Her Guardian Devil
Share:

Her Guardian Devil

READING AGE 18+

alfiellore Romance

0 read

Ang mga magulang nina Nicholai David Samaniego at Bea Clarisse Evangelista ay matalik na magkaibigan pero kabaligtaran ang sitwasyon nila ni Nick.

Paanong hindi maiinis si Clarisse? Seryoso at tahimik si Nicholai pagdating sa ibang tao pero pagdating sa kaniya puro kagaguhan ang mga sinasabi nito.

Halos araw-araw ay dinadayo pa siya nito sa bahay nila para lang buwesitin.

Lagi rin itong nakabantay sa kaniya dahil iyon daw ang bilin ng kuya niya pati na ng mga magulang niya.

Naroon ang ipagkalat nito na may mga alipunga raw siya. Marami raw siyang pigsa at kung ano-ano pang sakit na nakakahawa ang mga pinagsasabi nito dahilan para ayawan siya ng mga lalaking nanliligaw sa kaniya.

Kapag may babae naman na naghahabol dito ay siya ang itinuturo nitong girlfriend kaya naman maraming babae ang nagagalit sa kaniya dahil mang-aagaw daw siya.

Hanggang sa dumating ang isang araw na magpapabago sa sitwasyon nila ni Nicholai.

Sa gitna kasi ng panganib ay umamin ito ng pag-ibig sa kaniya.

Maniniwala na sana siya kaya lang pagkatapos nitong magtapat ay namilipit ito sa kakatawa.

Kaya imbes na matamis na \'Oo\' ang isagot niya kay Nicholai. Isang malutong na sapak ang natanggap nito mula sa kaniya.

Unfold

Tags: billionairepossessivebadboyCEOcomedybxgbullyoffice/work placeenemies to loversgorgeous
Latest Updated
Episode 57 END

"Happy wedding anniversary, Baby," bati ni Nicholai sa kaniya habang karga-karga nito ang kambal nila. Kalaunan ay nilapitan siya nito at ginawaran ng halik. "I have a special surprise for you."

Ang akala niya ay nakalimutan nito ang anniversary nila kaya imbes na magluto siya ng pagsasaluhan nilang dalawa ay pinili na lang niyang ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.