Fated to be yours (Spg)
READING AGE 18+
Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang hindi inaasahang kasunduan.
Gumuho ang mundo ni Althea Camille Ignacio nang mahuli niyang may kasamang ibang babae ang kanyang fiancé. Wasak ang puso, lasing, at desperadong makalimot, nauwi siya sa piling ng isang estranghero isang gabi ng kapusukan na nag-iwan ng malabong alaala... at isang hindi inaasahang bunga.
Ang hindi niya alam, ang lalaking iyon ay si Damon Cedric Altamirano ang tinaguriang man of few words, isang bilyonaryong CEO na kilala sa kanyang pagiging malupit sa negosyo, malamig ang puso, at walang interes sa pag-ibig.
Isang buwan ang lumipas, at isang nakakagulat na rebelasyon ang gumimbal kay Althea: buntis siya.
Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas, may alok si Damon na hindi niya inaasahan isang kasal na tatagal ng isang taon, batay lamang sa kontrata.
Walang pag-ibig. Walang emosyon.
Isang kasunduan mapapangalagaan ni Damon ang kanyang reputasyon, at magkakaroon ng seguridad si Althea para sa kanilang magiging anak.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagbabago ang lahat.
May pagnanasa sa bawat tingin.
May damdaming pilit lumulusot sa pagitan ng mga pader na itinayo nila.
At sa pagitan ng kasunduan at katotohanan, nagsisimulang magkalabo ang hangganan.
Sa isang mundong ang pag-ibig ay kahinaan at ang tiwala ay isang sugal, may pag-asa bang mabuo ang isang relasyong nagsimula sa kasunduan?
O baka ang kasunduan mismo ang siyang maging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay.
Unfold
Matthew’s POV
Bawat halik ko, bawat haplos ko, ay may kasamang pangako na kahit ilang ulit pa naming gawin ito, ngayong gabi ay mananatiling espesyal.
Sa ilalim ng mga ilaw ng Paris, sa tabi ng bintana kung saan tanaw ang Eiffel Tower na kumikislap sa bawat t***k ng gabi, tahimik kong pinagmasdan ang asawa kong……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……