6.904K
VISITORS
302

ABOUT ME

Writer by passion, dreamer by nature. Every story I write carries a piece of me.

ABOUT ME

Writer by passion, dreamer by nature. Every story I write carries a piece of me.
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY JazzyWrites

When a Man Love's a Woman (Spg)

When a Man Love's a Woman (Spg)

Reads

John David Yao was born rich, A child of privilege and power, molded by empires and raised by legacy. Tagapagmana ng imperyong binuo ng kanyang mga magulang, na may-ari ng mga hotel, bangko, resort, at iba’t ibang negosyo sa iba’t ibang sulok ng mundo. Sanay siyang sinusunod, hinahangaan, at palaging nakukuha ang gusto sa isang pitik lang ng daliri. Gwapo. Spoiled. Charmer. Womanizer. Happy-go-lucky at walang inintinding responsibilidad sa buhay maliban sa pagpa-party at paglalakbay kung saan man niya gustong pumunta. Hanggang sa makilala niya si Cassandra "Cassie" Rodriguez isa sa mga empleyado ng Liora Grand Hotel ba pag-aari ng mga magulang niya. Isang babaeng hindi kayang bilhin ng mamahaling regalo. Hindi bumibigay sa mapang-akit niyang ngiti. At lalong hindi natitinag sa mga bulaklak, tsokolate, o araw-araw na panliligaw. Si Cassie ay mailap, prangka, at walang pakialam kahit anak pa siya ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan nito. At doon nagsimula ang obsesyon niya sa babae. At para makuha ito, umisip siya ng planong mahirap tanggihan. Sampung milyong piso. Kapalit ng isang linggong kasama niya Isang desisyong hindi na niya mababawi. At isang pagsisimula ng larong hindi niya alam kung siya ba ang mananalo O ang tuluyang matatalo.

Updated at

Read Preview
Falling in love with a Billionaire

Falling in love with a Billionaire

Reads

Isang sulyap. Isang banggaan. Isang babaeng hindi niya kayang kontrolin. Francisco Del-Fuero III, isang bilyonaryong CEO, control freak, at certified heartless. Para sa kanya, love is a distraction, at ang mga babae ay pansamantalang aliw lang. Walang espasyo ang damdamin sa mundong binuo niya mula sa disiplina, pera, at kapangyarihan. Hanggang sa dumating si Larrisa Jane Ramirez isang babaeng simpleng manamit, prangka kung magsalita, at walang pakialam kung sinong may ari ng kumpanya o kung gaano ito kayaman. Hindi siya nahulog sa alindog ni Francisco, hindi siya humanga sa power plays nito at yun mismo ang gumulo sa isip ng lalaking sanay laging may kontrol. “Ms. Ramirez alam mo ba na sanay akong sinusunod?” “Then maybe it’s time someone told you big NO, Mr. Del-Fuero.” Isang sagot na parang hampas ng malamig na tubig sa mukha niya. Hindi siya sanay tinatanggihan, lalo na sa sarili niyang teritoryo. “Wala ka sa posisyon para suwayin ako, Ms. Ramirez.” “At hindi mo rin ako pagmamay-ari para utusan.” Nagtama ang kanilang mga mata matalim, matapang, mainit. Sa saglit na iyon, alam ni Francisco na ang babaeng ito… ay hindi niya pwedeng hawakan lang kung kailan niya gusto. Habang pilit niyang iniiwasan si Larrisa, lalo lang siyang nahuhulog. Sa bawat argumento, sa bawat sarkastikong palitan nila ng tingin at salita, may init na unti-unting sumisingaw. Isang damdaming hindi niya kontrolado, at higit sa lahat, hindi niya inaasahan.

Updated at

Read Preview
Fated to be yours (Spg)

Fated to be yours (Spg)

Reads

Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang hindi inaasahang kasunduan. Gumuho ang mundo ni Althea Camille Ignacio nang mahuli niyang may kasamang ibang babae ang kanyang fiancé. Wasak ang puso, lasing, at desperadong makalimot, nauwi siya sa piling ng isang estranghero isang gabi ng kapusukan na nag-iwan ng malabong alaala... at isang hindi inaasahang bunga. Ang hindi niya alam, ang lalaking iyon ay si Damon Cedric Altamirano ang tinaguriang man of few words, isang bilyonaryong CEO na kilala sa kanyang pagiging malupit sa negosyo, malamig ang puso, at walang interes sa pag-ibig. Isang buwan ang lumipas, at isang nakakagulat na rebelasyon ang gumimbal kay Althea: buntis siya. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas, may alok si Damon na hindi niya inaasahan isang kasal na tatagal ng isang taon, batay lamang sa kontrata. Walang pag-ibig. Walang emosyon. Isang kasunduan mapapangalagaan ni Damon ang kanyang reputasyon, at magkakaroon ng seguridad si Althea para sa kanilang magiging anak. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagbabago ang lahat. May pagnanasa sa bawat tingin. May damdaming pilit lumulusot sa pagitan ng mga pader na itinayo nila. At sa pagitan ng kasunduan at katotohanan, nagsisimulang magkalabo ang hangganan. Sa isang mundong ang pag-ibig ay kahinaan at ang tiwala ay isang sugal, may pag-asa bang mabuo ang isang relasyong nagsimula sa kasunduan? O baka ang kasunduan mismo ang siyang maging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay.

Updated at

Read Preview
My boss got me pregnant (Spg)

My boss got me pregnant (Spg)

Reads

Edward Stewart is thirty years old. Half British. Half Filipino. Isa siya sa mga pinakatanyag na billionaire hindi lang sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang panig ng mundo. At kung may iilan mang nakakapasok sa personal niyang mundo, isa na roon si John David Yao, ang matalik niyang kaibigan. Pero sa kabila ng tagumpay at yaman, may isang kahilingan siyang kailangang tuparin mula sa nag-iisang taong mahalaga sa kanya ang kanyang Abuelo. Hindi dahil desperado siyang magmahal. Kundi dahil iyon lang ang tanging regalong nais nitong matanggap isang asawa, isang anak, bago ito sumapit sa ika-60 kaarawan. Simple sa salita. Mabigat sa puso. At hindi basta-basta ang babaeng hinahanap ni Edward. Ayaw niya ng sabit. Ayaw niya ng drama. Ayaw niya ng kasaysayang kailangang ayusin. Ang gusto niya isang babaeng tahimik ang nakaraan, malinis ang pangalan, at walang iniwang pusong sugatan. Hindi siya mang-aagaw. Hindi siya maninira. Dahil sa mundong puno ng ingay, intriga, at panandaliang aliw, isa lang ang panuntunan ni Edward Stewart "Kung hindi para sa kanya hinding-hindi niya kukunin."

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.