hindi makapaniwala si Keith na kailangan niya alagaan at palakihin ang batang iyon in future para pakakasalan niya. It's look funny for him at same time rediculous not until— malaman niya na hindi lumaki ang batang si Bible kasama ang mga tunay nitong mga magulang. Lumaki ito sa tinuring ng batang pangalawang pamilya at nakaranas ng maraming pang-aabuso. Dahil sa awa at out of responsibility— pinatira niya sa mansion ang bata, ibinigay ang justice na nararapat dito, pinakain, binihisan at pinag-aral sa kilalang school. He hide his young fiancee under his wings and protect her ngunit hanggang saan at kailan gagawin iyon ni Keith kung ginagawa lang iyon ni Keith dahil sa last will. Maitutuloy niya pa kaya ang balak niya pagnasa wastong gulang na ito pakakasalan niya ito then idi-divorce after maipasa ang last will. "Keith, here. Sa iyo na lang itong last candy ko," ani ng batang si Bible at ngumit. Sinabi nito na huwag ng sad si Keith. "Sa tingin mo gaganda na ang mood ko dahil lang sa isang candy? Isa pa marami ako binigay na candy sa iyo tapos isa lang ibibigay mo sa akin?" tanong ni Keith habang nakaupo sa bench at tiningnan ang candy na pinatong ni Bible sa mga palad niya. "But iyan ang pinaka-most important at sweets na laman ng candy bag ko because last siya. Hindi mo alam kung gaano kahirap ibigay sa iyo ang last candy ko since last na iyan," ani ni Bible at nakanguso na pinaglalaruan ang mga daliri. Natawa si Keith sinabi na masyado glutton si Bible. Ginawa pa nitong reason iyong pagiging last ng candy since naubos na nga niya lahat. Ngumiti ng matamis si Bible after isubo ni Keith ang candy na binigay sa kaniya ng batang babae. Noong tinitigan ni Keith si Bible bumulong lang ng sweet si Keith. How far he can do for Bible, his 7 year old wife kung alam ni Keith sa sarili niya na siya lang ang meron si Bible, ang kasal at last will ay siyang parang bomba na sasabog sa lahat ng ginawa niya, mga memories at sisira kay Bible in future.

Updated at

Read Preview
Living with My Ruthless Contract Girlfriend

Living with My Ruthless Contract Girlfriend

Reads

Warning: R-18 "This is insane, paano ko mapapaalis ang babaeng iyon sa bahay na ito ng hindi nalalaman ni mom! Paano!" ani Messiah Jimenez habang parang tanga na nagpapabalik-balik habang naglalakad sa gitna ng living room. Nakaupo lang naman si Eira Averie sa baitang ng hagdan habang ngumunguya ng bubble gum. "How about uminom ka na lang ng sleeping pills, matulog ka maghapon at gumising kana lang after 2 years para tapos ang problema natin dalawa. Honestly, hindi ka magandang ka-bondong. Masyado kang boring," sabat ni Eira Averie Mayers na kinatingin ng masama sa kanya ni Messiah. "Huwag mo akong kausapin! hindi kita close," asik ni Messiah. May ilan naman katulong sa paligid nila na parang nalilibang pa habang pinanonood ang dalawa na nag-iingay. "Sino naman gusto maging ka-close mo? tulungan na lang kita mag-isip." "Bakit hindi mo na lang tawagan ang mommy mo, sabihin mo na susunod ka sa kanila sa france at magiging mabait ka ng bata para tapos na ang problema natin na dalawa," ani ni Eira na mas kinausok ng ilong ni Messiah. "At sa tingin mo gagawin ko iyon?" asik na tanong ni Messiah na kinataas ng gilid ng labi ni Eira. "Then magtiis ka, mag-act ka na goodboy para magkasundo tayong dalawa," may ngiti na sambit ni Eira. Sa ngiting iyon ni Eira tila nagbukas ang pintuan ng impyerno para kay Messiah. Eira Averie was possessed by angelic voice and face of an real Angel pero tuwing ngingiti ito pakiramdam ni Messiah may hindi magandang mangyayari sa kanya anytime.

Updated at

Read Preview
Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves

Rebirth: Tamed by Queen of the Wolves

Reads

Blurb "Magaling anak— magiging malaya na din ang lahat mula sa mga lobo na walang ginawa kung hindi alilain lahat ng bampira. Tayo na ang mamumuno sa buong kaharian ng Castelliona," ani ng ama ni Valkyrie matapos itaas ang hawak nitong kopita na naglalaman ng dugo ng tao.  Matapos marinig iyon ni Valkyrie isang half blood vampire. May bahagi sa kaniya ang hindi natuwa— hindi pa din nawala sa isip niya ang reyna ng mga lobo na kinulong siya ng ilang libong taon sa palasyo.  Umalis si Valkyrie sa bulwagan at tinungo ang pinakamataas na bahagi ng palasyo. Mula doon nakikita niya ang buong lugar ng castelliona na sinasabing pinagkait ng mga lobo sa mga bampira.  Pumasok sa isip niya ang reyna na namatay mismo sa mga kamay niya. Napaluhod ang binata at tiningnan ang mga kamay niya.  "Bakit hinayaan ng mahal na reyna na gawin ko iyon? Kaya niyang protektahan ang sarili niya sa akin— bakit hindi na lang niya ako pinatay?" ani ng binata hanggang sa namalayan niya na lang ang mainit na bagay na tumutulo galing sa mga mata niya.  Tumulo iyon sa mga palad niya na puno ng dugo ng reyna. Binaon niya iyon mismo sa katawan ng reyna at walang awa na dinukot ang puso ng reyna ng mga lobo.  "Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaan na mamatay ka sa mga kamay ko?" "Bakit mo ako niyakap at tinanggal ang marka mo bago ka mawala? Bakit mo ako niligtas?" basag na sambit ng kalahating bampira habang patuloy ito sa pagluha at nakatingin sa mga kamay niya na binabalutan ng dugo ng reyna.  "Sagutin mo ako. Bakit hindi mo ako pinatay?"

Updated at

Read Preview
The 3rd Petals

The 3rd Petals

Reads

Book 01-My Teacher, My Husband Is A Mafia Lord Book 02- The 3rd Petals Book 03- Babysitter of Heartless Mafia Emperor Second Generation Book 1-The Runaway Mafia boss Book 2- The Two Faced Silhouette Warning: R-18 Blurb "I think he's dead." "No, he's not! Paano siya mamatay? Ginulat lang natin siya," ani ni Sorenn Villiegas. May tatlong bata ngayon ang nasa apat na taon na gulang ang nakatayo. Pinalilibutan ng mga ito ang lalaking nakahiga sa carpet. "Heart attack?" sabat ni Elliseo Villiegas na nakatayo sa uluhan ng lalaki. "We need hide his body. Hindi pwede ito malaman nina daddy," ani ni Elija Villiegas na nanlalaki ang mata. "I buried him. Ilagay natin siya sa likod ng fountain," ani ni Elija. Napatigil si Sorenn at Elliseo. "Hindi ba dapat i-check muna natin kung buhay pa siya?" ani ni Sorenn. Napanguso si Elija. "Mas convenient kung ipaghuhukay na natin siya pagkatapos itatago." Hahawakan ni Elliseo ang lalaki nang bigla itong bumangon at sumigaw. "Ahh!" Tumakbo ang tatlong bata palayo. Tawa ng tawa si Ward Chavez. "Young master Elija. Ikaw na bata ka apat na taong gulang ka pa lang utak criminal ka na," ani ni Ward. Hindi siya makapaniwala na gusto na siya nito ibaon sa lupa nang hindi tinitingnan kung buhay pa siya. Nakita niya sumilip iyong tatlong bata mula sa pagkakatago sa likod ng sofa. Elliseo, Elija at Sorenn Villiegas. Apat na taon na gulang. Tagapagmana ng mga Villiegas. Tumawa si Sorenn at nagpa-cute kay Ward. Sinabi na nagbibiro lang naman sila. Muntikan na atakihin si Ward sa puso. Ang ku-cute kasi ng alaga niya lalo na si Sorenn. Mukha itong anghel. "Babies! Nandito na si mommy!" Naghabaan ang leeg ng triplets matapos marinig ang boses ng ina. Sumigaw si Sorenn ng mommy at naunang tumakbo. Sinalubong ni Sorenm ng yakap si Sylvia Cervantes-Villiegas. Natutuwang niyakap ng babae ang anak. Binati ni Sylvia ang mga anak ng happy birthday. "May mga binili na gifts si mommy then ipagluluto ko kayo ng mga favorite niyo na foods," natutuwa na sambit ni Sylvia at hinaplos ang buhok ng mga anak. "Mommy, nasaan si daddy?" tanong ni Elliseo. Napatigil si Sylvia matapos itanong iyon ni Elliseo. Napakamot sa pisngi si Sylvia. "Busy ang daddy niyo. Pero baka uuwi iyon mamayang gabi. Sasabay sa atin sa dinner," ani ni Sylvia. Tinaas nito ang isang kamay para i-cheer ang mga anak. Pilit na ngumiti lang si Elliseo. Sinabing gusto niya makita ang gift ng mommy niya. "Mamaya ang gift. Magbo-blow muna kayo ng candle siyempre!" "Young master! May mga bagong toys kami binili para sa inyo. Check niyo bilis," ani ni Leon Sedan. Dumating ang mga ito kasama sina Abel Brick. "Uncle!" Agad na lumapit ang tatlong bata. Maya nga dala kasing kahon sina Leon. Tambak ang gift ng triplets. Nawala ang ngiti ni Sylvia at umiwas ng tingin. Nakita iyon ni Ward. "Anong nangyari, my lady?" tanong ni Ward. Hindi maganda ang expression ni Sylvia. "Mukhang wala talagang balak ang ina ni Kiel tigilan kami. Hindi ko alam ang iba pang detalye ngunit hindi maganda ang kutob ko. Nag-aalala ako para kay Kiel. Sinisisi pa din ng ina ni Kiel si Kiel sa pagkamatay ni Kian and worst may kutob si Kiel na may isang organisasyon hinahawakan ang pamilya ng ina ni Kiel. Gusto nila patayin si Kiel at ang mga anak ko."

Updated at

Read Preview
My Teacher, My husband is a mafia lord

My Teacher, My husband is a mafia lord

Reads

Book 01-My Teacher, My Husband Is A Mafia Lord Book 02- The 3rd Petals Book 03- Babysitter of Heartless Mafia Emperor Second Generation Book 1-The Runaway Mafia boss Book 2- The Two Faced Silhouette Warning: R-18 Blurb "Kiel, I'm so tired— gusto ko na umuwi," reklamo ng babae. Nakasubsob ito sa table kung nasaan ang libro na pinababasa sa kaniya ng teacher nito. "Ilang beses ko na sinabi sa iyo na huwag mo ako tatawagin na Kiel lalo na kapag nasa university tayo," saway ng lalaki na nakaupo sa gilid ng teacher's table— naka-cross leg at may hawak na libro. Inayos ang suot na salamin at nakatingin sa iisang estudyante na nasa room na iyon. Nakahilig ang babae sa table. Inangat ng babae ang kamay— at tinatakpan ang nakikita niyang buwan. "Tayong dalawa na lang naman dito. Isa pa hindi pa ba tayo uuwi?" "Puputok na ugat ko sa ulo kaka-aral," ani ng babae at umayos ng upo. Tiningnna niya ang gwapong lalaki na nakaupo sa unahan. Nag-act ito ng cute. "Honey, hubby, sweety— uwi na tayo. Tama na aral," ani ng babae. Pinagsiklop pa nito ang mga palad at todo ang pagpapa-cute. Napahawak sa sentido ang lalaki at kitang-kita sa expression ng lalaki na nag-give up na siya. "Fine, iligtpit mo na ang mga gamit mo," ani ng lalaki. Agad na napatalon ang babae matapos tumayo at niligpit ang mga gamit niya. Tapos na ang klase at makakauwi na siya. Tumayo na din ang lalaki then binaba ang hawak na libro sa table. Sa ilalim ng table— may lalaki doon na nakatali ang buong katawan at may tape sa bibig. Takot na takot ito habang nakatingin sa teacher— noong nagtama ang mata nila ng teacher na nakayuko at nakatingin sa kaniya. Napaihi sa takot ang lalaki. "Teacher! Tara na uwi na tayo! Nagugutom na ako kanina pa. Mis ko na ang luto ni nanny!" Nauna lumabas ang babae sa pinto dala ang bag. Kinuha ng lalaki ang bag niya at tumalikod at inayos ang salamin. "Bilisan mo Kiel maglakad! Late na tayo para sa dinner," natutuwa na sambit ng babae at humarap sa lalaking naglalakad palabas ng classroom. "How many times I'll tell you na kapag nasa university tayo— tawagin mo akong teacher, wife." Humagikgik ang babae at natatawang tumalikod at patalon-talon na naglalakad. "Okay, teacher."

Updated at

Read Preview
Hopelessly, Devoted To You

Hopelessly, Devoted To You

Reads

Book 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you SPG! SPG! R-18 Blurb Malaanghel ang kaniyang mukha May magandang ngiti na talagang nakakapanghina Maganda siya Malakas ang dating at sopistikada "Bakit kayo umaatras? Hindi ba gusto niyo ako makita?" Halos mawalan ng kulay ang mukha ng tatlong gwapong lalaki matapos bumangga ang likod nila sa pader. Sa maliit na katawan ni Desiree Ortega— napabagsak niya ang hihigit sa sampung lalaki na doble ang laki kaysa sa kaniya. Nagkalat ang mga ito sa sahig na nasa abandonadong gusali. Itinutok ni Desiree ang hawak na tubo sa gilid ng ulo ni Loki Lucero na napalunok na lang habang nakatingin sa mga mata ni Desiree. "Actually, wala naman ako balak patulan kayo lalo na at kayo iyong mga lalaking tipo ko," ani ni Desiree. Kinuha ang tubo at umayos ng tayo. "Pero iyong kuhanin niyo ako dahil gusto niyo makita ang kakambal ko. Bigla akong nagselos," ani ni Desiree at nilagay ang tubo sa balikat niya at ngumisi. "Mas maganda naman ako sa kakambal ko hindi ba?" tanong ni Desiree. Sinabi ni Azure Lucero na mas mabait si Jasper. Nahampas siya ni Desiree ng tubo sa sikmura. Napaluhod ito at agad siya dinaluhan nina Loki. "Ikaw! Sumusobra ka na! Hindi ka lang namin pinapatulan dahil ayaw namin mas magalit si Jasper! Magpasalama—" Napatigil si Tiago Lucero na nakaupo sa sahig hawak sa braso si Azure nang hawakan ni Desiree ang panga niya at ilapit ang mukha. "Bakit— anong gagawin mo?" tanong ni Desiree. Sigarilyo, beer at mint candy. Naamoy lahat iyon ni Tiago— nakatingin silang lahat kay Desiree. Pare-pareho silang napapatanong kung sino ba talaga ang babae at kung kakambal ba talaga nito ang nakilala nilang pinaka-soft hearted and caring na tao. Nilapit ni Desiree ang labi sa mukha ni Tiago. Aalis si Loki nang iharang ni Desiree ang tubo na tinungkod niya sa pader at sa espasyo kung saan lulusot ang lalaki. "Gawin niyo ang gusto ko— tutulungan ko kayo kausapin ang kakambal ko. Papayagan ko din kayo lumapit sa kaniya ng ilang metro ng hindi nasasaktan," ani ni Desiree matapos ilapit ang bibig sa tenga ni Tiago. "No! Bakit kami papayag! Akala mo ba natatakot kami sa iyo!" sigaw ni Tiago. Umayos ng tayo si Desiree at bahagyang ngumisi matapos idutdot sa noo ni Tiago ang tubo. "Hindi ko kayo tinatanong. Inuutusan ko kayo. Mukha ba akong nagtatanong?" may ngisi na sambit ni Desiree at tiningnan sina Tiago na para bang ang liliit lang ng mga ito na nilalang.

Updated at

Read Preview
Being Black Leopard's Possession

Being Black Leopard's Possession

Reads

Blurb  "Ngayon ang araw kung saan gaganapin ang pagpili ng nararapat na guardian para sa walong prinsipe," malakas ang boses na anunsyo ng isa sa ministro ng hari.  Ito ang araw na kinakatakutan ko dahil ang guardian na tinutukoy nila ay mga Devine beast. Mga nilalang na sinugo ng langit para mag-participate sa gaganaping pagpili ng susunod na hari.  Makakapangyarihan na nilalang na siyang pipili sa prinsipe na magiging katuwang nila sa ilang libong taon na pananatili nila sa lupa.  Kung sakaling walang devine beast na lumapit sa akin siguradong itatapon ako ng buong imperial family sa labas ng palasyo. Wala akong interes sa trono pero ayoko mawala sa palasyo.  Palihim na nagtawanan ang mga kapatid kong prinsipe matapos mapadapo ang tingin sa akin.  Lahat ng mga kapatid ko may mga kapangyarihan na naayon sa kalikasan katulad ng hangin, lupa, tubig, kidlat, apoy, at yelo. Kahit walang ang devine beast magagawa nilang manatili sa itaas ngunit ako— bukod sa gawing mainit ang paligid at magpaulan ng mga bulaklak. Hindi ko na alam ang kaya ko pang gawin.  Wala akong kapangyarihan ayon sa kumakalat na balita sa palasyo. Hinawakan ko ng mahigpit ang suot kong kasuotan matapos magsimula ang ritwal para tawagin ang mga devine beast.  Nauna lumapit ang kaisa-isang anak ng reyna at pinatak ang dugo sa bilog na tinapakan niya an kasalukuyang naglalabas ng puting liwanag.  Sa isang iglap naging pula iyon at mula sa langit may bumabang pulang liwanag. Nanlaki ang mata ko matapos makitang isa iyon dragon.  Maraming nagsasabi na kapag nagawa mong tawagin ang devine beast at bumaba iyon. Pinili ka nito at panghabang buhay mo na itong makakasama.  "Gusto ko ng kaibigan," bulong ko matapos makita iyon. Gusto ko ng kasama kahit ano pa siyang nilalang. 

Updated at

Read Preview
Hiding The Multimillionaire's Daughter

Hiding The Multimillionaire's Daughter

Reads

Blurb Wala akong kinamulatan na maayos na pamilya. My father is a cheater kaya palaging umiiyak ang mommy ko ngunit nagtiis siya dahil nga mahal niya si dad hanggang sa mamatay siya nandoon iyong sama ng loob niya sa dad ko. Namatay si mama dahil sa stressed dahil hindi na niya iyon kinaya. Noong namatay ang mama ko ni isang beses hindi pumunta ang papa ko para sumilip. Kalokohan lang ang pagmamahal para sa akin at ang kasal. Kung magmamahal ako at hindi niya iyon deserved wala akong balak magpakatanga gaya ng mama ko. Hindi ko hahayaan na maranasan ng magiging anak ko iyon. Tiningnan ko ang anak ko na si Myles Fornasari Navarro. My only daughter and my special one. "Pinapangako ko na hindi mo mararanasan ang sakit na naranasan ko. Aalis ako pero hindi kita iiwan. Lalayo tayo sa lahat lalo na sa mommy mo," bulong ni Barry Navarro habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa bus at yakap ang anak niyang babae na nasa apat na taon pa lamang. Isa si Barry sa pinakamaswerteng lalaki sa mundo. Nakapangasawa siya ng isang independent, mayaman, maganda at matalinong babae. Hindi niya na kailangan mag-work para sustentuhan ang pangangailangan nila. Sino ba ayaw ng ganoon na asawa hindi ba? Pero iba si Barry— mahal niya ang dating asawa ngunit— alam niya sa sarili niya na hindi siya mahal nito. Ayaw niya na ipilit specially kung ang tingin lamang sa kaniya nito ay isang substitute ng taong totoong mahal nito. Hinaplos ni Barry ang buhok ng anak na babae na siyang sobrang kamukha ng ina. "Hayaan na natin ang mommy mo maging masaya. Kapag pinilit pa kasi natin siya— tayong tatlo lang din masasaktan." Hinalikan ng lalaki ang noo ng anak at kinulong ito sa mga bisig. Magpapakalayo-layo na sila. Pupunta sila sa lugar na sisiguraduhin ni Barry na hindi sila makikilala. "Gagawin ko lahat para punuin ka ng pagmamahal. Ibigay sa iyo ang pagmamahal ng isang ina at ama."

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.